Andrew's POV
Natapos nalang kaming kumain ng kaibigan ko ay hindi pa din dumadating si henish. Sang lupalok na naman kaya yun pumunta ba't ang tagal niya. Nag text nalang ako sa kanya na hihintayin ko nalang siya sa tapat ng building ng stem A1. Dalawampong minuto ko din siya hinintay.
"San kaba galing ha? Kanina pa kaya kita hinihintay. "-pambungad na tanong ko sa kanya nang makarating na siya.
"Dun lang sa kanto. May binili lang kami ng tropa ko. "-Henish
" So, nasaan na binili mo? "
" Wala na. Pagkain kasi yun kaya dun na namin inubos. "-Henish
" Ba't hindi mo ako tinirhan? "
" Ano kaba, ang dami mong tanong. "-pataas nitong sabi sa akin.
Napansin ko na pagod na pagod siya kasi maraming pawis yung nilalabas ng mukha niya. May konting dugo din sa kamay niya pero hindi ako sure kong dugo ba talaga o ketsup lang.
"Ok. Uhmm...dugo ba yang nasa kamay mo at yang nasa damit mo?"
"Ahh...ito ba? Ketsup lang to."-inamoy niya ito at nilinis gamit ang panyo niya.
" Kain na tayo?"
"Kakatapos mo nga lang kumain eh tas kakain ka na naman." -Henish
" Kanina pa yun. Tara na. "
" Mas mabuti pang pumasok na tayo kasi late na talaga tayo. "-Henish
" Sobrang late na talaga natin. Ikaw kasi, ang tagal mong dumating. Nakakapagod kayang maghintay dito. "-reklamo ko naman sa kanya at biglang nag-iba ang tingin niya sa akin.
" Hindi mo nalang sana ako hinintay dito." -pataas niyang sambit sa akin.
" Wow ha, parang ikaw pa tong galit. Ako na nga naghintay sayo tapos pagtataasan mo pa ako ng boses."-pinagtaasan ko din siya.
Na una na ako sa kanya maglakad. Hindi ko na siya tiningnan kong sumunod ba siya sa akin. Late kasi talaga ako dahil sa kakaintay ko sa kanya. Galit talaga ako dun dahil sa ang tagal na nga niya tapos pagkapunta niya ay sisigawan pa talaga ako. Wow ha, siya pa talaga galit.
"Andrew!" -tawag pa nung guro na nakasalubong ko.
"Bakit po ma'am?" -tanong ko naman sa kanya.
"Pwede mo bang puntahan si sir sutanin sa kabilang building. Sabihin mo sa kanya na tuloy mamayang gabi. Sa likod ka nalang dumaan para mas mapadali ka. At sasabihan ko nalang guro niyo ngayon na inutusan kita."-sabi naman niya.
" Ok po ma'am. Sige po, aalis na ako ."
Naglakad na ako at hinanap ko na yung pintuan sa likod kasi may kahirapan talaga na hanapin yun dahil sa pare-pareho yung mga pintuan dito at walang nakalagay man lang na mga pangalan sa bawat pintuan. Dumiretso na ako sa Kung ano mang pintuan yun.
Nakalabas na din ako sa wakas. Medyo mabaho dito kasi dito nilalagay mga basura kapag wala pa yung truck na kukuha nito. Deri-deritso na akong naglakad ng biglang may tumunog na Kung ano sa isang basurahan. Parang ungol yata eh. Kinilabutan na tuloy ako. Gague naman oh, hindi naman dapat ako matatakot.
"Oi..." -tinig na nagmumula sa isang basurahan na nakatakip.
Gumagalaw ito na ikinakaba ko. Baka kasi may ahas o kong ano man ang nasa loob niyan. Napatigil ako at napaisip kong lalapitan ko ba para buksan o hindi na. Nilapitan ko nalang ito ng dahan-dahan ng biglang may tinig na naman kaya hindi kuna tinuloy yung balak ko.
Dumiretso na ako sa pupuntahan ko. Habang naglalakad ako ay nag-iisip pa din ako. Saan na naman kaya ako dadaan? Siguro sa harap nalang kahit na matagalan ako kesa naman dun baka mapahamak pa ako. Meron naman sigurong estudyante akong makikita na naka-motor. Makikisakay nalang ako. Pero teka, nababakla na yata ako. Bakit nga ba ako matatakot? Wag ko nalang sigurong isipin yun.
"Hi sir, good afternoon po." -paunang pagbati ko sa kanya nang makapasok na ako sa room niya.
"Oh, bakit ka pala naparito?" -tanong naman niya habang nakaupo at may sinusulat na kung anuman.
" Ahy sir, sabi po ni ma'am cantile na matutuloy po daw kayo mamayang gabi. "-sabi ko habang pinupunasan ang mga pawis na tumutulo sa mukha ko. Napagod yata ako sa kakahanap ng room niya. Pano ba kasi, pare-pareho yung mga pintuan talaga dito.
"Ganun ba, ok sige. Salamat."-sir sutanin.
"Uhmmm... Sir, pwede po bang magtanong?"
" Sige, ano yun?"-sir sutanin
" Magkarelasyon po ba kayo ni ma'am cantile? "-pagkatanong ko naman sa kanya ay napatingin siya sa akin at napatigil siya sa pagsusulat. Ngumiti naman siya.
"Hindi kami magkarelasyon. Magkaibigan lang kami at tsaka yung mangyayare mamayang gabi ay hindi yun date kong yun yung inaakala mo. May gala lang kami at ng mga kaibigan namin. "-pagpapaliwanag pa niya at bumalik na sa kanyang pagsusulat.
" Ganun po ba sir. Ok sige po, aalis na ako sir. Paalam po." -lumabas na kaagad ako ng room niya. Napaisip na naman ako.
Hindi naman kasi maiiwasang mapatanong sa kanya ng ganun kasi ang sweet kaya nila sa isa't-isa tapos palagi pa silang magkasama. Tuwing umagahan, recess time, lunch time at pati sa pag-uwi magkasama sila. Parang m.u eh.
Isip ako ng isip sa mga ganung bagay at namalayan ko nalang na nandito na ako sa likuran o sa tapunan ng basura. Hindi na ako takot gaya kanina. Nilapitan ko yung basurahan at napansin kong hindi na ito gumagalaw at wala na akong naririnig na ingay. Patay na siguro pusa dito. Oo nga noh, baka pusa lang yun kanina na nahulog dito. Binuksan ko naman kaagad yung basurahan baka sakaling humihinga pa yung pusa. Pero wala namang pusa. Puro basura lang ang nakalagay,sabi ko pa. Dahil sa medyo hindi ako mapalagay ay inilabas ko yung iilang basura para makita ko kong may pusa nga.
"Anong ginagawa mo diyan bata." -nagulat naman ako sa sigaw nung lalaking tumatapon ng basura sa kabila.
"May pusa po kasi akong narinig dito kanina. Hinahanap ko lang po, baka kasi natabunan na nang mga basura."-paulit kong sigaw sa kanya at sinimulan ko ulit maghalukay ng basura.
Isiniksik ko na yung kamay ko at may nakapa akong isang parang matigas na bilog na may buhok. Iginalaw ko pa kamay ko at nang makapa ko na yung parte na yun ay hindi na ako pwedeng magkamali. Tao talaga tong nandito. Nakapa ko kasi yung tenga at ilong niya. Matangos kasi ilong niya.
Itinumba kuna ang basurahan at pagkaalis ko sa mga basura ay nabigla na naman ako sa aking nakita. Si lj, punong-puno ng pasa ang buong mukha. Namumutla na ang kanyang mga labi. Hirap ito sa paghinga. Kaya naisip ko na naman na e cpr. Ahahah, e lips to lips ko. Pero masubukan nga. Kailangan ko kasi talaga siyang tulungan dahil sa kaibigan ko naman siya at wala namang masama dun. Inilapit ko na ang labi ko sa mga labi niya. Pumikit ako ng magkabanggaan na ang mga labi namin at tsaka binigyan ko siya ng hangin. Itinigil ko naman ang pagbigay sa kanya ng hangin at tiningnan ko siya. Parang hindi pa siya ok. Inulit ko ang pagbigay sa kanya ng hangin hanggang sa naramdaman kong parang gumaganti siya ng halik. Itinigil ko ito at tiningnan ko siya, nagkamalay na pala ang gago.
"Sal...lam..mat, dr...rew..." -pautal-utal niyang sabi sa akin at bigla niyang hinawakan ulo ko at inilapit sa mukha niya. Hinalikan niya ako at gumanti naman ako sa kanya. Bigla naman siyang napatingin sa akin kaya inilayo kuna mukha ko sa kanya.
"Mabuti pang dalhin na kita sa hospital." -nahihiyang sambit ko sa kanya at kinarga ko siya. Hindi naman siya gaanong kabigat kasi hindi naman siya maskulado na tao. Sakto lang katawan niya para painitin ka. Hahahah,joke.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Teen FictionSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...