Andrew's POV
Nagising ako sa ringtone ng phone ko. Meron atang tumatawag. Tumingin muna ako sa wall clock at nag-iba mood ko kasi napakaaga pa, mga alas kwatro pa ng umaga. Sinagot ko na yung tawag kahit na unknown number ang nakalagay.
"Hello, Sino to?"-walang gana kong sabi sa kabilang linya.
"Hi, goooooood morning."-palambing nitong sabi sa akin.
"Bakit, Sino ba to?"-tanong ko ulit.
"Zyke lyn pala yung pangalan ko. Grade 11 din ako pero sa kabilang section ako. Humss D nga pala."-Zyke
"Sorry ha pero matutulog muna ako ha. Ang aga pa kasi. Sige bye."
"Ok sige, bye."-Zyke
Inend ko na yung tawag kasi gusto ko pang matulog. Natulog na nga kaagad ako pagkababa ko ng tawag. Hayst, isturbo talaga oh.
Kinaumagahan ay nagising ako ng may nalanghap akong mabangong amoy ng agahan. Parang alam ko na to, mabubusog na naman ako ngayong agahan. Nang madilat ko ang mga mata ko ay nakita ko si henish na nakabihis na at tapos na din siya maligo. Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo para maligo.
Pagkatapos ko ay umupo na ako sa mesa kasabay ko ring kakain ngayon si henish. Nang matapos na kami ay inilibre na niya naman ako kasi nagtaxi kami papuntang paaralan. Sabay kaming naglalakad ngayon sa pathway at hindi ko mawari kong bakit parang nakatingin sila halos lahat sa akin. Napatigil kami sa paglalakad ng merong isang babaeng sumigaw ng pangalan ko at papalapit na siya sa amin.
"Andrew!"-sigaw pa nito.
Nang makalapit na siya sa amin ay nagdaldal kaagad ito.
"Bakla ka ba, bakit kasama mo ay lalaki?"-sabi ng madaldal niyang bunganga.
"Kaibigan ko lang yan."-sagot ko sa tanong niya.
"Ganun bah. Ang gwapo mo talaga andrew at napakacute pa. Papicture nga."-kinuha niya agad yung phone niya at kumuha ng larawan at nakayakap pa siya sa akin.
Medyo weird lang talaga kasi parang naging famous ata ako. Sa palagay ko lang naman.
"Boyfriend mo ba si henish?"-tanong nung isang babae na papalapit sa amin.
"Hindi noh. Magkaibigan lang kami."
"Mabuti naman."-sabi nito na may halong kilig.
Hinablot naman ako bigla no henish papuntang room. Ewan ko ba kung bakit biglaan niya akong hinablot. Naiinis siguro siya sa mga tao, ako rin kasi eh.
Nang makapasok na kami sa room ay umupo na kami dalawa at parang hiningal siya. Hindi niya siguro kinaya bigat ko. Hindi naman ako mataba ah.
"Salamat brad ha. Mabuti nalang at nandiyan ka."-pangiti kong sabi sa kanya.
"Basta para sayo brad."-Henish
"Bakit nagkaganun yun brad?"-wala sa isip kong tanong sa kanya.
Kahit na ako nga eh hindi ko alam kong bakit naging ganoon na lamang ako kasikat ba tawag dun?
"Hindi ko rin alam brad. Siguro napagtanto nila na gwapo ka talaga."-Henish
"Ewan ko sayo brad. Seryoso akong nagtatanong sayo tapos magbibiro kapa diyan."-inis kung sabi sa kanya.
"Seryoso naman ako sa sinabi ko ah. Bahala ka kung ayaw mong maniwala."-Henish
"Brad, matanong nga kita. Pwede?"
"Ano naman yun brad?"-Henish
"Diba meron ka nang nagugustuhan?"
"Oo brad, bakit?"-Henish
"Pwede ba na tulungan kita sa panunuyo mo sa kanya? Please..."-pagmamakaawa ko sa kanya pero tila natahimik siya bigla.
"Brad?"-tawag ko pa sa kanya nang bigla siyang tumahimik.
"Oi brad, pasensya na ha meron lang akong naalala."-sagot pa niya nang mabalik na siya sa katinuan.
"So, payag ka na brad?"
"Oo naman brad."-Henish
"Yes. Asahan mo brad, makukuha mo loob niya. Mapapasagot mo talaga siya."
"Sabi mo brad eh."-Henish
Henish's POV
Patay talaga ako ngayon. Paano ko kaya gagawin to. Nahihirapan kasi talaga ako. Pero pwede na siguro na maghanap ako ng babae na bagay maging temporary crush ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mahal ko siya, si andrew. Yun talaga ang pinakabobong gagawin ko sa buong buhay ko, ang magconfess sa kanya.
Hindi pa kasi ngayon ang tamang oras para sabihin sa kanya itong nararamdaman ko. Lumabas muna ako sa room kasi wala pa namang pasok kasi medyo maaga-aga pa.
Habang palakad lakad ako sa campus ay nakakita ako ng babae na pwede kong maging temporary crush. Ahahahhah... temporary talaga. Maganda naman siya at parang mabait, kaya siya na siguro.
Wala nang paligoy-ligoy pa, nilapitan ko siya at tinanong kung ano yung pangalan niya.
"Hi, pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?"-magalang kong tanong sa kanya.
"Hello, ako si wyne. Ikaw, ano pangalan mo?"-wyne.
"Henish yours truly."-romantico kong sabi.
"So, may kailangan ka?"-wyne.
"Wala naman. Gusto ko lang maka-usap yung hinahangaan ko."
"Ahahha..."-tawa pa nito.
"Saan kaba patungo ng maihatid na kita."-alok ko sa kanya.
"Sa library kasi meron pa akong kailangang hanapin na guide book ko."-wyne
"Ahw sige, sasamahan na kita."
"Ok sige."-wyne
Sinamahan ko siya hanggang sa library at tinulungan ko rin siyang hanapin yung guide book na sinasabi niya. Nahanap rin naman namin kalaunan. Inihatid ko na din siya sa kanya classroom at lahat ng classmate niya ay kilig na kilig sa amin.
Bumalik naman agad ako sa room pagkatapos nun. Nang nasa tapat na ako ng room ay nakita ko si drew at lj na nag-uusap. At ayun nga, bigla na namang sumikip yung dibdib ko sa di malamang dahilan. Nagseselos kaya ako?tanong ko pa sa sarili ko. Ganito ba talaga magselos? Ewan ko ba. Basta ang alam ko ay nasasaktan ako kapag merong ibang kausap yung brad ko. Mahal ko siya at ayaw kung mapunta siya sa iba.
At ang nakakabushit na lj ay patawa-tawa pa. Isumbong ko kaya to sa gf niya ng makatanggap ng regalo. Sigurado ako, kapag nalaman to ng gf niya ay pagagalitan siya. Tignan lang natin kung makakalapit pa siya sa brad ko. Maganda ideya yun. Pero baka madamay yung brad ko, ay hindi siguro yun. Si lj lang naman yung pagagalitan kasi siya yung bf niya. Ayaw ko talaga siya para sa brad ko, gusto ko ako lang yung nasa tabi niya. Alam kong ang bilis ng pangyayare. Oo, bago pa lang kami nagkakilala pero iba kasi talaga yung tinitibok ng puso ko. Tila ba'y natamaan ako sa puso ng nakilala ko siya ng husto.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Fiksi RemajaSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...