Chapter 29

1 1 0
                                        

Lj's POV

Malalim akong nag-iisip ngayon kasi may nagsabi sa akin na nag-confess na pala si henish kay andrew. Tama talaga yung kutob ko noon pa na gusto talaga niya si andrew. Pero fifty-fifty ako nito kasi may gf ako. Kailangan ko pang mag-isip kong sino ba talaga sa kanila ang pipiliin ko. Ahy hindi, kong sino pala yung matimbang ay siya yung mahal ko. Pero baka si rebecca talaga para sa akin kasi siya naman talaga yung mahal ko at matimbang yung loob ko sa kanya. Nandyan naman si henish para kay andrew kaya ok na yun. Siguro, susubukan ko nalang kalimutan na nagkagusto ako kay andrew at sana ipagpatuloy pa niya yung pagtuturo niya sa akin kasi nagiging mas magaling ako sa klase. Ako dapat yung magtuturo sa kanya kasi grade 12 ako tas grade 11 siya pero naging baliktad. Kailan kaya siya uuwi? Hindi ko na kasi siya nakikita simula nung nag-confess ako. Sana ok lang siya kong nasaan man siya ngayon.

Pinuntahan ko na si rebecca sa bahay nila. Nag-door bell na muna ako at pinagbuksan naman niya ako. Siya yung nagbukas kasi eni-text ko siya kanina bago ako nagtungo dito. Pinapasok niya ako at nag-usap kami sa kwarto niya. Hindi na sa sala kasi nandun mga pamilya niya. Hindi niya siguro sinabi sa kanila yung nangyare saming dalawa. Mabuti naman yun kasi hindi ako mapapasama sa pamilya niya.

"Bhe, sorry sa nagawa ko sa ha." -palambing kong tono sa kanya.

" Sino nga pala yung palaging nasa isip mo ha?"-medyo pagalit nitong tanong.

" Mga lessons lang namin bhe kasi hindi ko ma gets yung iba. Sorry na talaga ha."-pagsisinungaling ko pa. Mas mabuti na yung hindi na niya malalaman ang dahilan kasi baka may sasabihin pa siyang hindi maganda kay andrew. Ayun, andrew na naman nasa isip ko. Pano ako makakalimot nito kung siya palagi iniisip ko. Hayst....

"Bhe!" -sigaw pa ni rebecca na medyo naiinip na kakatawag sa akin.

"Ahy bhe. Pasensya na, iniisip ko lang kong pano ako makakabawi sa iyo." -pulusot ko pa.

" Ahh ok bhe. Kanina pa kasi tinatawag hindi ka man lang sumasagot. Uhmm...labas tayo ngayon bhe. Punta tayo sa mall tapos ay sa labas na din tayo kumain. Hindi pa kasi ako nag-uumagahan eh."-pang-aaya naman niya na kaagad nagpa cute sakin.

"Ok bhe. Hindi mo naman kailangan magpa-cute para lang pumayag ako eh. Papayag talaga ako dahil nga sa babawi ako sayo. Sige na, magbihis kana."

Tumayo naman siya at kumuha na ng damit niya at pumasok sa banyo.

" Ahy bhe, dala mo ba yung motor mo?" -sigaw naman niya.

"Oo bhe. Bilisan mo na diyan. Nagugutom na din ako."

" Oo na, nagmamadali na nga eh."-Rebecca

Natapos naman siya kaagad ng hindi gaano katagal. Naligo pa pala siya. Nagpaalam na muna kami sa magulang niya na lalabas kami at hapon na kami babalik kasi sabi pa nga niya na marami daw kaming gagawin kasi para daw makabawi ako sa kanya. Pinayagan naman kami ng magulang niya.

Nang makarating na kami sa mall ay kaagad niya akong hinila papasok at pumunta kaagad siya sa kainan. Kain daw muna kami bago lakwatsa. Nag-order naman siya ng mga pagkain na paborito ko't paborito niya. Habang kumakain kami ay hindi niya talaga maiwasang magkwento sa mga nalalaman niya sa mga paligid.

"Bhe, alam mo ang tungkol kay henish?" -Rebecca

"Bakit, napano siya?"

"Nag-confess na pala siya kay andrew. Ang wierd noh, magkaibigan sila tapos nagka-ibigan. Pero masaya naman ako dahil sa...ang lakas ng loob ni henish na e-confess yun sa pinakakaibigan niya."-pagkekwento naman nito.

" Oo nga eh. Hanga talaga ako diyan kay henish. Pero ok ba si andrew dun bhe?"

" May nagsabi na hindi daw naging maganda kinalabasan nung pag-confess ni henish kasi nagalit daw itong si andrew kasi straight pala siya. Mali pala kutob ko nun at tsaka mali pala na pagsabihan ko siya nun nah bisexual siya. Pero siguro matuto din siya na mahalin kaibigan niya."-Rebecca

Grabe, daming alam nitong jowa ko. Bilib na talaga ako sa kanya kasi alam na alam talaga niya kung ano yung mga latest news.

"Baka naman hindi bhe. Baka lalo lang magalit yun si andrew."

" Wag ka ngang niga diyan bhe. May nalaman ako na magiging ok na daw sila. Nakita kasi nung kaklase ko yung post ni henish."-Rebecca

" Ganun ba."-medyo malungkot kong sambit sa kanya.

"Bakit lumungkot ka? Dapat masaya kanga eh kasi may bagong couple na namang mabubuo. Pero bhe, ito pa ha, may nagsabi din sa akin meron daw isa pang nag-confess din kay andrew pero hindi daw nila alam kong sino. Sino kaya yun bhe noh?"-nag-isip siya pagkatapos ay sumubo na ng pagkain.

Medyo nanginig yung tuhod ko kanina pagkakwento niya pero nawala naman kaagad nung pagkasabi niya na hindi nila alam kong sino. Sana lang wala nang makaalam. Siguro, magagalit talaga tong jowa ko sa akin pag nalaman niyang ako yun.

"Bhe, napano ka. Hindi ka na naman naka-focus sa kin."-Rebecca

" Inisip ko pa kasi bhe kong sino yung posibleng mag-confess pa kay andrew."-paulit-ulit kong palusot sa kanya.

" Ang hint ko lang bhe ay siguro talaga ako na malapit lang kay andrew yung nag-confess sa kanya. Siguro kaibigan niya o di kaya'y mga humahanga sa kanya. Mabuti pang e text kuna muna kaibigan ko."-kinuha naman niya kaagad selpon niya at nagtatype nah.

" Ano naman etetext mo bhe?"

"Sasabihan ko siya na alamin niya kong sino yung Isa pang nag-confess kay andrew."-Rebecca

" Wag na bhe. Wag na nating problemahin yun."-pagpigil ko pa sa kanya.

" Done na bhe. Na sent ko na message ko. Gusto ko din namang malaman kong sino yung Isa pa. "-Rebecca

Nagsimula na naman akong kabahan. Baka malaman talaga niya na ako yung nag-confess. Ano kaya gagawin niya sa akin? Baka ipapasalvage ako nito. Sana naman ay maling impormasyon ang makuha nung kaibigan niya para naman safe ako. Pinili ko na si rebecca kasi siya yung mahal ko at hindi si andrew. Kailangang may gawin ako para mapeke yung impormasyon. Mamaya ko na aalahanin yun kasi babawi pa ako sa jowa ko at kailangang sa kanya ako mag-focos ngayon. Sana lang hindi nila malaman katotohanan. Infact, wala din naman sekretong hindi nalalaman kaya siguro maghahanda nalang din ako.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon