Chapter 13

2 2 0
                                        

Henish's POV

Nang mairita ako sa kanilang dalawa ay pinuntahan ko yung gf ni lj. Maaga la naman at tsaka wala pa naman yung prof namin kaya may oras pa ako.

Nang marating ko ang room ng grade 12 Humss ay hinanap ko kaagad si rebecca at kinausap.

"Rebecca."-sigaw ko habang nasa labas ako ng room nila.

Lumabas naman siya kaagad. Sakto namang wala din yung prof nila.

"Ano yun henish?"-Rebecca

"Yung bf mo may kinakausap sa room ng grade 11 Humss A. Puntahan mo bilis."

"Babae ba?"-Rebecca

"Lalaki."

"Ahhh...ganun ba. Baka kaibigan niya lang yun. Wag mo nang intindihin yun."-Rebecca

"Kaibigan ba yung tawag sa inihahatid sa condo araw-araw? Kaibigan ba yung tawag dun na nagsasabay kumain sa labas? Kaibigan ba tawag dun na laging nag-uusap at pinupuntahan sa room yung kausap niya? Ngayon mi sabihin sa akin na kaibigan ba talaga tawag dun."-pagsisinungaling ko pa sa kanya.

Pasensya na kung nagsinungaling ako pero kailangan kasi para mapalayo siya sa brad ko. Ewan ko din ba kung bakit ko nasabi yun, siguro masyadong mahal ko lang talaga yung brad ko.

"Ganun ba henish. Sige tara, samahan mo ako sa kanila."-pagalit nitong pananalita.

"Nasa grade 11 Humss A sila. Mauna kana doon kasi may bibilhin pa ako sa canteen."-pagsisinungaling ko ulit sa kanya.

Sa totoo lang wala naman talaga akong bibilhin sa canteen. Sinabi ko lang yun para hindi mahalata ni brad at lj na ako yung nagsumbong. Matalino kaya to. Ahahahahah....

Sinundan ko nalang si rebecca. Palihim ko yung ginawa hanggang sa makaabot kami sa room. Pagkalapit ni rebecca sa dalawa ay agad itong nagsalita ng pagalit.

"Anong ibig sabihin nito lj?"-Rebecca

Tumayo naman kaagad si lj.

"Walang ibig sabihin to bhe. Maniwala ka, kaibigan ko lang to si andrew."-paliwanag pa niya.

"Tama yun, magkaibigan lang kami. At tsaka malabong mangyare naman yung iniisip mo kasi pareho kaming lalaki."-pagsingit pa ni drew sa usapan.

"Wag niyo nga akong lokohin. Alam mo, bisexual tong bf ko at pati ka na rin. Halata sayo na bisexual ka. Wag ka nang magsinungaling pa. Diba tama ako?"-Rebecca

Woah, tama ba yung narinig ko. Bisexual brad ko. Magaling kasi sa pangingilatis tong si rebecca sa mga tao. Isang titig niya palang ay alam na niya kung ano ba talaga yung kasarian ng isang tao.

"Pero bhe, kaibigan ko lang talaga siya. Wala nang ibang ibig sabihin yun."-Lj

"Pero bakit mo inihahatid sundo yang lalaking yan? At bakit magkasama kayo pagkumakain?"-Rebecca

"Ahahhaha... Sino ba nagsabi sayo niyan bhe? Sinasamahan ko siya kasi minsan ay nagkukulang yung pera niya. Nagbabudget kasi siya bhe."-Lj

"Ganun ba bhe. Sa susunod kasi magsabi ka naman sa akin ng hindi ako nagaganito. Sorry bhe ha."-Rebecca

"Ok lang yung bhe. Sino nga pala nagsabi sayo nun?"-Lj

"Si...."-Rebecca

Please...wag mo kong ibuko. Tumingin pa nga siya sa akin.

"Wag na. Hindi niyo naman yun kilala. Stalker din naman yun...niya."-sabi pa ni rebecca sabay turo kay andrew.

"Stalker ko?"-turo ni andrew sa sarili niya.

"Oo sayo yun. Ang gwapo mo daw kasi. Basta, pahalagahan mo kung ano yung meron ka ngayon. Ano nga bang meron ka ngayon?"-Rebecca

"Ang meron ako ay kaibigan lang. Si henish."-Andrew

"Ahhh... pahalagahan mo siya at wag mong iwan. Sige ha, bhe tara na."-Rebecca

Pagkaalis nung dalawa ay lumabas naman ako sa pinagtataguan ko. Medyo mahiya hiya akong lumapit sa kanya.

"Saan kaba galing brad?"-Andrew

"May inasikaso lang brad."

"Ahhh ok brad. Alam mo kanina sinugod kami dito nung gf ni lj. Akala niya may relasyon kami ni lj pero sa totoo wala naman. Bisexual pala si lj noh tas nalaman niya rin na bisexual ako. Pero naayos naman kaagad brad, hindi naman nagkaroon ng away. Pero may sinabi nga yung gf ni lj sa akin eh. Pahalagahan ko daw kung ank Yung meron ako ngayon. Ikaw lang naman yung meron ako. Kaibigan kasi kita."-kwento pa nito sa akin.

"Ganun ba brad. Salamat brad ha."-pagkatapos kung sabihin yung ay niyakap ko siya.

Bumitaw naman ako kaagad sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Para saan yun brad? At anong salamat pinagsasabi mo?"-nalilito nitong tanong sa akin.

"Para yun sa pagkakaibigan natin. Salamat kasi naging kaibigan kita."-madrama kong sabi sa kanya.

"Ano kaba brad. Wag ka ngang masyadong madrama diyan. Nagmumukha ka tuloy bading sa ginagawa mo."-pang-aasar pa nito.

Ang hirap talaga magmahal ng isang kaibigan noh. Kailangang itago mo muna talaga kasi takot kang mabuko niya at sa huli ay mag-iba yung pakikitungo niya sayo. At yun yung kinakatakutan ko na mangyare. Ayaw kong mawala siya sa akin.

Pagkatanghali ay sabay kami lumabas ni andrew sa campus kasi sabay kaming kakain sa labas. Gusto ko lang talaga siyang makasama. Paki ko ba kung ano yung sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga ay wala kaming ginagawang masama.

Nung makarating na kami sa isang restaurant malapit lang sa paaralan ay meron pala kaming mga kaklase na dito din kumakain. Kaya ayun, hindi talaga maiwasan na may sasabihin silang ikakatahimik ko.

"Hi andrew. Boyfriend mo ba yang kasama mo?"-sabi pa nung babae na nasa kaliwang katabi ng mesa namin.

"Ha? Hindi noh. Magkaibigan lang kami."-paliwanag pa ni andrew.

"Henish, hindi niya pa ba alam na bisexual ka?"-muli niyang daldal sa amin.

So ayun na nga, sinabi na niya talaga. Sana lang ay hindi magalit tong brad ko sa akin.

"Ano naman masama sa pagiging bisexual? Kahit ano pa si henish ay tanggap ko siya. Meron nga siyang nililigawan ngayon na babae eh. Diba brad?"-Andrew

Naku! Pano ko ba sasabihin toh. Parang nag-aalangan akong sabihin na may nililigawan akong babae. Pero sige na nga. Sasabihin ko nalang.

"Oo naman. Ang ganda nga niya eh."

"Sino naman henish?"-tanong ulit nung babae.

"Wala kana dun. Tara na nga brad."

Hinablot ko kaagad kamay ni andrew. Hindi man lang siya nakapagtapos kumain. Naiirita na kasi ako. Ang dami ba namang tanong. Imbestigador lang!

Ito kasi talaga problema. Marami talagang curious sa buhay ko. Hahayst, buhay ba nga naman oh. Bumalik nalang kami sa paaralan. Binilhan ko nalang si andrew ng makakain niya. Pambawe ko doon kanina. Hindi kasi siya nakatapos sa pagkain, baka nagugutom pa siya. Tinanggap naman niya at kinain.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon