Chapter 43

1 1 0
                                    

Andrew's POV

"Hi ma." -sabi pa ni lj sa kabilang linya.

Bumalik nalang ako sa pagkakaupo at dahan-dahang tumingin sa magulang niya.

"Hello lj. Ba't napatawag ka? May kailangan kaba? "-Mama niya.

" Meron po akong gustong sabihin ma at pa. "-sabi naman ni lj na ikinaba ko lalo.

" Ahy wait lang, sino naman yang kasama mo lj? Barkada mo? Ang cute ah at parang mabait. "-Mama niya.

Naku tita maliit na bagay, sabi ko pa sa isip ko. Medyo nahiya tuloy ako don sa sinabi niya.

"Ahy ma, si andrew po." -Lj

"Hi andrew, sabihin mo sakin kong nag-aaral ba itong si lj para mapagalitan ko. "-Mama niya.

Bakit parang ang tahimik naman nang papa niya. Parang magagalit siguro to pagnalaman niyang kami na ni lj.

"Oo po tita." -tipid kong sagot sa mama niya.

"Ano ba yung sasabihin mo lj?" -Papa niya.

"Ahy ma, pa. Huwag kayong magagalit ah, jowa ko po si andrew. "-deritsuhan niyang sabi sa magulang niya.

" Ano? Bakit?" -gulat na tanong ng mama niya.

"Tama po yung narinig niya ma, pa. Hindi ko lang po masyadong masasabi talaga sa inyo pero nag-iba po yung pananaw ko nung nakita ko si andrew ma. Nakaramdam ako sa puso ko na gusto ko siya at dun na nagsimula yung pagkakaattract ko sa kanya. Araw-araw ko siyang iniintindi't inaalala kaya naisipan kong ligawan siya pero hindi naging madali ang panliligaw ko dahil sa may jowa din ako noon pero pinili ko siya dahil sa mahal ko siya. "-kwento pa niya sa magulang niya .

" Sigurado kana ba talaga diyan sa ginagawa mo lj? "-tanong naman ng papa niya.

" Oo naman po pa. Sigurado na ako sa desisyon ko. At diba po na sabi niyo pa noon ay hindi naman masama ang magmahal dahil pinapahalagahan mo ang isang taong espesyal sayo."-makahulagang sabi niya.

" Hindi ka naman namin pinagbabawalan lj pero nag-aalala lang din kami sa magiging epekto niyan sa inyo. Hindi lahat nang tao ay makakaintindi sa inyo."-Mama niya.

" Kahit na po ma. Hindi naman po namin sila papakialaman. Hindi naman po kasi sila ang nag-iibigan kundi kami naman po. Hindi naman po sila kasali sa relasyon namin."-Lj

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila kasi hindi talaga ako makasalita eh. Baka kong ano pa masabi ko at baka hindi pa maging ok.

"Lj, ok sige. Papayagan ka namin pero dapat na mag-ingat din kayong dalawa. Tanggap naman namin kong ano ka at kong ano yung magiging desisyon mo ay susuportahan namin. Basta ang pag-aaral asikasuhin ng mabuti."-sabi pa nung papa niya at napangiti ako ng wala sa oras.

"Natuwa si andrew sa sinabi mo paps." -sabi pa nung mama niya at nahiya tuloy ako.

"Syempre naman ma. Sino ba hindi matutuwa nun. Kanina pa kasi talaga nag-aalala tong luvs ko."-sabi pa ni lj at inakbayan niya ako.

" Bakit naman?" -Mama niya.

"Akala kasi niya na hindi kayo papayag at tsaka akala niya din na magagalit kayo."-ngiti niyang sambit sa mama niya.

" Huwag ka mag-alala andrew, mababait kami. Hindi nga lang halata sa itsura namin pero talagang mabait kami kaya kong may kailangan kayo ay magsabi lang kayo."-Mama niya.

" Opo tita, pasensya napo kayo sakin. Mahiyain lang po talaga ako lalo na sa ibang tao."-pagpapaumanhin ko naman sa kanya.

" Hindi na naman kami iba sayo kasi kilala kana namin kaya huwag kanang mahiya samin. Pero sige ah, eend na namin to kasi busy pa talaga kami. Tawag lang kayo kong may kailangan kayo samin. Bye lj at andrew."-Mama niya.

" Bye po ma,
"Bye po tita, sabay naming sabi at pinutol na ang tawag.

" Parents mo nalang kulang" -Lj

"Gago ka talaga noh, sinabi mo talaga yung kanina na nag-aalala ako."-naiinis kong sabi sa kanya.

" Sorry na luvs. Ikaw kasi eh, ok lang naman talaga kina mama at papa sadyang matatakutin kalang."-Lj

" Ok fine. "

" Tara na, puntahan na natin mama at papa mo."-sabi niya sabay tayo at hinila ako kaya napatayo na din ako.

" Pwede bang ipagpabukas nalang natin kasi medyo hapon na oh. Malapit nang gumabi."

" Ok lang yun,pwede namang doon tayo matutulog sa inyo eh. Kaya tara na."-sabi pa niya at hinila niya ako hanggang makapunta kami sa motor niya.

" Sure kaba na ok lang na magdrive ka? Nag-aalala lang ako baka mapano pa tayo sa daan,hapon na kaya."-nag-aalalang tugon ko sa kanya.

" Ok lang yan. Huwag kang mag-alala, safe ako magmaneho kaya isuot muna tong helmet at sumakay kana."-sabi naman niya.

Isinuot ko naman yung helmet at umangkas na sa kanya. Yumakap na din ako para mas safe.

"Bagalan mo lang takbo mo ah. Alam kong mabilis ka daw magpatakbo kapag gabi." -request ko naman sa kanya.

" Oo na, babagalan ko lang. Ok na?"-Lj

" Ok nah."

Pinaandar niya kaagad at ginawa naman niya yung sinabi ko na bagalan niya. Habang nasa daan pa ay biglang tumunog yung tiyan ko ng hindi kagaanong malakas kaya nag drive thru na kami kasi pati siya nagugutom na din pala.

Huminto na muna kami sa isang waiting shed para kumain. Kung papasok pa kasi kami doon kanina sa binilhan namin ay baka matagalan pa kami dahil sa ang haba ng pila.

Pagkatapos ay bumyahe na ulit kami. Mga 5:55 ng hapon kami nakarating sa bahay kaya medyo madilim na. Pumasok na kaagad kami at nagmano ako kay mama at papa.

"Magandang gabi po." -bati pa ni lj sa mga magulang ko.

" Magandang gabi din sayo."-sagot naman ni mama.

" Bakit nga pala kayo nandito drew?"-tanong naman ni papa.

" Bumibisita lang po sa inyo pa. Nasaan na pala si andy?"

"Nandun sa kapitbahay. Nag oonline games na naman."-Papa

" Ganun po ba. Ok sige po, papasok na muna kami sa kwarto at makapagpalit naman ako ng damit at tsaka aayusin ko na din yung kwarto ko."

" Sige drew. Ihahanda ko na din yung hapunan natin."-Mama

" Ok po ma."

Pumasok na kami sa kwarto at may pa bulong-bulong pa tong si lj.

" Ok naman pala pamilya mo eh." -bulong niya.

"Sa ngayon ok pero mamaya lagot ka. Humanda ka." -sabay ngiti ko sa kanya.

"Kanina pa ako handa noh." -Lj

"Mabuti naman. Sige na magbihis kana. Kumuha ka nalang ng damit diyan sa kabinet ko kasi hindi ka nakadala nang damit dahil nga sa pagmamadali mo. Diyan kana muna at pupuntahan ko lang si mama."

" Ok sige."-Lj

Lumabas na ako at lumapit Kay mama para tulongan siya sa paghahanda ng hapunan sa mesa.

"Drew, ok lang ba sa kanya tong ulam natin?" -tanong naman ni mama habang nagsasandok siya ng ulam.

" Naku ma, hindi mapili yun. Ok na yan." -sagot ko naman sa kanya.

"Drew, bumili ka nalang siguro ng ulam niya sa labas." -Mama

"Ma naman eh. Magugustuhan niya yang luto niyo. Ang sarap niyo kayang magluto. Ahy ma, tawagin ko muna si andy para naman magkasabay tayong kumain lahat."

" Ok sige anak. Nandun lang siya sa kina mino."-Mama

Lumabas na kaagad ako ng bahay at pinuntahan ko na yung kapatid kong naadik na sa online games. Madilim na kaya't gumamit na ako ng flashlight.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon