Chapter 20

1 1 0
                                        

Henish's POV

Nagising ako dahil sa isang panaginip na hinahabol daw ako ng isang lalaki, hindi siya maliwanag pero sa tansya ko ay lalaki kasi sa buhok niya at sa hubog ng katawan. May dala itong parang itak at gusto ata nitong saksakin ako at patayin. Mabuti nalang at nahulog ako sa isang hukay pero paggising ko ay nasa papag na pala ako. Ahahha...mabuti nalang talaga na nahulog ako sa kama kung hindi baka napatay na ako.

Tumindig ako at napansin kong tulog na brad ko. Nilapitan ko siya at hindi pa pala niya natatapos sinusulat niya. Binuhat ko muna siya at inihiga sa kama at nilagyan ng kumot at sinimulan ko na ang pagtapos sa sinusulat niya. Eni scan ko na yung mga susulatin pa, napanganga ako dahil sa medyo marami pa talaga ito pero bahala na basta tutulongan ko yung brad ko na mahal na mahal ko.

Finally, natapos ko din yung pagsusulat around 12 pm. Nag-inat ako dahil sa pagod ng aking mga kamay. Niligpit ko na at deritso na ako sa kama para matulog. Grabe, nakakapagod magsulat pero para sa brad ko ay ok lang, mahal ko to eh. Hinaplos ko naman yung noo niya at tinitigan ko siya. Alam mo brad, gusto kita pero parang mali kasi magkaibigan lang dapat tayo at alam kong hindi ka din papatol sa katulad mong kasarian, sabi ko sa kanya. Hindi naman niya maririnig yun kasi mahimbing naman siya na natutulog. Natulog na din ako dahil sa pagod na nga ako diba. Paulit-ulit lang ako noh? Hahahhaha...

Kinaumagahan ay nauna akong nagising kesa sa kanya. Lumabas na muna ako para bumili ng pagkain sa isang restaurant na pinupuntahan namin madalas ng brad ko. Bumalik naman kaagad ako kasi wala namang dahilan para magtagal pa ako diba. Inihanda ko na ang binili ko para pagakagising niya ay handa na para kumain. Ginising ko na din siya pagkatapos non. Pero naligo na muna siya bago kumain.

"Brad, ikaw ba nagtapos nito?"-tanong pa niya habang umuupo na sa upuan sa mesa.

"Oo brad."-sabi ko naman habang kumukuha ng tubig.

"Anong oras mo natapos to?"-tanong ulit niya.

"Ahy brad wag muna tanungin yun ang importante ay natapos na yan at ready na."-sabi ko naman sa kanya na paupo na din.

"Ok sige brad. Pero, salamat ha. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang para naman na makabawi ako sayo."-Andrew

"Kahit ano?"-sabay titig ko sa kanya ng padiin.

"Oo naman brad."-sagot naman niya na Wala sa sarili.

"Sabi mo yan ha, walang bawian."-paninigurado ko pa.

"Ano pala yung gusto mo brad?"-Andrew

"Wala pa naman sa ngayon brad pero meron din siguro to pagkatagal-tagal."

"Yung kaya ko lang ha kasi baka iba na yan."-Andrew

"Wala pa nga eh. Atat?"-sabi ko ng pataas ang aking kilay.

"Hindi naman."-Andrew

"Bilisan mo na diyan brad. Malelate na tayo."-sabi ko na patayo na para ilagay ang pinggan ko sa lababo.

"Tapos kana? Ang liit lang ng kinain mo brad ah. Diet?"-Andrew

"Hindi noh."-pasurpresa kong sagot.

"Yun lang talaga kinain ko kasi busog na ako. Kumain kasi ako kanina sa labas pagakabili ko ng pagkain nato."

"Ah ganun ba. Magkano pala to?"-Andrew

"Kong gusto mong bayaran yang kinain mo ay wag nalang kasi diba nagbabudget ka ng pera mo at tsaka magkaibigan naman tayo kaya ok lang yun."-sagot ko naman habang nakatayo na sa harap ng pintuan kasi ready na akong lumabas sa kwarto.

"Ok sige brad. Wait ka lang ha, kukunin ko na muna bag ko at aalis na tayo."-Andrew

Habang naglalakad na kami papunta sa room namin ay nakasalubong namin si lj na pangiti-ngiti kay andrew. Medyo nailang nga ako dun eh. Nang malagpasan na namin siya ay bigla niyang tinawag si andrew.

"Andrew!"-sigaw niya sa likuran namin.

Nilingon naman kaagad ni andrew si lj.

"Ano yun bro?"-Andrew

"Busy kaba mamayang hapon?"-Lj

"Hindi naman bro, bakit ba?"-Andrew

"Puntuhan mo ako sa condo ko ah. Paturo ulit ako sayo."-Lj

"Ok sige bro."-Andrew

"Brad, naalala kuna. Magpapasama nga pala ako sayo mamaya kasi may bibilhin ako sa mall."-singit ko pa.

"Pwede na ikaw nalang pumunta brad kasi kailangan ko talagang magturo kay lj kasi pera na din yun eh."-Andrew

"Ahhh ok brad."-yun nalang tangi kong naging sagot.

"Sige bro, puntahan lang kita mamaya pagkatapos ng klase."-Andrew

Umalis naman kaagad si lj pagkatapos nilang mag-usap. Tumuloy na din kami sa paglalakad papuntang room. Pagkapasok ay umupo na agad kami sa upuan namin. Magkatabi na kami ngayon ng brad ko. Dahil sa wala pa naman yung magtuturo ay usap-usap muna.

FF...(Fast Forward). Pagkatapos nung klase ay hindi ko na nakita pa brad ko. Dumiretso na ata siya sa condo ni lj at hindi man lang nagpaalam sa akin. Pero ano nga ba ako sa kanya? Diba kaibigan lang naman niya ako at hanggang doon lang yun. Tama na nga ang pagpapangarap ng gising henish,sabi ko pa sa sarili ko at meron ngang nakadinig.

"Baliw kaba?"-tanong pa nung babaeng nakadinig sa sinabi ko.

"Bakit ba?"-pasinghag kong tanong.

"Kinakausap mo kasi sarili mo. Baliw ka ata."-sabi nung babae sabay tawa.

Kong lalaki lang talaga to kanina ko pa to inupakan. Alam na ngang wala ako sa mood, inaasar pa ako. Hindi ko na din nakikita si erik nung mga nakaraang araw. Hindi ko din alam kong ano na ang nangyare sa kanya kong bakit hindi na siya pumapasok. Pero yung last info ko sa kanya ay meron daw siyang family problem at nadamay na din yung pang financial niya. Gusto ko nga siyang tulungan eh kaso ayaw naman niya na madamay pa ako sa problema niya pero saan pa yung pagiging magkaibigan namin kung hindi ko siya tutulungan. Kaya, hindi nalang ako nagpumilit na tulungan siya.

Palabas na ako ngayon sa campus na ako lang mag-isa. Nakakatamad ngang maglakad eh kasi wala akong makasama. Dumiretso na kaagad ako sa motor ko na ipinarada ko malapit sa isang kainan sa labas. Parang wala ako sa sarili ko habang nagmamaneho ako. Kulang kasi buhay ko pag hindi ko kasama yung brad ko. Sana ok lang siya dun at sana walang mangyaring masama sa kanya.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon