Andrew's POV
Hello. Nandito ako ngayon sa dorm ko at naghahanda na para pumasok. Excited naman talaga ako pumasok kasi bagong paaralan at ang mas na eexcite pa ako ay sa university pa talaga. Sana lang ay magkaroon ako ng mga totoong kaibigan,hindi yung mga plastic.
4:28 palang ng umaga ay naghanda na ako. Ganun Kasi ako ka-excite pumasok. May bulong-bulongan kasi noon na mababait daw yung taga unibersidad na nag-aaral. Hindi ko rin masisigurado yun kasi tsismis lang yun at baka pagdating ko dun ay sasalubong sa akin ang mga bully students.
Halos kalahating oras rin ako naghanda sa mga gamit ko para ilagay sa bag ko. Noong bakasyon kasi ay kahit saan ko na nilalagay ang mga notebook ko kaya hanap ng hanap ako kanina. Sobrang wierd lang kasi hindi ako sanay sa ganitong buhay,ako lang mag-isa dito sa dorm at namimiss kona mga magulang ko. Sana bumisita naman sila kapag may oras sila.
Limang minuto nalang para mag alas sais nang umaga at tapos na rin ako. Kaya napag isipan ko na lumabas na ng dorm at magtungo na sa paaralan. Hindi ko na eni-text ang mga kaibigan ko kasi baka late na naman yun,kadalasan kasi ay palagi silang late sa unang pasukan.
Halos dalawampong minuto rin bago ako nakarating sa paaralan. Agad na akong naglakad paakyat para hanapin yung room ko. Nagtaka tuloy ako kasi kahit ngayon ay hindi pa rin nagtetext ang mga kaibigan ko, baka kasi lumipat na sila sa ibang school pero sana naman ay hindi.
Nang makaakyat na ako sa room ng mga senior high at agad kong tiningnan yung mga papel na nakadikit sa pintuan. Humanities and Social Science or HUMSS pala yung strand ko at limang room naman bawat strand. Eni check ko yung pinakahuling room, room E siya kasi panglima eh. Nakita ko yung pangalan ni Christian Stewart. Sa room D ay wala pa rin yung pangalan ko pati na rin sa room C pero doon yung room ni Pamela Ruiz. Wala rin yung pangalan ko sa room B kaya sigurado na ako na sa room A ako. Nang tiningnan ko ay hindi nga ako nagkamali kasi totoo nga yung hula ko. Pumasok na ako sa room at ako palang mag-isa.
Pagkaraan ng pitong minuto ay may dumating naman na kaklase ko. Lalaki siya ah,medyo may itsura rin siya.
Nilapitan ko siya para makipagkaibigan. Mabuti nalang at mabait ako ngayon. Hahaha...mabait naman talaga ako eh.
"Hi",magandang bati ko sa kanya sabay kaway ng kaliwang kamay ko.
"Hello"- gumanti rin siya ng kaway sa akin
"Ako nga pala si Andrew Dixon. Ikaw, sino ka? I mean,ano ang pangalan mo?
"Ako nga pala si Henish Drent. Nice to meet you."
Pagkatapos nun ay nagkamayan kami. Dahil sa bagot na ako sa kahihintay sa mga kaibigan ko ay niyaya ko siya na lumabas muna sa room para maglakad-lakad sa labas. At pumayag naman siya. Habang naglalakad kami ay nagkwentuhan muna kami.
"So,bago ka pa lang ba dito?-curious kung tanong sa kanya.
"Actually, hindi eh. Kasi dito na ako nag-aaral simula nung grade seven pa ako."- Henish
"Masaya ba dito? May mga naririnig kasi akong mga tsismis nah masama daw ang mga tao dito. Totoo ba yun?"- pag-iba ko sa narinig kong tsismis.
"Hindi naman lahat. May iilang masama at may iilan namang hindi. Pero mag-iingat ka kay Liam Jack Easton, medyo masungit yun at ayaw niya sa mga makukulit."- babalang sabi niya sa akin na medyo kinabahan ako bigla.
Liam Jack Easton? Siya siguro pinakamasama dito o baka may dahilan siya kaya siya ganun. Pero hindi ko na papangarapin pang makita o makasalubong man siya sa daan baka kasi ako pa ang pagdiskitahan niya. Hindi naman pala lahat ng mga estudyante dito ay mga masasama may mabubuti rin naman pala.
Nakapunta kami sa library ng campus at doon ako namangha dahil malaki talaga siya kumpara sa library namin nung grade ten pa ako.
"Ang laki naman ng library niyo noh",papuring sabi ko sa kanya.
"Mahilig ka ba sa mga libro?"- Henish
"Medyo. But in reading I prefer old books."
Pagkatapos namin dun ay naglakad ulit kami ng medyo malayo-layo sa library at mukhang alam ko kung saan kami patungo.
Nang makarating na kami ay hindi nga ako nagkakamali. Nandito kami ngayon sa room ng mga SSG Officers, mabuti nalang at walang tao kundi baka nakita ko yung lalaking sinasabi ni henish. Hindi naman sa matatakutin ako pero parang ganun na nga. Ayaw ko lang kasing makita yung lalaki na yun sa mismong unang araw ko dito sa university na ito. I want peace.
Pagkatapos ng lakaran ay bumalik na kami sa mismong room namin dahil sampung minuto nalang para mag flag raising kami. Nagkwentuhan lang kami sa loob ng room. Nang tumunog na yung bell ay lumabas na kami at gumawa ng isang linya. Napansin ko na wala pa yung mga kaibigan ko. Ang huling balita ko kasi sa kanilang dalawa ay dito daw sila mag-aaral pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Siguro, sa ibang school sila pinaaral ng mga magulang nila. Wala pa naman akong masyadong kilala dito sa university na ito kundi si henish lang.
Habang nasa linya ay tahimik lang akong tinitingnan si henish na merong kausap. Siguro, kaibigan niya yun. Medyo may itsura rin naman yung kausap niya. Lumapit sila sa akin at ipinakilala ni henish yung kausap niya kanina.
"Andrew, ito pala si Erik De Santos. Magiging kaklase natin siya. Erik, siya naman si Andrew."
"Hi."- Erik
"Hello."
Nagkamayan kami mg medyo may pagkatagal. Medyo nahihiya nga ako sa part na yun eh kasi napansin yun ni henish na tutok na tutok ako kay erik. Pero, were just friend at wala nang ibig sabihin yun. Kinikilatis ko lang naman siyang maigi kung magiging totoo ba siyang kaibigan sa akin. At yun nga, wala naman akong napansing kakaiba sa kanya bukod sa gwapo siya. Ako yung bumitaw kasi ako naman talaga yung nahihiya siya kasi parang wala lang. Hindi rin naman niya mapapansin kung ano talaga ako. Well, tao naman ako wala namang iba sa akin bukod sa mas cute lang ako kumpara sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
TeenfikceSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...