Andrew's POV
Nagising nalang ako nang may mainit na hangin ang dumampi sa mukha ko. Nabigla ako sa nakita ko kasi ang lapit na nang mukha ni lj sa mukha ko. Parang lumalambot na yata puso ko pati na nga din katawan ko eh. Tumayo na ako at nagmumog at tsaka lumabas na ako para makabili naman ako ng aking makakain. Swerte kasi siya dahil sa free food siya dito sa hospital.
Pagkadating ko sa isang restaurant, hindi kalayuan sa hospital ay nag-order na kaagad ako ng pagkain at bumalik na ako kaagad. Baka kasi hanapin ako ni lj.
Pagkapasok ko naman sa kwarto niya ay siyang paggising niya naman.
"Good morning lj." -magandang bati ko sa kanya.
"San ka galing?" -tanong pa nito habang pikit-dilat yung mga mata niya.
"Syempre, bumili ako ng makakain ko kasi wala naman akong budget dito sa hospital. "-sagot ko pa.
" Ganun ba. So, sayo lang yan lahat? "-sabay turo niya sa mga pinamili ko.
" Oo bakit? Gusto mo? "-pang-aakit ko pa.
" Gusto sana kasi ayaw ko talaga sa pagkain sa mga hospital, masyadong ma-healthy. "-reklamo pa niya.
" Ahy gago, gusto mo bang magpakain sila ng junk foods o unhealthy foods sa mga pasyente nila? Edi, kick out sila. "-sambit ko naman sa kanya na nakapameywang.
"Ahahahah...alam ko naman yun eh." -nakangiti niyang sambit sa akin.
" Sige na, Kain na tayo. Gutom na talaga ako. "-Lj
" Ok wait lang. "-sabi ko pa at tinanggap na ang pagkakabalot sa binili kong pagkain at lumapit na ako sa kanya.
"Subuan mo ulit ako." -request pa niya.
"Oo nah. Hindi mo magalaw kamay mo diba?" -sabi ko na nakataas kilay ko.
"Oo." -sambit naman niya na nagpapacute.
Sinubuan ko naman siya. Para iwas gulo pa. Pagkatapos kong pakainin siya ay sakto namang pagkadating ng nurse na may dalang tray na may lamang pagkain. May kanin at merong ulam na tinolang manok yata pero madami yung gulay.
"Hindi mo na pala kailangan to, pinakain kana pala ng boyfriend mo sir. "-sambit nung nurse na parang nahihiya.
Tiningnan ko naman ng masama si lj. Anong boyfriend pinagsasabi niya eh hindi pa nga niyan nanligaw at tsaka may boyfriend pa ako ngayon.
"Ahy opo. Tapos na po ako pakainin ng jowa ko." -sambit naman ni lj na nakangiti pa talaga.
Umalis naman yung nurse pagkasabi niya nun.
"Diba madedescharge kana ngayong araw?" -pagtatanong ko pa habang inaarrange yung mga gamit niya.
" Oo eh pero mas gusto ko na dito nalang ako palagi." -lungkot niyang sambit sa akin na ikinataka ko.
" Mas gusto mong magkasakit?"
"Hindi naman sa magkasakit pero mas gusto ko dito dahil sa inaalagaan mo ako."-madrama niyang sabi.
" Hindi naman dapat kita alagaan pa dito kasi galos lang yang mga napala mo at tsaka kaya mo naman eh,malaki kana noh."
" Hindi ko talaga kaya lalo na kapag wala. "-sabi pa niya at humarap ako sa kanya tapos ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
" Pano ba yan, mawawala talaga ako kasi alam mo 2 days ako hindi pumasok dahil lang sa pag-aalaga ko sayo kaya sana naman noh, bumawi ka sa akin."
" Babawi naman talaga ako sayo. Lalo na kapag sinagot muna ako. "-Lj
" Hindi nga pwede, kami pa din hanggan ngayon ni henish. "-sabi ko naman sa kanya na may pagkalungkot.
Sa totoo naman kasi ay mas nagustuhan Kuna ang pag-uugali ni andrew kesa Kay henish dahil sa mas romantico siya dun. Pero ano ba naman magagawa ko. Boyfriend ko pa din si henish ngayon.
"Gusto mo pa din siya kahit na dinuoble time ka niya. Gusto mo pa din ba ang taong mapanakit o mas gusto mo yung taong ginawa kalang tanga. Pag-isipan mong mabuti drew. Karapat-dapat ba siyang mahalin? Diba hindi dahil sa hindi siya totoong tao, mapagpanggap siya drew. Ako! Oo mahal kita at kahit na nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong magkasama ay tiniis ko dahil sa mahal nga kita pero ano ba magagawa ko, pinili mo siya at hindi ako. Kaya naman sana ngayon drew, piliin mo yung mas karapat-dapat, yun bang pinapangiti ka kapag kasama mo siya. Hindi na ako magrereklamo kong pipiliin mo man siya, desisyon mo na yun at handa akong tanggapin alang-alang man sa naghihingalo kong puso. "-emosyonal niyang sambit sa akin at napa-iyak siya.
"Ano kaba lj oh, ang drama mo naman. Oo na, pag-iisipan ko." -pa chill kong sabi naman sa kanya. Ayaw kong maging emosyunal katulad niya noh.
" Kaya tama na sa pag-iyak diyan. Hindi kana bata, tandaan mo yan. "-pagpapakalma ko pa.
" Anong oras ka pala ededescharge?"-pagtatanong ko.
" Mamayang hapon, mga 3 pm. Samahan mo ako, wag ka muna umalis. Stay kalang dito."-pamimilit pa niya at hinawak-hawakan niya braso ko.
" Oo na, dito lang ako. Mabait naman ako at tsaka wag kang mag-alala Hindi ako sinungaling."-sabay tingin ko ng masama sa kanya.
" Ganun. Ok sige, matutulog na muna ako para makapagpahinga pa ako."-Lj
" Huwag na muna. Pahinga ka muna pagkatapos ay maligo ka. Ang bantot na siguro niyang underwear mo."
" Maliligo ako pero tulungan moko. Sabunan mo ako."-request pa niya at nagpapacute pa talaga.
" Huwag na, kaya muna maligo mag-isa. Ito damit mo oh." -sabay tapon ko sa kanya nung mga damit niya.
"Teka lang, saan ka naman nakakuha ng mga damit ko?" -pagtataka pa niya.
" Pumunta ako sa dorm mo kagabi. Kinuha ko ng palihim susi mo. Tapos ayun, kumuha na ako ng mga damit mo kaya maligo kana kundi ay hindi kita sasamahan dito. Aalis nalang ako."
" Ok, sige na nga. Maliligo na ako mamaya. Hay nako, kung hindi lang kita love..."-Lj
" Ano naman kong hindi moko love? Wala namang paki dun."-pagbubuo ko pa sa sinabi niya.
" Grabe ka naman sakin luvs."-pagpapacute pa nito.
"Ewan ko sayo. Bahala ka. Ayaw mo talagang maligo?"-pagtataray ko pa.
" Ayaw."-sabay lingo-lingo niya.
" Ok sige, madali naman akong kausap eh. Maghanap ka na din ng luvs mo kong hindi kapa maliligo. Dyan kana nga."-nagdrama ako sa kanya na para bang aalis na talaga ako at bigla nalang siyang nagsalita.
"Oo na, heto na. Maliligo na yung tao." -sabi pa niya at pumunta na sa banyo na may hawak na tuwalya.
Madali naman pala siyang kausap eh. Ewan ko lang talaga, nafafall na yata ako sa kanya dahil sa minsang katigasan ng ulo niya. Pero kailangan ko pang ayusin yung samin ni henish,kailangan ko pa siyang kausapin hinggil sa mga sinabi ni lj tungkol sa kanya.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Teen FictionSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...