Chapter 41

1 1 0
                                    

Andrew's POV

Nandito ako maghapon sa condo ni lj at tinulungan niya akong tapusin tong mga worksheets ko. May kumatok sa pintuan at ako na yung nagbukas kasi meron pa siyang sinusulat. Pagkabukas ko ay nakita ko si rebecca at nagulat siya nang makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito drew?" -nagtatakang tanong ni rebecca.

"Sino yan luvs?" -pasigaw na tanong naman ni lj.

"Si rebecca, may kailangan ata sayo lj." -sigaw ko din Kay lj.

Lumapit naman si lj sa amin ni rebecca at ako naman ay bumalik na sa ginagawa ko. Mas mabuti siguro na silang dalawa lang ang mag-usap.

Lj's POV

Nilapitan ko agad si andrew nanag sabihin niyang nandito sa condo ko si rebecca pero umalis si andrew kasi bumalik siya sa ginagawa niya. Inilabas ko muna si rebecca sa building at nag-usap kami.

"Ano na naman ba to?" -pagalit kong tanong sa kanya.

"Hindi naba talaga magbabago isip mo lj? Akala ko tayo hanggang dulo?" -maiyak-iyak nitong tanong sakin.

" Oo akala ko hanggang dulo pero hindi pwede eh. May iba akong gustong dalhin sa dulo at hindi ikaw yun rebecca. Kaya sorry kong pinaasa kita."-paliwanag ko pa.

" So sino naman? Mas better ba siya sa akin? Mas karapat-dapat ba siya kesa sakin?"-pasigaw na nitong tanong sa akin at halatang nagagalit na.

"Oo,mas better at karapat-dapat siya sayo." -sagot ko naman.

Sinampal naman niya ako pagkatapos kong sabihin sa kanya yun.

"Wala kang kwenta lj. Wala kang kwentang tao!" -sigaw pa nito at sinuntok suntok niya ako sa dibdib.

Wala na akong nagawa kundi ang magpasuntok nalang sa kanya.

"Sana hindi maging masaya pagsasama niyo." -sinampal niya ulit ako at umalis na siya na umiiyak

Bumalik na ako sa loob ng condo at parang humahapdi yung mukha ko. Siguro dahil sa pagkakasampal sakin kanina.

"Napano yang mukha mo? Malakas ba pagkakasampal sayo?" -pangiti nitong biro sakin.

" Wow,hindi ba halata?"-sabi ko naman sa kanya at kumuha na ako ng yelo para ipahid sa mukha ko.

"Pagkatapos mo dyan at tulungan mo ako dito, sabi mo kanina diba na tutulungan moko?"-pagpapacute pa niya.

" Oo nah, wait kalang."

Almost 2 hours din kaming natapos sa worksheets niya. Nakakapagod nga eh. Deserve ko sana ng reward kaya humingi ako sa kanya.

"Luvs?"

"Ano yun?" -Andrew

"Pwede bang makahingi ng reward? Deserve ko naman eh. At tsaka, nakakapagod kaya." -pagrereklamo kopa pero pa cute pa din.

" Ano naman yung reward na gusto mo?" -Andrew

"Pwede...ba kitang...yung ano ba...yung..." -sabi ko sa kanya na ini action action kopa sa kanya para ma gets niya.

"Anong ano? Di kita ma gets, sabihin mo nalang kasi eh."-naiinis nitong sambit sa akin.

" Wag na nga. Wag na lang. Lalabas na muna ako para makabili ng pagkain. Diyan ka lang ah."

" Ok sige."-Andrew

Umalis naman kaagad ako na nakapout. Inis lang kasi eh, hindi niya na gets.

Andrew's POV

Sa totoo lang, gets ko naman talaga yung ibig niyang sabihin sadyang ayoko lang talaga nun. Kakabago pa nga lang namin tapos yun na kaagad. Bawal na muna yun kasi masyado pang madali. Siguro kapag nag 1 or 2 months na kami ay pwede na nun. Para naman makabawi ako sa kanya ay maliligo muna ako tapos aakitin ko siya. Tingnan natin kong ano ang mangyayare.

Natapos nalang ako sa pagbibihis ay wala pa din siya. Saang lupalok naman kaya yun bumili ng pagkain. Hinintay ko siya sa condo niya habang nanonood ako ng palabas sa tv. Kinalaunan ay dumating naman siya dala-dala ang mga pagkaing nakasupot.

"Saan kaba bumili at bakit ang tagal mo?" -sermon ko pa sa kanya.

" Doon lang sa kabilang kanto. Natagalan ako kasi halos ng nagbebenta ng pagkain dito sa malapit ay naubos na kaya sa kabila ako bumili tapos ang dami ding tao dun. Mabuti nga't nakabili pa ako, nagkakaubusan na din kasi sila."-pagpapaliwanag naman niya.

Nilapitan ko siya at hinimas himas yung katawan niya at lumingon siya sa akin sa likod.

"Anong ginagawa mo?" -nagtataka niyang tanong sakin at pilit na kinakausap ako gamit ang mga mata niya.

"Ahy wala. Sige na,kumain na tayo." -palusot ko pa. Hindi ko natagalan eh, tumitindig balahibo ko. Parang anytime iinit katawan ko tapos ay yun na, baka bibigay na ako.

Hinain naman niya yung mga binili niya. At masarap lahat, himala.

"Ano ba yung ginawa mo kanina? Balak mo bang akitin ako?"-tanong pa niya habang nilalagyan ng kanin at ulam yung plato ko.

"Ahy wala yun. Ginawa ko lang yun kasi alam kong napagod ka. Diba?" -maang-maangan kopa.

" Ah ok. Sabi mo eh."-Lj

Siguro, wag ko na yung uulitin. Natatakot ako baka wild tong si lj. Distansya na siguro muna kasi nakakatakot talaga.

Pagkatapos ay umupo na kami sa kama. Natapos na din kasi siyang maghugas ng mga pinagkainan.

"So anong plano mo?" -tanong ko sa kanya kasi baka sauna lang siya sweet tas pagkatagal ay magiging matabang na yung relationship namin.

"Sa ngayon ay plano kong pasayahin ka palagi at alagaan ka. Gusto ko din na ikaw na yung last ko kasi ikaw lang  sapat na. "-Lj

" Naman eh. Ang sweet naman pero hindi naman talaga mawawala sa isang relasyon yung mga away at bangayan diba? "

" Oo naman pero dahil dun ay magiging matatag tayo. Mahal kasi kita noon pa. Mahal na kita nung una kitang makita at makausap. Ang lampa mo kasi. "-Lj

Ngumiti siya pagkasabi niya nun at dahil dun ay nainlove tuloy ako sa kanya ng todo. Masarap sa feeling na ganito yung makakasama mo habang buhay pero sana naman ay siya na talaga.

"Lampa talaga, noon yun pero hindi na ngayon. Natuto na kaya ako."

" Mabuti naman. Pero luvs, huwag kang magloko ah. Love na love kita kaya para sayo gagawin ko lahat mapasaya kalang. "-Lj

" Ganun! Gagawin mo talaga lahat ah. Mabuti naman at lahat talaga sinabi mo. "-nginitian ko siya.

" Bakit? May nasabi ba akong mali. Bakit ka ngumingiti diyan na parang nanalo ka? Ano ba yun? "-nagtataka niyang mga tanong sakin.

" Basta. "

Mabuti talagang sinabi niya yun. May naalala tuloy akong ipagagawa sa kanya. Magiging masaya toh.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon