Chapter 38

2 1 0
                                    

Andrew's POV

Nandito na ako ngayon sa hospital at natapos nang gamutin ang mga pasa ni lj. Nakaupo ako ngayon sa labas ng kwarto ni lj. Nang lumabas na yung nurse na nag-inject sa kanya ay pumasok naman ako. Umupo ako sa tabi niya.

"Oh, kumusta ka naman?" -hindi makatinging tanong ko sa kanya. Medyo nahihiya pa ako sa nangyare kanina.

"Ok na ako kasi kasama ko ngayon nurse ko." -medyo mahina niyang sambit sa akin.

" Anong ok. Hindi ka nga makapagsalita ng malakas eh. Pwet mo lang nakaintindi nung sinabi mo. "

" Ganun ba,pasensya na."-Lj

" Teka nga lang, sino pala gumawa niyan sayo? Bakit bugbog sarado ka?"-tanong ko sa kanya at ibinaling niya ang tingin niya sa bintana.

"Kung sasabihin ko ba sayo ay magagalit ka kaya sa kanya at lulubayan muna siya?"-sambit naman niya at lumingon naman sa akin.

" Sino nga?"

"Si henish at ang mga barkada niya." -sabi pa niya na ikinagulat ko. Pano yung gulat? Ganito oh..."😲" Ganyan.

"Hindi yan magagawa ni henish noh. Nagkakamali ka lang. Mabait kaya na tao yun."-depensa ko pa.

" Hindi mo pa talaga lubos na kilala yang boyfriend mo. Siga yan sa paaralan. Lahat ng gusto niyan ay nakukuha niya. May binugbog nga siya na una pa sa akin kasi yung lalaki ay lumalapit sa pinopormahan niyang babae. "-pagkekwento pa niya.

" Teka lang. May pinopormahan siyang babae?" -medyo pataas kong tanong sa kanya.

" Oo meron. Hindi ko naman masabi sayo kasi nga minsan lang tayo nagkikita at kong nagkikita man tayo ay kasama mo naman si henish."-Lj

" Ganun ba. So totoo talaga na si henish nambugbog sayo?"

" Oo siya nga. Nakuhanan ko siya ng video at ang cellphone ay nandun sa isang halaman na nandun sa pinagbugbogan sa akin.

"Kunin natin yun kapag ok kana. Sa ngayon ay magpagaling ka muna." -sambit ko sa kanya na may pag-aalala.

Bigla naman siyang napatanong sa akin.

" May ibig sabihin ba ito drew? "-Lj

" Hindi kita maintindihan lj, may ibig sabihin? "-lito kong tanong sa kanya at hinawakan niya kamay ko. Kinuha ko naman kaagad kamay ko.

" Ito. Ibig sabihin ba nito ay sinasagot muna ako?" -Lj

"Gago, magpagaling kanga muna. "-sabi ko sa kanya at tumayo na ako para lumabas.

"Pagkatapos nun?" -Lj

Binuksan ko na ang pinto at humakbang ng isa.

"Pagkatapos nun ay... pag-iisipan kopa." -sambit ko sa kanya at lumabas na ako.

Bumili na muna ako ng makakain. Wait...sabi ko sa isip ko. Hindi ko pa pala nasabihan yung guro ko sa emergency ngayon. Mabuti pa sigurong e text ko na classmate ko, sabi ko pa habang papunta na sa hospital.

"Akala ko umalis kana talaga." -pangiting tanong ni lj, pagpasok ko sa kwarto niya.

" Ano ako gago. Bumili lang ako ng makakain. At sino naman mag-aalaga sayo dito. Ay teka, nasabihan muna ba ang mga magulang mo? "-pagtatanong ko habang inilapag na sa mesa yung pinamili ko.

" Wag na siguro. Busy naman palagi yun eh at tsaka kapag sinabi ko naman sa kanila ay magagalit lang yun at mapasama pa ako. Sabihin pa nila na nagbubulakbol ako at hindi na nag-aaral ng mabuti. "-Lj

" Ganun ba. Ok sige. Kain ka muna. Ano ba gusto mo, apple o orange? "

" Ikaw. "-palambing niyang sabi sakin.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon