Chapter 34

1 1 0
                                    

Andrew's POV

Nakahiga na kami ngayon ni henish sa kama at wala siyang damit. Naiinitan kasi siya, meron din namang electric fan. Tumingin siya sa akin at nagtanong.

"Mol, naka-usap mo naba siya?" -Henish

"Tapos na, free time daw niya sa sabado. Bakit kailangan pa talagang sabihin sa kanya yun mol? "

" Nag-aalala lang ako kasi baka mawala ka sa akin." -Henish

"Hindi naman ako mawawala. Wala kaya akong kapangyarihan na maglaho. "-pambibiro ko.

" Naman eh, nagseseryoso ako mol." -inis niyang sambit.

"Oo na. Sorry." -kiniss ko na siya sa forehead.

"Mol..." -tawag niya sa akin at nagbigay ng cute na mukha sa akin.

"Bawal yang iniisip mo. Sinabi ko na diba na ayaw ko pa kasi hindi pa ako handa sa mga ganyan."

" Kiss nalang mol, pwede?"-Henish

" Sige."

Hinalikan naman niya ako kaagad pero hindi smack kasi pinatagal niya yung halik niya sa akin na nagustuhan ko naman at sumabay na ako sa kanya. Dala na siguro ng pagkalibog ko. Ang galing niya sa ganitong bagay.

"Mol, pasensya kana ha. Hindi ko na kasi talaga ma-control sarili ko." -sambit pa nito habang patuloy pa din sa paghalik sa leeg ko.

"Ok lang mol. Ako din naman talaga eh."

Totoo yun, pinipilit ko talagang kontrolin sarili ko pero hindi ko na kaya ayun, pumayag nalang ako. Gagalawin sana niya yung sa baba pero sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil yung kamay niya sa tiyan ko.

Halos isang oras din bago natapos. Hingal ako kasi ang bigat niya, pinatungan kasi niya ako.

"Ang bigat mo." -reklamo ko pa at umupo ako para makahinga ako ng maayos.

"Sorry mol. Hingal na hingal ah." -Henish

"Sino ba namang hindi hihingalin eh ang bigat-bigat mo."

" Sorry na nga eh. Salamat mol at sinabayan mo ako."-pacute pa nito at niyakap ako.

" Ohh...gusto mo yun kaya ginawa ko."

" Isa pa."-at hinahalik-halikan ulit niya ako sa pisngi.

" Gago, tama na." -tinulak ko naman yung mukha niya papalayo sa mukha ko. Alam na ngang pagod na ako tapos magrerequest pa ng Isa pa.

"Ok sige." -panguso nitong sabi.

Humiga ulit siya sa kama at nagbalungkot ng kumot. Parang nagtatampo na naman ata.

"Ano na naman to? Nagtatampo ka na naman mol."

" Hindi ah. Matutulog na ako."-Henish

" Ok sige, goodnight mol."

Humiga na din ako at natulog na. Pagod na din kasi ako. Medyo marami din yung mga nagawa ko kanina sa classroom. Humarap ako kay henish at yumakap ako sa kanya sabay pikit ko ng aking mga mata.

Kinabukasan habang naghahanda pa ng agahan ay biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko naman ito.

"May naghahanap po sa inyo sir." -sabi pa nung lalaki na may koneksyon sa namamahala dito.

"Saan at sino?" -tanong ko naman.

"Babae po yun, siguro magulang mo yun sir. Nandoon po siya sa baba. "-pagsagot naman nito sa katanungan ko.

" Ok sige, bababa na."

Sinundan ko na yung lalaki pababa. Si mama nga nung medyo may kalapitan na ako sa kanya. Nagmano naman kaagad ako pagkalapit ko sa kanya.

"Oh ma, bakit ka naparito?"

"Drew, inasikaso ko na yung paaralang lilipatan mo. "-Mama

" Mama naman eh. Diba sabi ko noon na ayaw kong lumipat kasi mas gusto ko na dito at tsaka gagraduate naman ako sa susunod na taon kaya ma, pagbigyan nuyo na ako. "

" Drew, mas mabuti kasi samin na mas malapit ka sa amin kasi para mabantayan ka namin at tsaka ang mahal ng binabayaran namin sa condo mo. "-Mama

" Ma, huwag na kayong magbayad sa condo kasi nakikitira na ako ngayon sa condo ng kaibigan ko at siya na daw bahala na magbayad. Mabait kasi yun."-saad ko naman sa kanya.

" Totoo ba yan drew? Pwede bang makita ko siya ngayon para makapagpasalamat man lang ako sa kanya. "-Mama

" Ok sige po ma. "

Pinasunod ko nalang siya at pagkarating namin ay nabigla naman si henish pagkapasok namin ni mama. Sinamaan ko na nang tingin si henish kasi baka ano pa masabi nito't malaman pa na magjowa kami. Gago talaga kong ganun ang mangyayare.

"Siya ba, drew?" -Mama

"Oo ma, si henish."

"Hi po tita. "-sabay kaway ni henish kay mama.

" Salamat nga pala sa pagsagot mo sa bayadin ni andrew. Pwede bang ikaw na magbantay sa kanya habang nag-aaral pa siya. "-request ni mama kay henish.

" Oo naman po tita, gagawin ko po talaga yan. "-lumapit si henish sa akin at inakbayan ako.

"Oh diba ma. Ok lang." -kinuha ko naman kaagad yung kamay ni henish sa balikat ko.

" Aasahan ko yang sinabi mo henish ah. Oh sige nah, tutuloy na ako't papasok na din kayo diba? "-Mama

" Oo ma... I mean tita pala. Paalam po tita. "-Henish

" Sige ma, mag-iingat ka. At salamat nga pala dahil sa hindi mo na ako ililipat sa ibang paaralan."

"Basta mag-aaral ka nang mabuti. Ok sige na, paalam na. "-Mama

Umalis naman siya pagkapaalam niya sa amin. Kinutungan ko din si henish dahil sa may pa mama pa talaga siyang nalalaman ha.

"Aray! Para saan naman Yun?" -Henish

"Ewan ko sayo. Mama ka diyan..." -kinuha ko naman yung bag ko at nauna nang bumaba. Iniwan ko na siya kasi hindi pa nga tapos magbihis, ang tagal talaga niyang magbihis.

Hinintay ko na siya sa pinaglagyan niya nung motor niya. Nakita ko naman kaagad siya na patakbo na dito sa kinatatayuan ko.

"Ang tagal ah."

"Nagmamadali na nga eh. Mama ko naman talaga yun eh." -biro pa nito.

" Ewan ko sayo. Sige na nga, paandarin mo na yang motor mo at malelate na tayo. Ang bagal mo kasing magbihis eh. Tapos ang tagal pang kumain, hay naku."-pangsesermon ko pa sa kanya.

" Ok sige, sakay na. Humawak kana sa bewang ko baka mahulog kapa sa iba." -Henish

"Gago, tara na nga. Ang dami mo pang sinasabi."

Pinaandar naman nito kaagad motor niya pero baka malate pa siguro kami ngayon kasi 6:50 na at magsisimula naman yung klase namin around 7 am. Pero ayaw ko din namang malate kaya sana hindi nga kami malate.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon