Chapter 11

1 1 0
                                        

Andrew's POV

Maghapon kung hindi nakita si henish sa campus. May problema yata siguro siya. Hindi rin naman niya sinasabi sa akin kung ano yun.

Habang naghihintay ako sa labas ng campus ng masasakyang tricycle ay agad may tumawag sa akin.

"Andrew, brad."

Agad kung nakita si henish na kaka baba palang sa isang taxi. Lumapit siya sa akin at may pangiti ngiti pang nalalaman.

"San ka ba galing brad."-tanong ko pa kasi kanina pa talaga ako nag-aalala sa kanya.

"Pumunta lang ako sa kaibigan ko brad."-Henish

"Bakit hindi ka pumasok, ang laki kaya ng na miss mong points."

"Ok lang yun brad. Mababawi ko din naman Yun eh. Tara na, umuwi na tayo."-Henish

"Pano nga tayo uuwi na kanina pa nga ako naghihintay dito ng tricycle para deritso na sa building pero wala talaga brad."

Magkakalahating oras na akong naghihintay dito e ni isang tricycle walang dumadaan. Ang tanging mga nakikita ko lang na mga sasakyan ay yung sasakyan ng mga sundo ng mga studyanteng nag-aaral dito at pati na rin mga taxi.

"Mabuti pang mag taxi nalang tayo brad."-Henish

"Ayoko brad, nagtitipid kasi ako ngayon."

"Sige na nga, libre nalang kita basta..."-sabi pa nito na parang may masamang balak.

"Basta... Ano yun brad?"

Medyo nakakatakot pagnaggagaganun siya kasi baka anong gawin niya sa akin.

"Basta turuan mo ako ng mga eni-lecture niyo kanina at doon rin ako matutulog sa dorm mo. Deal?"-Henish

"Ikaw bahala brad."

"Ok sige, tara na."-sabay hila sa akin patungo sa isang taxi na pinara niya.

Pumasok naman kami dun at nagpahatid papuntang building namin. Sakto namang pagkababa namin ay medyo may pagkakulimlim na ang langit tanda na hapon na talaga at malapit nang gumabi.

Pumunta muna kami sa katabing restaurant ng building para makabili kami ng makakain namin. Siya na rin yung nagbayad, ewan ko ba sa kanya parang may nag-iba yata sa taong to ang saya-saya kasi niya kung titingnan mo ng deritsahan yung mga mata niya. Parang nag-eenjoy pa yata to sa panglilibre sa akin. And dami nga nung pinamili niya. May balak pa nga siyang pumunta sa sari-sari store para daw mamili kami ng snacks pero hindi na ako pumayag kasi pagod na ako at tsaka siya na naman yung gagastos. Pati pagkain ko siya lahat nagbayad.

Nang makapasok na kami sa dorm ko ay agad niyang initabi yung mga pagkain sa refrigerator at umupo siya sa kama. Ako naman ay inilagay ko sa taas ng cabinet yung mga bag namin.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay naghubad na ako ng damit ko at slacks kasi maliligo na ako. Nakaboxer lang akong pumasok sa banyo. Siya naman ay pumunta muna sa dorm niya kasi maliligo daw din siya at may kukunin daw siya doon.

Matagal din akong natapos sa paliligo kasi nasarapan ako sa maligamgam na tubig. Nagbihis na kaagad ako ng pantulog ko,nakapajama at shirt na may kanipisan ang tela.

Dahil sa wala pa siya ay inihanda ko muna yung mga pagkain para naman pagkarating niya ay kakain kaagad kami. Medyo nagugutom na din yung tiyan ko kaya tamang hintay lang muna sa kanya.

Nang makarating na siya ay agad din naman kaming kumain kasi pati pala siya ay nagugutom na rin. Pinagsaluhan namin yung mga binili niyang pagkain. Pagkatapos nun ay nagsimula na ako sa paglelecture sa kanya. Medyo may pagkahirap nga kasi may part na hindi ko masyadong naiintindihan pero fight lang.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon