Henish's POV
"Bilisan mo diyan. Kanina pa ako naghihintay sayo ah. Ang tagal mo." -sigaw ko sa kanya kasi kanina pa talaga ako naghihintay sa kanya. Aalis kasi kami dahil pupunta kami sa mall. Nakakaboring daw kasi dito sa kwarto niya kong palagi lang nakahiga. Kaya napagdesisyunan namin na pumunta nalang sa mall.
"Wait lang. Patapos na ako dito, magcocologne nalang ako." -sigaw naman niya sa akin at kinalaunan ay lumabas na siya sa kwarto at isinara naman niya yung pintuan.
" Magcocomute ba tayo ngayon mol?" -tanong ko pa habang naglalakad kami papuntang elevator.
"Nasaan ba yung motor mo, mol?" -pabalik niyang tanong sa akin.
" Nandun, nakaparking. "-sabi ko naman at pinundot na yung pababang button.
" Mag motor nalang tayo kasi ang init kapag nagcomute pa tayo. "-Andrew
" Katulad nga ng inaasahan ko sayo mol. "
" Bakit? "-Andrew
" Ayaw mo ngang magcomute dahil sa naiinitan ka. "
" Meron ka naman kasing motor eh. Ano pang silbi nun kong hindi natin gagamitin, diba? "-Andrew
" Sabagay tama ka naman dun. "
Nang makarating na kami sa tapat ng mall ay nagparking na muna ako at pinapasok kuna siya una sa mall. Naaawa na kasi ako sa kanya kasi pinapawisan na siya. Kailangan kong alagaan nang mabuti tong boyfriend ko. Sinundan ko naman siya nang matapos na ako sa pagparking.
"So saan tayo?" -tanong ko nang mapansin kong palingon-lingon siya sa paligid.
"Kain na muna tayo mol." -yaya pa niya.
"Kain na naman. Kakakain lang natin kanina mol ah. "-kinamot ko kaagad ulo ko.
" Kanina lang yun mol. Sige na nga wag nalang, dun nalang tayo oh. "-sabi niya sabay turo nung stall ng mga biscuits.
" Eh pagkain din naman yan mol."
"Ayaw mo, edi wag. Sige na nga, dun nalang oh. "-tinuro na naman niya yung stall ng mga junkfoods.
" Junkfoods? Kala ko ba gutom ka?"
"Eh saan ba talaga mol? Naiinis na ako ha. Kanina pa ako turo ng turo dito pero ayaw mo. Ano bang pinunta natin dito ha? "-inis niyang sambit sa akin.
" Ahahaha... Sige na nga, Kain na muna tayo pagkatapos ay bibili tayo diyan mamaya. Ikaw talaga oh, para kang bata."-asar ko pa.
" Edi wow. Tara na nga. "-Andrew
Naasar naman siya sa sinabi ko at nagsimula nang maglakad kong saan-saan at pumasok naman siya sa isang restaurant na kalapit lang ng stall kanina. Umupo siya at binigyan niya ako ng masamang tingin at nagets ko na yun. Balak niya na pag-oorderin ako sa counter at siya ay uupo lang dun.
"Eto na po pagkain niyo." -sabay abot ko sa kanya ng pagkain.
Kinuha naman niya't kinain. Wala lang siyang imik at wala din siyang balak na kausapin ako. Tiningnan ko nalang siya hanggang sa makatapos siya.
"Tara nah." -sabi ko pa nung makita kong ubos na yung pagkaing binili ko sa kanya.
"Eh bakit hindi ka man lang nag-order ng kakainin mo ha?"-naiinis pa ring tanong nito.
" Wag na, makita ko lang na busog ka ay busog na din ako." -sagot ko naman.
" Ang corny mo. Sige na nga, tara na sa labas." -Andrew
Lumabas siya kaagad ay sumunod nalang ako kong saan siya pumunta. Parang alalay ako nito ah. Pinuntahan namin yung stall na tinuro niya kanina at bumili dun. Pinagtulungan naman naming bayaran lahat ng nabiling pagkain.
"Mol, san pa tayo?" -nahihingal nitong tanong sa akin dahil sa nahahalata kong nabibigatan na siya sa mga pinamili niya.
"Ikaw bahala." -sabi ko naman sa kanya at kinuha ko yung kalahati ng mga binitbit niya.
"Hay salamat mol. Akala ko ako lang mag-isang magdadala nito. Such a good boy. Dun tayo oh." -sabay turo nung stall ng mga gamit o bagay-bagay.
" Mol, alam mo naman na naka-motor lang tayo diba? Kaya saan natin ilalagay yang mga malalaking gamit na yan ha?"
" Alam ko naman yun mol pero yung maliliit lang bibilhin natin. Yun bang madadala lang natin."-paliwanag pa niya at tumakbo kaagad dun sa stall at inilapag niya yung mga pinamili niya sa harapan ko at alam kong ako na ang magdadala nito lahat, sinundan ko naman siya.
"Mol, gusto ko yun oh." -turo niya sa kuwintas.
" Eh di bilhin mo. Problema ba yun?"
" Eh problema nga. Wala akong pambili."-reklamo pa niya.
" Eh di hindi mo mabibili yan kasi wala ka namang pambili. Uwi na tayo mol, napapagod na ako kakasunod sayo. Sa susunod nalang yan please."-pagmamakaawa ko sa kanya na binigyan naman niya ng ngiti.
" Ok sige. Akin na yung iba ng dala mo." -masaya niyang sabi sa akin.
Ibinigay ko naman yung kalahati ng dinadala kong pinamili namin. Mabuti naman at naging ok na siya. Lumabas na kami sa mall at pinuntahan na namin yung motor ko. Nang makaabot na sa kwarto niya ay ako na yung naglagay sa lahat ng pinamili niya sa ref niya. Mabuti nalang at nagkasya pa, sa liit ha naman ng ref meron siya.
"What if ayaw ng papa mo sa akin?" -seryoso niyang tanong habang nasa kama siya naka-upo.
"Ano kaba mol. Ok lang sa magulang ko na magkaroon ako ng karelasyong katulad ng kasarian ko. Ewan ko lang sa mga magulang mo kong ok ba tayo."-pabalik kong tanong sa kanya.
" Hindi ko din alam mol kong ok ba tayo sa magulang ko kasi hindi ko pa talaga nasabi sa kanila kasi baka nga magalit sila sa akin. Pero sa totoo lang, gusto talaga ng papa ko na magka-girlfriend na ako."-Andrew
" Ok lang yan mol. Kung hindi mo pa talaga masabi sa kanila ang tungkol sa atin ay ok lang. Hindi naman ako nagmamadali eh."-paliwanag ko naman at tinabihan ko siya sabay akbay sa kanya.
"Mabuti naman kong ganun kasi ayoko sa taong atat o mga taong nagmamadali." -Andrew
"Hindi naman ako ganun eh. Naiintindihan naman kita. "
" Wow, ganun ba mol."-pacute pa nito.
" Alam mo, napagod talaga ako kanina kakasunod sayo sa mall."-reklamo ko pa.
" Ganun ba. So, sorry. Hindi ka naman kasi nagsabi sa akin kanina eh. Ahy wait, sinabihan mo nga ako na napapagod kana pero pauwi na tayo nun eh. Sana sinabi mo kaagad para nalaman."-Andrew
" Dahil sa pinagod mo ako..."-diniinan ko siya ng tingin.
" Then? Ano gagawin mo?"-nawewerduhan nitong tanong sa akin.
" Ikaw naman papagudin ko. Waaaahh..." -tinulak ko siya para makahiga siya sa kama at pinatungan ko siya. Inilapit ko ng dahan-dahan yung mukha papalapit sa mukha niya at....
BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Teen FictionSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...