Chapter 8

2 2 0
                                    

Andrew's POV

Kinabukasan habang nasa dorm pa at naghahanda sa aking sarili. Sumilip muna ako sa kabilang building kung ano ang ganap doon. Well, nakita ko lang naman na naliligo siya. Hindi ko rin maaninag kung sino yun kasi hindi naman siya pumupunta sa likuran ng building niya.

Naligo na agad ako ng mapuno ko na yung timba na nasa banyo. Meron namang shower pero gumamit lang ako ng timba o balde para mahaluan ko ng mainit na tubig. Mainit rin naman yung tubig pero parang kulang pa sa enit.

Nang matapos na ako at ready na para pumasok ay sinilip ko ulit yung nasa kabilang building kasi baka nakaalis na ba siya o hindi pa. Tahimik na yung kwarto niya at ibig sabihin lang nun ay nakaalis na siguro siya.

Pagkarating ko sa paaralan ay agad akong pumunta na sa room. Naabutan ko si henish na parang may sinusulat sa papel. Alam kung hindi yun assignments kasi wala namang ibinigay na assignments kahapon. Kaya nagtanong ako sa kanya.

"Ano yan henish?"

"Ahh...wala to."-Henish

"Patingin nga."-sabi ko sabay biglang bunot sa papel na sinusulatan niya.

Nabigla ako sa nabasa ko kasi love letter to eh. Sino kayang maswerteng babae ang makakatanggap nito. Binasa ko yun ng may ngiti sa aking labi. Ang sweet naman ng kaibigan ko. Kabago-bago palang, may nagugustuhan na kaagad.

"Para kanino to henish?"-tanong ko pa sa kanya ng hindi ko makita yung pangalan sa papel na sinulatan niya.

"Ah...wala nga yan eh. Biro lang yan."-Henish

"Anong biro yang pinagsasabi mo eh nakasulat nga dito oh na Mahal kita at hindi ako nagbibiro. Palusot pa henish, akala mo hindi kita mabibisto. Para kanino nga to?"-pagpupumilit ko sa kanya.

"Oo nah, para yan sa crush ko."-Henish

"Ayyyieee, lumalovelife na kaibigan ko."-pang-iinis ko sa kanya.

"Tama na nga yan. Akin na nga, tatapusin ko pa yan eh."-sabi niya sabay kuha sa papel na hawak ko.

"Ang swerte naman ng bibigyan mo niyan henish."

"Ewan. Baka hindi rin. Kasi may nakilala kasi siyang mas gwapo sa akin at close na sila kaagad. Hindi ko rin alam kung magugustuhan kaya niya ako."-malungkot nitong sabi sa akin.

"Hay naku henish, tiyak na magugustuhan ka nun. Ang gwapo mo kaya at ang bait pa. Tiyak na wala na siyang makikitang katulad mo."-papuring sabi ko sa kanya.

"Sana nga Andrew."- maputla niyang sabi sa akin.

"Tama na nga yang drama, nagmumukha kang bakla niyan."-pang-iinis ko pa.

"Ewan ko sayo."-inis niyang sagot.

Natawa tuloy ako bigla nang masabi niya yun. Nababakla na yata tong kaibigan ko eh. Nang nagsidatingan na yung mga kaklase namin ay bumalik na ako sa kinauupuan ko. Baka kasi isipin pa nila na may something kami ng kaibigan kong si henish.

Pagka-recess ay pumunta na kami ni henish sa canteen at bumili na nang makakain. Habang nakaupo kami ni henish ay biglang lumapit sa akin si lj. Napansin ko rin na nag-iba yung mood ni henish. Bakit kaya? Ewan ko. Tumabi sa akin si lj na para bang ang close namin sa isa't-isa na hindi naman totoo.

"Hi bro."-Lj

"Hello, may kailangan ka?"-tanong ko

"Wala naman. Gusto ko lang makisabay sayo kumain. Ok lang ba?"-Lj

"Pwede naman bakit hindi? Bakit hindi ka nga pala nakisabay sa mga barkada mo?"

"Wala kasi sila eh."-Lj

"Anong wala, ayun nga oh."-malditong sabi pa ni henish sabay turo sa kinaruruunan ng barkada ni lj.

Inibaling ko ang tingin ko sa tinurong direksyon ni henish at nakita ko nga mga barkada ni lj at mukhang kakarating palang eh.

"Nauna na kasi ako sa kanila kasi nagugutom na talaga ako eh. Pero sige, babalik na ako dun sa kanila."-Lj

Pumaroon naman si lj sa kanyang mga barkada at si henish naman ay biglang tumayo.

"Saan ka pupunta"-tanong ko ng mapansin kung hahakbang na sana siya.

"Nawalan na ako ng gana. Punta muna ako sa kung saan. Wag na wag mo akong sundan ha?"-Henish

"Ok sige."

Mabilis naman akung kausap eh. Naglakad na siya papalayo sa akin ng hindi ko man lang nalalaman kung ano ang naging dahilan ng pagkawala niya ng gana sa pagkain. May nag-iba yata sa kaibigan ko ah. Ano kaya yun?

Henish's POV

Nandito ako ngayon sa condo ng isa ko pang kaibigan na si drake. Halos magkatabi lang rin yung bulding na ito sa building ng condo ko. Nandito ako kasi sa wala may mga problema ako na gusto kong sabihin sa kanya. Magaling kasi siyang mag-advice lalong lalo about love.

"So ano pala yung problema mo henish?"-Drake

"May gusto kasi akong isang tao pero meron kasing umiipal sa kanya kaya parang nawawalan ako ng pagkakataong iparamdam sa kanya na mahal ko siya."-kwento ko pa sa kanya.

"Tol, hindi naman yan dahilan upang mawalan ka ng pagkakataong ipakita o iparamdam sa kanya na mahal mo siya dahil sa meron lang umiipal na iba. Tandaan mo tol, hanggang sa wala pa siyang sinasagot ay meron kapang chance na makuha siya. Ang pag-ibig kasi ngayon tol ay hindi sumusukat sa kong gwapo kaba o matalino, sinusukat nito kung gaano ka katatag ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya."-seryosong paliwanag ni drake.

Ganyan ba talaga ang pag-ibig? Eh parang hindi naman. Kasi kung ganun sa sinabi niya ay bakit parang walang siyang nararamdaman kakaiba sa mga kinikilos ko.

"Parang hindi naman ganyan tol."

"Ganyan yan tol. Iparamdam mo sa taong mahal mo na ayaw mo siyang mawala sa buhay mo kasi nga mahal mo siya."-Drake

"Sige tol, salamat sa payo. Susubukan kung gawin yung payo mo baka umipekto."

"Maiba tayo tol. Kumain kana ba?"-tanong niya.

"Hindi pa nga tol eh."-nahihiyang sambit ko sabay kamot sa ulo.

"Ganun ba tol. Cge, maghintay ka lang."-Drake

Ilang saglit lang ay inilabas niya yung pagkain sa ref. niya na mukhang masasarap. Nang sabihin niyang kain na ay agad akong nagsimulang kumain. Medyo gutom na talaga ako. Hindi na kaya ng sikmura ko na tumingin lang sa mga pagkain na inilabas niya. Mabuting kaibigan tong si drake, siya kasi agad yung nalalapitan ko kapag may problema ako, katulad ngayon. Sa kanya mo talaga madadarama ang totoong kahulugan ng pagkakaibigan.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon