Henish's POV
Tumayo kaagad ako sa kama ko at dali-daling binuksan ang pintuan.
"Sir, may kailangan po ba kayo?" -tanong pa nung lalaki na katulong ng namamahala dito.
" Ahy wala. Sige, ok naman ako dito. Wala namang problema."
Pagkaalis niya ay isinarado ko na yung pintuan. Akala ko si brad na, hindi pa pala. Hindi kona enilock yung pintuan para makapasok na kaagad si andrew. Umidlip na muna ako kasi kanina pa yun eh.
Nagising nalang ako pero walang andrew na dumating. Nasaan na kaya siya. Tinext ko siya kung nasaan na siya pero hindi man lang siya nagreply. Gabi na at saan naman kaya siya nagpupunta. Nag-aalala na ako sa kanya baka napano na siya. Tinawagan ko siya at sinagot naman niya.
"Brad, nasaan kaba?"
"Brad, pasensya na. Nagpasama kasi si lj sa mall kasi wala daw siyang kasama na gagala kaya sumama nalang din ako. May kailangan kaba brad?"-Andrew
" Ah wala brad. Sige, ingat ka nalang diyan."
Ibinaba ko naman kaagad yung tawag ko. Nakalimutan na pala niya na may sasabihin ako sa kanya na importante at nagawa pa talaga niyang magsaya na wala ako. Hay naku, ang drama ko. Lumabas nalang ako at balak kong pumunta sa mall kasi bibili nalang ako ng mga kakainin ko dito sa condo ko.
Impossibli naman na magkita kami dito na ang daming mall dito at tsaka malalaki din mga mall dito. Pumasok na ako at nagsimulang lumingon-lingon sa palagid para maghanap ng pwedeng bilhin para kainin. Umakyat nalang ako sa 2nd floor ng mall nato kasi nandun nakalagay ang mga pagkain.
Habang naghahanap ako ng pwedeng bilhin ay hindi inaasahang nagkita kaming dalawa ni lj.
"Akala ko ba kasama mo si andrew?"
"Oo,may binili lang siya dun sa kabila. Bakit ka pala nandito?"-Lj
" Bibili lang ako ng ilalagay ko sa refrigerator ko. At tsaka kung inaakala mo na nandito ako para kunin si andrew ay nagkakamali ka. Masaya naman siya na kasama ka niya kaya masaya na din ako. Sige na, bibili pa ako. Ingat nalang kayong dalawa. "-bilin ko pa sa kanya.
Nagpatuloy na ako sa paghahanap at minamadali ko yun. Baka makita pa ako dito ng brad ko. Akala ba nung lj na yun na hindi ko nahahalata na iba na yung pagtingin niya sa brad ko. Halata na kasi palagi nalang niyang sinasama brad ko. Yan kasi din yung ginawa niya sa gf niya ngayon, pasimple niyang sinasama sa mga lakad niya at di nagtagal ay naging sila. Parang budol-budol yata.
Bumalik na kaagad ako sa condo ko dahil wala naman talagang dahilan para magtagal pa. Tumawag na lang ako kay andrew pagkarating ko.
"Brad, puntahan mo na ako dito. Naiinip na ako kakahintay sayo." -pagdadrama ko pa.
" Sige brad, hintayin mo lang ako diyan. Paparating na ako."-Andrew
" Bro,samahan mo muna ako dun sa restaurant kasi may bibilhin lang ako."-singit pa nung bushit na lj.
" Brad, punta kana ha. Maghihintay ako sayo. Bilisan mo ha."-pagmamando ko pa sa kanya. Nainis kasi ako sa sinabi ni lj. Halatang ayaw niyang pumunta si andrew dito sa condo ko.
"Oo na brad. Papunta nah." -ibinaba naman niya kaagad.
Sana lang magmadali siyang pumunta dito sa condo ko kasi hindi na talaga ako makapaghintay na sabihin sa kanya yung gusto kong sabihin noon pa.
Andrew's POV
Papunta na sana ako sa kwarto ni henish kasi may sasabihin daw siya pero biglang tumawag si lj at gusto daw nitong magpasama sa akin na bumili sa mall. Sinabi ko naman na magpasama nalang siya sa gf niya pero busy daw kaya ayun, sumama nalang ako.
Habang nasa mall na kami ay nakalimutan ko din na may mahalaga palang sasabihin si henish. Natuwa kasi ako kapag kasama ko si lj. Palagi lang siyang nakangiti na para bang may ibig sabihin ang bawat ngiti na ibinibigay niya sa akin.
Nagtext naman si henish sa akin na papupuntahin na niya ako sa condo niya pero gusto pang magpasama ni lj kaya ipinagsawalang-bahala ko nalang yun. Masaya naman yung mga lakad namin ni lj. Punta dito, punta doon. Para bang walang kapagurang paglalakad.
Nang tumawag si henish ay sinagot ko yun at sinabi naman nito na pupunta na daw ako sa condo niya pero ayaw pa talaga magpa-iwan nitong si lj. Nung nasa 2nd floor na kami ay naghiwalay na muna kami ni lj kasi may nakita akong isang bagay na umakit talaga sa akin kasi nagandahan talaga ako. Pinuntahan ko yun at naiwan naman si lj sa stall ng mga pagkain. Sinabihan ko na din siya na bumili nalang kasi medyo gutom na naman ako.
Nang papunta na ako sa kanya ay nakita ko na may kausap siya pero hindi ko makita ng malinaw kong sino. Tinanong ko naman siya pagkalapit ko sa kanya.
"Sino yung kausap mo kanina bro?" -patanong ko pa habang tinitingnan ang mga pinamili niya.
"Ah wala yun bro. Kaklase ko lang, nagtatanong kong bakit ba daw ako nandito at sino ba daw yung kasama ko. "-paliwanag pa niya.
" Ah ok bro. Sabi mo eh. "
Nang mag ring yung phone ko ay sinagot ko yun at alam ko na kaagad sino ang tumatawag. Si henish na naman at gusto na talaga akong papuntahin sa condo niya kasi may sasabihin nga siya. Sinabi ko naman na paparating na ako at maghintay lang siya. Nagpaalam na kaagad ako kay lj na babalik na ako sa condo ko.
"Bro, babalik na ako sa condo ko ah. Medyo gabi na talaga at tsaka may sasabihin daw si henish sa akin kaya mauna na ako sa iyo ha. "
" Ihatid nalang kita sa tapat ng condo mo. Ok lang ba bro?"-Lj
" Ikaw bahala bro."
" Ok sige bro. Babayaran ko lang muna tong pinamili natin at aalis na tayo."-Lj
Inahatid naman niya talaga ako sa tapat ng building na kinatatayuan ng condo ko.
"Sige bro, salamat ha."
"Walang anuman yun bro. Basta ikaw." -sabay alis nito.
Umakyat naman kaagad ako papunta sa condo ni henish. Kumatok na ako sa pintuan niya pero walang nagbubukas. Pinihit ko yung doorknob at hindi naman nakalock kaya binuksan ko nalang at pumasok na ako. Nakatulog pala siya sa paghihintay sa akin. Kawawa naman brad ko, hahahaha...
"Oi brad, andito na ako." -sabay alog ko sa kanya para magising siya.
Pero kahit anong alog ko sa kanya ay ayaw niya talagang magising.
"Brad, gusto mo na itapon ko nalang tong paborito mong inumin. Milk tea to brad oi na buko pandan ang flavor."-pang-aakit ko pa sa kanya.
Di naman siya nakatiis at bumangon na at kinuha yung milk tea sabay higop nito.
"Bakit ang tagal mo?" -Henish
"Ayaw kasi magpa-iwan ni lj kaya ayun natagalan."
" Ahhh ok, sabi mo eh. May pagkain kaba diyan?"-Henish
" Oo meron. Gusto mong kumain?"
" Oo naman, ikaw ba?"-Henish
" Ok sige, ilalagay ko lang muna to sa pinggan at kakainin natin. Maghintay ka nalang."
" Oo na, sanay naman akong maghintay eh."-Henish
" Nagpaparinig kaba diyan brad? Sorry na nga oh, ikaw na nga tong sinusuyo ikaw pa tong galit."
" Ok sige. Ok na brad."-Henish
" Oh ito na. Kain kana."-sabay lapag ko nang pagkain sa mesa at naglakad naman siya papuntang mesa at umupo nah.
"Saan ka pala nakabili nitong mga ulam? Iba kasi yung lasa." -Henish
" Doon na sa ibang restaurant kasi hindi na ako nakadaan sa paborito mong pinupuntahan."
" Kaya pala."-Henish
Niligpit ko na yung pinagkainan namin pagkatapos. At nasa kama na kami ngayon nakaupo.
"Ano pala yung sasabihin mong importante brad?"
"Ahy oo nga. Muntik ko nang makalimutan."
Nag-isip pa siya ng pagkatagal-tagal bago siya nagsalita. Para bang pina intense pa niya. At ito na, bubuka na yung bibig niya...
"Brad, gu....s....

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Roman pour AdolescentsSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...