Chapter 2

3 3 0
                                    

Andrew's POV

Pagkatapos nang flag raising ceremony ay bumalik na kami sa room at dahil wala pa naman yung guro namin ay binuksan ko muna yung phone ko at eni open yung facebook baka kasi may nag message sa akin.

Pagka-open ko ay meron naman talagang isang message kaya tiningnan ko kung sino yun. Akala ko nga ay siya na yung nag message sa akin pero yung gc lang pala namin sa grade ten kaya hindi ko na tiningnan ang kabuuan ng mensahe bagkos ay inisara ko na ang Facebook at ini-off ko na rin yung phone ko na naka vibrate mode lang.

Hindi naman nagtagal ay dumating na yung guro namin at hindi ko alam kong siya ba yung Prof namin kasi para rin siyang estudyante eh. Hindi naman siya naka-uniform ng pang Prof eh.

"Good morning class."-sabay sabi niya habang nasa mesa.

"Good morning Prof"-malakas naming sagot sa kanya.

Siya pala Prof namin. Pero ano kayang subject siya? Hindi naman sa  nagjajudge ako pero para talaga siyang estudyante sa suot niya. Naka plain black Kasi siya tapos nakapants black then black rubber shoes. Parang may patay diba.

"You may sit now."-utos niya sa amin na medyo may lambing.

Ahy, hindi ko pa pala nasabi sa inyo  Lalaki yung Prof namin. Maputi at matangos yung ilong niya. Basta may itsura siya.

Umupo naman kami pagkatapos niyang sabihin sa amin yun.

"Magpapakilala muna ako sa inyong lahat students. So, ako nga pala si Professor Alderino Sikonto. I'm 28 years old."-pangiting sabi niya sa amin.

Hindi man lang talaga sinabi kung ano yung magiging subject namin sa kanya. Ayaw ko na ring magtanong Kasi nababagot ako eh. Pagkatapos nang klase namin sa dalawang subject ay recess time na at ang maganda dito ay kalahating oras yung recess time kaya may magagawa ka talaga o magagawa mo yung gusto mong gawin.

Pumunta na agad ako sa canteen para makabili na nang pagkain. Binilisan ko pa nga yung lakad ko para lang hindi ako maipit sa pila doon sa canteen. Kadalasan kasi kapag ganito kalaking school ay yung canteen nila ay punong-puno.

Nang makabili na ako ng pagkain ay agad na akong bumalik sa room. Ayaw ko namang kumain doon kasi nga wala pa akong masayadong kilala baka mabully pa ako't mapa-away. Habang paakyat sa room namin ay may nakasalubong ako na isang babae. Maganda siya at maputi. Nang makalapit na siya sa akin ay kumaway siya at kumaway na rin ako sa kanya kahit na hirap na hirap na ako sa pagdala ng pagkain ko. Konti lang naman binili Kong pagkain, mga 4 na klase yata toh.

"Hi."-bati sa akin nung babae na kumaway sa akin kanina.

"Hello."-sabi ko sa kanya at huminto ako sa paglalakad.

"Bago kaba dito?"-tanong niya habang kinikilatis yung mukha ko.

"Uhmmm...oo eh."-sagot ko naman sa tanong niya.

"Well, bago ka nga rito. Ngayon lang kasi kita nakita dito eh. So, ako nga pala si Dixia Kate Flores. You can call me Dix for short. Ikaw, anong pangalan mo?"-Dix

"Ako nga pala si Andrew Dixon. Drew for short."

"Wow, pareho pala tayo ng first letter ng nickname natin noh. What a coincidence."-sabi pa niya na medyo natutuwa sa natuklasan niya.

Kaliit na bagay. Parang unang first letter lang ng nickname natutuwa agad. Mas matutuwa siguro ako kapag pareho talaga kami mg nickname. Pero parang may iba Kasi sa kinikilos ng babaeng toh. Hindi ko lang mapapansin.

"Oo nga eh. Pano ba yan, mauna na ako sayo ha. Medyo may kataasan pa Kasi yung room ko."

"Sige sige. Kitakits nalang ulit."-paalam niya at kinawayan ulit ako.

Nagpatuloy na ako sa pag-akyat papuntang room. Halos ilang minuto rin ang nilakad ko. Hindi naman siya masyadong kalayuan pero mahina lang talaga ako sa akyatan. Tinatamad eh.

Pumwesto na ako sa akin upuan at ipinnuwesto ko na rin yung mga pagkaing nabili ko. Parang matakaw nga Kong titingnan niyo'ko eh. Nang makita ko so henish sa labas ay tinawag ko ito para naman may makasalo ako. Ang pangit kayang tignan na ako lang ang umubos nito lahat.

"Henish, halika nga dito."-tawag ko sa kanya nang malakas.

Lumapit naman siya sa pagtawag ko sa kanya.

"Bakit, anong problema?"-tanong niya agad sa akin.

"Pwede mo ba akong samahan dito sa pagkain. Hindi ko Kasi maubos to lahat eh. At tsaka binili ko to dahil para sa ating dalawa."-pakiusap ko sa kanya.

"Sige bah, hindi ko yan tatanggihan."- Henish

"Mabuti naman kung ganun."-sabi ko sa kanya sabay ngiti. Parang nagpapacute lang.

Habang kumakain ay syempre nag-uusap din kami. Alangan naman na tahimik lang, napakaboring kaya non.

"So henish, sabihan mo pa nga ako tungkol sa university nato?"

"Well, maganda naman siya sadyang may iilang mga estudyante talaga na makulit at pilyo. Hindi ka talaga magsisisi na dito ka nag-aral kasi medyo mahigpit sa academic yung owner ng university na ito."-Henish

"Ahhh, ganun bah. Natuwa naman ako sa sinabi mo. Uhmm... nasaan na pala yung kaibigan mo? Sino nga ulit yun?"-tanong ko pa sa kanya habang kumakain ng siomai.

"Ah...si erik ba yung tinutukoy mo?"-Henish

"Siguro?"-pag-aalangan kong sabi sa kanya kasi Hindi ko naman talaga alam kung sino yun eh. Parang nakalimutan ko kaagad.

"Si erik siguro yung tinutukoy mo. Wala siya ngayon kasi may gagawin daw siyang importante. Ang weird nga eh, Hindi niya ako sinama noon naman ay palagi kaming magkasama sa bawat lakad namin."-malungkot niyang kwento sa akin na medyo nadadala na ako.

"Ano pala yung sinabi niya pa sayo?"-pahabol kung tanong sa kanya.

"Sabi niya ay wag nalang daw akong sumama kasi may makaka-date daw ako. Ewan ko nga dun eh, Hindi ko ma gets. Eh, wala namang makikipag-date sa akin kasi ampangit ko."-Henish

Pati nga ako ay napaisip rin eh. Sinong makaka-date? Eh, wala naman akong napapansin na lumalapit sa kanyang babae. Parang normal day ngalang ngayon eh.

"May nagkakagusto ba sayo?"

"Wala."-Henish

"May gusto ka ba?"

"Wala rin."-Henish

"Dun..., Wala ka namang nagugustuhan eh kaya ka walang ka-date. Dapat kasi ay may pinupusuan kang tao, I mean babae. Mas nakakalalaki kasing tingnan kapag may nagugustuhan ka."-payo ko sa kanya.

"Para sayo ba, hindi ba ako tunay na Lalaki?"-Henish

"Lalaki ka naman pero iba kasi yung may gf ka talaga."-payo ko pa sa kanya.

"Pero sino namang babae ang magiging gf ko. Eh, wala namang magkakagusto sa akin dahil sa hindi ako gwapo."-Henish

"Basta, maghintay lang tayo. Meron yan eh. At tsaka ang gwapo mo kaya."

Hindi ko alam kong saang lupalok ko nakuha ang payo na yon. Yung payo ko na mas magandang magkaroon siya ng gf kasi kahit ako ay wala ring ganyan kasi nga focus lang muna ako sa study pero namangha ako sa sarili ko kasi nakabigay ako ng isang payo na medyo may slight na pagkahirap. Pero sa tingin ko ay hindi naman siguro mahihirapan si henish sa pagkakaroon ng gf kasi nga gwapo naman siya at matalino rin at tsaka mabait din. Saan ka pa makakakita ng ganyang lalaki. Ang swerte nga siguro ng magiging gf niya eh.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon