Andrew's POV
Kinahapunan habang papauwi, nakasalubong ko sina lj at yung gf niyang si rebecca. Tinawag naman ako ni lj.
"Bro, pauwi kana?"-Lj
"Oo bro. Pero kanina pa ako naghihintay ng masasakyan dito eh."
"Gusto mo na sumama ka nalang sa amin papauwi. Tutal madadaanan ko din naman yung condo mo eh."-Andrew
"Gusto ko sana bro pero wag nalang."
"Sige na bhe. Umuwi na tayo. Pagod na talaga ako."-Rebecca
"Mabuti pang mauna na kayo bro. Pagod na yang gf mo oh. Maghihintay nalang ako dito."
"Ok sige bro, ingat ka dyan ha."-Lj
Mag-iisang oras na ako kakahintay dito at magkakalahating oras na rin nung dumaan sina lj at rebecca. Mabuti pang nilakad ko nalang hanggang sa condo, umabot na sana ako ngayon. Nakakapagod talaga maghintay.
"Naghihintay ka parin?"
Tinig mula sa aking likuran na parang alam ko na kung sino. Nang malingon ko ay nakita ko si lj na nakangiting nakatayo.
"Oo eh, wala pa kasing sasakyan. Bakit ka pala nandito? May sinusundo ka ba?
"Oo meron."-Lj
"Sino, baka kanina pa yun naghihintay sayo."
"Kanina pa nga eh. Ikaw yung tinutukoy ko bro. Ihahatid na kita sa condo mo. Ok lang ba bro?"-pang-aalaok pa nito sa akin.
"Sure ka bro. Ok lang naman ako dito."
"Ano kaba bro. Magkaibigan naman tayo at tsaka alam ko naman na kanina ka pa dito naghihintay ng masasakyan pero hindi ka parin nakasakay. Kaya, halikana at ihahatid na kita sa condo mo."-Lj
"Ok bro, sabi mo eh."
Kung hindi lang talaga siya mapilit ay hindi na sana ako nagpahatid sa kanya. Pero ok din naman kasi wala naman akong ibinayad na pera. Nakatipid pa ako.
Pagkarating na pagkarating namin sa tapat ng building ay bumaba na ako.
"Pasok kana muna bro."-yaya ko pa sa kanya.
"Ok lang bro. Sige ha, punta na ako."-Lj
"Halikana bro. Sandali lang naman."
"Sige bro."-Lj
Pagkapasok namin sa condo ko ay ipinaupo ko muna siya. Nagligpit pa nga ako sa mga kalat ko na nakalapag sa sahig.
"Pasensya kana bro ha na medyo makalat. Ano ba gusto mo, juice o tubig?"
"Kahit ano nalang bro."-Lj
Kumuha na ako ng isang basong may juice at ibinigay ko ito sa kanya. Inilabas ko na rin yung mga lulutuin kung mga pagkain.
"Bro, dito ka nalang matulog kasi medyo gabi na baka kung mapaano kapa sa daan. Konsensya ko pa."
"Eh, katabi lang naman nitong building yung building ng condo ko at tsaka may motorsiklo naman ako bro."-Lj
"Kahit na bro. Basta, dito ka nalang matulog. Umupo kalang diyan at magluluto muna ako."
"Maligo nalang muna ako bro. Pahiram na muna ako ng tuwalya mo."-Lj
"Nandun sa likod bro nakasampay. Ikaw nalang kumuha."
"Sige bro, salamat."-Lj
Liam Jack's POV
Nagtungo na ako sa likod para kunin yung tuwalya. Magkatapat nga talaga yung likod ng condo namin. Malapit lang naman talaga kaya ok lang na bumalik ako sa condo ko pero baka hindi pa niya alam na magkatapat yung condo namin kasi Kung alam niya ay ok lang sa kanya na umuwi ako.
Bumalik na ako sa loob ng condo at pumasok na sa banyo para maligo. Habang nasa banyo ay langhap ko yung amoy ng niluluto niya.
Lumabas na kaagad ako pagkatapos kung maligo. Nakatuwalya lang ako. May isang problema lang, wala akong nadalang kahit ni isang damit. Ok lang na manghiram ako ng pang-itaas at pang-ibabang damit kay drew pero wala akong damit panloob. Pano na toh!
"Anong problema mo bro?"-Andrew
"Uhmmm..."-blanko kung sagot sa kanya.
"May mga damit diyan sa cabinet ko bro. Kumuha ka lang. Ilalagay ko lang tong bag mo ha."-Andrew
Pagkakuha na pagkakuha niya sa bag ko ay meron nahulog na isang bagay na sobrang importante sa akin. Pero nahihiya ako kasi nakita niya pa talaga yun sa bag ko.
"Oi brad, underwear mo oh."-Andrew
Inihagis naman niya ito sa akin at sinalo ko. Kumuha na din ako ng mga damit sa kabinet niya at isinuot ko na yun. Isinampay ko nalang ulit yung tuwalya sa likod. Lumapit ako kay drew para tumulong sa kanya. Tapos na naman siyang magluto at kumuha nalang ako ng mga pinggan at kutsara at inilagay ko sa mesa.
Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Lumapit na ako sa kanya, umupo lang ako.
"Uhmmm...bro. Matanong ko lang, Ilan na pala yung mga naging ex mo."
"Bakit mo naman natanong yan?"-Andrew
"Marami na kasing humahanga sayo sa campus. Baka may natitipuhan ka."
"Kahit Isa bro, wala akong naging jowa. Pinagbawalan ko kasi sarili ko dahil kailangan ko munang magfocus sa pag-aaral. Wala rin akong natitipuhan kahit isang babae na lumalapit sa akin."-paliwanag pa nito na ikinamangha ko.
"Napakaboring naman pala ng buhay mo bro."
"Hindi naman boring kasi may pinagkakaabalahan naman ako."-Andrew
"Ano naman yun bro?"
"Pagbabasa ng mga libro."-pangiti pa nitong sabi.
"Ayuuuunnnn...mas naging boring pa nga. Nakakasawa naman maging parte ng buhay mo."
"Hindi ko naman sinabi na maging parte ka ng buhay ko ah."-Andrew
"Matulog na tayo bro. Inaantok na ako."-yaya ko pa sa kanya.
"Mauna kana bro, may tatapusin lang ako. At tsaka hindi pa naman ako inaantok."-Andrew
"Ok sige bro. Sa kama na ako matutulog ha."
"Tatabi nalang ako diyan mamaya. Tatapusin ko lang muna talaga tong takdang aralin ko."-Andrew
"Basta mauna na ako."
Dahil sa pagod na nga ako at medyo inaantok na. Humiga na ako sa kama at ipinikit na ang aking mga mata. Siguro napagod ako sa paghatid sa gf ko, medyo may kalayuan kasi yung bahay nila. At ito pa, may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon kasi nalilito ako kung ano ba talaga to. Iba kasi talaga to sa nararamdaman ko nuon. Siguro malalaman ko rin ito sa tamang panahon. Masarap kasi sa pakiramdam kapag nadadama ko yun pero naiibahan lang talaga katawan ko. Sana hindi ito magdulot ng sakit sa akin. Nakatulog na ako pagkatapos kung mag-isip ng ganun.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Novela JuvenilSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...