Chapter 30

1 1 0
                                    

Andrew's POV

Papaalis na ako ngayon sa bahay at nagpaalam na muna ako kina mama at andy.

"Ma, babalik na po ako sa condo ko."-sabi ko habang nakabackpack nah.

" Sige drew, mag-iingat ka sa biyahe mo ha. "-tugon naman ni mama.

" Oh, ikaw andy. Wag kang pasaway dito kay mama ha. Tulungan mo siya dito sa bahay. "

" No need to say that kuya. Alam ko na yan. "-Andy

" Ok sige, alis na ako ha. Bye."-sabay kaway ko sa kanila habang bitbit yung  maliit kong backpack.

Pagkarating ko sa terminal ay humanap kaagad ako ng bus. Pumasok na kaagad ako ng makahanap na. Inilagay ko nlng yung backpack ko sa harap ng kinauupuan ko. Hindi naman ito malaki para ilagay sa itaas. Habang umaandar na ang bus ay hindi ko talaga mawala sa isipan ko na heto na, gagawin ko na. Bibigyan ko na sya ng pagkakataong manligaw sa akin. Nababaliw na yata ako kaka-isip sa anong maging kahinatnan nitong gagawin ko. Pero bahala na. Ewan ko ba kong bakit ko pa gagawin to, kong nag-aalangan lang naman ako edi sana wag nalang pero parang may tumutulak sa akin na bigyan ko siya ng pagkakataon.

Hindi naman katagalan ay nakaabot na ako. Bumaba na ako at pumara na ng tricycle.

"Kuya, sa terminal po ng je..."

"Huwag na po kuya. Hindi na po siya sasakay." -mabilis na sambit ni henish sa tricycle driver.

" Pano mo nalaman na nakarating na ako. Teka lang, sinabi sayo ng kapatid ko noh?"

" Oo eh."-sabi naman niya na napakamot kaagad sa kanyang ulo.

"Ganun bah. So anong ginagawa mo dito?" -nagmamaang-maangan long tanong sa kanya.

"Eh di para sunduin ka't ihatid sa condo mo." -Henish

" May ibang ibig sabihin ba ito?"-sambit ko habang ipinataas yung mga kilay ko.

Ngumiti naman siya bago nagsalita.

" Nasabi na kasi sa akin ng kapatid mo  na binibigyan mo na daw kami ng pagkakataon. Tama ba yun?"-pacute nitong sambit.

" Hindi."-mabilisang sagot ko sa kanya.

" Ah ok. Kala ko naman totoo na yun. Ok sige, ihahatid nalang kita sa condo mo."-malungkot nitong saad.

" Bakit ka nalungkot diyan ha?"-pangiti kong tanong sa kanya.

" Wala!"-sambit nito na nakayuko at pilit na inaabot sa akin ang helmet.

"Mali yun kasi ikaw lang ang binigyan ko ng pagkakataon at hindi kayong dalawa. Kaya tama na yang lungkot-lungkot mo diyan."-kinuha ko naman ang helmet at umangkas na sa kanyang motor.

"Ah ok. Sige tara na." -masaya pa niyang sabi sa akin at pinaandar na kaagad ang motor.

Tinulungan niya akong bumili at pati nadin ang pag-ayos ng kwarto ko. Parang mas naging mabait yata toh.

"Nakakapanibago ka naman brad." -nawewerduhan kong sambit sa kanya.

" Masanay kana brad. Ay hindi pala brad kundi labs."-Henish

" Labs mo yang mukha mo. Ang badoy mo naman brad."

"Edi wag." -naiinis niyang sabi.

"Galit?" -sabay tawa ko sa kanya.

"Hindi ah." -Henish

"So, pwede naman akong manligaw sayo diba?" -sabi pa niya habang nakaupo na sa kama ko. Tumabi kasi siya sa akin.

" Huwag ka nang manligaw, para kasing nakakababae sa akin. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka magloloko kundi makakatikim ka talaga sa akin. "-babala ko pa.

" Mabuti nga yun kasi makakatikim ako sayo. Mmmm... "-pambibiro pa niya.

" Ang bastos mo. Ibig kong sabihin dun ay makakatikim ka sa akin ng suntok o ng bugbog." -paliwanag ko pa sa kanya na tumawa kaagad siya.

" Alam ko naman yun eh. Hindi ka naman mabiro." -Henish

" Kain na muna tayo. Nagugutom na ako. Nakakapagod din kasi bumiyahe. "-pangyaya ko pa.

" Sige na dyan ka lang kasi pagsisilbihan ko lang boyfriend ko." -sabi pa niya nang mahalata niyang tatayo na sana ako para maghanda ng pagkain.

"Hindi mo naman dapat na pagsilbihan ako kasi may mga kamay naman ako't may mga paa. Hindi naman baldado. "-sabi ko habang patayo na sa kama.

" Sabi ko diyan ka lang. Wag ka nang tumayo pa. Ako na nga eh. "-Henish

Nang makahanda na siya ay tinawag na niya ako at lumapit naman ako sa mesa. Pinainit lang naman niya yung binili naming pagkain kanina sa restaurant. Tapos nagsaing na din siya.

"Magaling ka palang magluto ng bigas ah." -pagpuri ko pa sa kanya ng makita kong hindi basa yung pagkakaluto ng bigas.

"Ako pa. Ako kaya tagaluto sa amin. Gusto mo lutuan pa kita ng specialty ko." -pagmamataas niya pa sa sarili niya.

" Ay sus, wag na. Ok na ako dito, sa susunod nalang."

Nakakapanibago talaga siya. Nilalagyan niya ng pagkain yung plato ko. Hindi naman sa ayaw ko pero sa totoo lang, nakakaaaaapanibago talaga siya. Hindi ako sanay sa ganitong scenerio. Siya na din yung nagligpit at naghugas sa mga pinagkainan namin.

"Aalis na muna ako ha pero babalik din ako kaagad. May kukunin lang ako sa kwarto ko."-sabi niya at isinara na kaagad yung pintuan.

Hindi man lang ako hinintay na magsabi na ok sige. Hahayst, henish talaga oh. Wala naman akong gagawin dito sa loob ng kwarto ko kasi nakaayos na lahat. Siya yung nag-ayos lahat kanina. Mabuti pang humiga nalang ako dito sa kama ko maghapon. Hay naku ang boring dito, promise. Mabuti pang bumalik na ako sa amin. Masaya pa akong nakikipagbiruan ngayon kay andy. Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si henish na may bitbit nang unan at kumot. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito, dito na naman siya matutulog. Wala na akong magagawa, nandito na siya't meron nang unan at kumot. Tumabi kaagad siya sa akin sabay bigay niya ng matamis na ngiti sa akin.

"Sinong nagsabing pwede kang tumabi sa akin ha?" -biro ko pa.

"Wala, pero gusto kong tumabi sa boyfriend ko eh. Pwede bah???" -pacute niyang pamimilit sa akin.

" Ok sige na nga. Pero ganito lang ba tayo maghapon, nakahiga lang sa kama?"-tanong ko pa na ikinangiti niya.

" So anong gusto mo? Gusto mo bang..." -pa demonyo niyang ngiti sa akin na tila ba gusto niyang may mangyare sa amin ngayon.

"Hoy gague, hindi yan ang ibig kong sabihin. Ang akin lang ay nakakaboring naman kong higa lang tayo, hindi ba pwedeng gala-gala naman."-pagklaro ko pa sa sinabi ko kanina lang.

" Ahh ok, ganun bah. Saan mo naman gustong pumunta?" -tanong niya habang nakayakap na sa akin.

"Ano kaba brad. Hokage ka ha, wag ka ngang maniyansing." -tinanggal ko kaagad pagkakayakap niya sa akin.

" Grabe naman toh, parang yakap lang. Ang damot naman." -lungkot-kungkutan pa niya.

" Oh di sige na nga. Gusto mong yumakap di yumakap ka."-kinuha ko naman kamay niya at ipinayakap ko sa aking katawan.

" Saan mo nga gustong pumunta mol?" -Henish

"Mol? Ano yun?"

"Mol, My Only Love. Ayaw mo ba?"-Henish

" Mol ...mas ok yun. Mol. "-ngumiti naman ako sa kanya bilang tanda na nagustuhan ko.

"You're my MOL drew." -lumapit siya sa akin ng dahan-dahan at hinalikan ako sa noo.

Tiningnan ko lang siya at nginitian. Maganda din naman pala sa feeling nang ganito. Sana nga lang ay hindi ito magdulot ng problema sa akin.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon