Chapter 23

1 1 0
                                    

Andrew's POV

Masaya na ako ngayon kasi nandito na yung brad ko sa kwarto ko. Nakaupo na pala kami ngayon ay handa ko na yung sarili ko para sabihin na sa kanya.

"Ano yun brad?"-Andrew

"Brad, gusto kita." -manginig-nginig kong sabi sa kanya.

" Ano? "-tanong nito na ikinatulala niya.

" Alam mo kasi brad ganito yun. Unang araw palang ay gusto na kita kaya lang baka kasi mag-iba ka o hindi kaya'y ayaw mo sa akin kasi nga gusto kita pero kinaibigan nalang kita kahit na labag sa kalooban ko. Pero brad, totoo yung sinabi ko na gusto kita. "-maiyak-iyak kong sabi sa kanya.

" Brad naman eh. Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi siya nakakatuwa, promise." -medyo padiin nitong salita.

" Hindi ako nagbibiro brad. Gusto kita noon pa pero nahihiya at natatakot lang ako na sabihin sayo kasi baka magalit ka. "-paliwanag ko pa.

" Alam mo brad. Hindi kita maintindihan, diba may nililigawan kang babae? "-medyo may galit na sa tuno ng pananalita niya.

"Wala yun brad. Hindi ko talaga kayang maghanap pa ng iba. Ikaw lang sapat nah. "

" Ahhh so, pinaniwala mo pala ako na may nililigawan ka. So ibig sabihin nun, niloko mo ako. "-pagalit na sabi niya.

" Hindi yun yung ibig sabihin nun brad. Totoo naman talaga na nililigawan ko yun pero sayo talaga ako na-aattract kaya pinabayaan ko na yun. "

" Pero brad, alam mo namang magkaibigan tayo diba at tsaka pareho tayong lalaki. "-Andrew

" Oo pareho tayong lalaki pero bisex ako brad at ikaw yung gusto ko."

" Brad, gutom lang yan. Sige na, babalik na ako sa kwarto ko kasi may tatapusin pa ako. Ipahinga mo nalang yan baka pagod kalang."-Andrew

" Brad!"-pampipigil ko pa sa kanya pero tuluyan na siyang umalis at bumalik na siya sa kanyang kwarto sa baba.

Hindi ba kapani-paniwala yung mga sinabi ko? Totoo naman lahat yun at hindi ko naman ugaling magsinungaling. Baka bukas ay paniwalaan na niya ako. Matutulog nalang ako baka magulo pa din isip niya kaya hindi niya ako matanggap. Sana lang bukas paggising ko ay ok na kami.

Andrew's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko kanina kay henish. Anong sabi niya? Gusto niya ako? Paano? Bakit? Ewan ko ba, nalilito ako. Parang kapatid na kasi turing ko kay henish kaya hindi talaga pwede yun. Nagsinungaling pa nga siya tungkol sa babaeng nililigawan niya. At ayaw ko talaga sa mga nagsisinungaling na tao.  Baka bukas ay maging ok na siya kasi baka pagod lang siya. Sana bukas ay makalimutan na niya yung mga sinabi niya.

Nagbukas nalang ako ng isang chitcherya at pilit na kinakalimutan ang mga sinabi ni henish pero hindi effective. Sinubukan kong uminom ng gatas para makatulog ako pero umabot na ako ng kalahating gabi bago nakatulog.

6:09 am at gising na ako. Sabado ngayon at walang pasok. Nagligpit na muna ako ng higaan ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Pagbukas ko palang sa pintuan ay nakaabang na si henish at nag hi ito sabay kaway.

"Oi brad. Kumusta pala tulog mo?" -pagmamaang-maangan ko pa. Ayaw ko kasi na maalala pa niya yung kahapon.

"Ok naman brad. Ikaw, kumusta ka?" -Henish

"Ok din. Ito, masaya." -pangiti ngiti ko pa sa kanya.

" Brad, ok lang ba tayo?"-malungkot niyang tanong sa akin.

"Ok naman tayo brad, bakit ba namang hindi."

"Tungkol ba kahapon brad. Totoo naman talaga yun. Brad!"-Henish

" Brad... maraming babae diyan sa tabi at ayaw ko ng gusto mo brad. Sige na, maiwan na kita diyan kasi may pupuntahan pa ako."

Umalis naman kaagad ako at iniwan ko nalang si henish sa tapat ng kwarto ko. Sa totoo lang, hindi ko na nagugustuhan yung mga sinasabi niyang gusto niya ako blah blah blah... Kailangan kong mapag-isa kaya pupunta na muna ako sa...mall nalang...hahahha. Mapag-isa noh? Eh ang daming tao sa mall. Tumunog naman phone ko at may text galing kay lj. Papupuntahin daw niya ako sa condo niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Dumaan ang halos dalawang buwan at kami lang magkasama palagi ni lj. Hindi na muna kasi ako nakikipagkita kay henish dahil ayaw kong madebelop pa ng husto yung pagtingin niya sa akin. Masaya naman ako kapag kasama ko si lj. Minsan natutulog ako sa condo niya at kung minsan din naman ay sa condo ko. Umaga't-gabi kami magkasama at hindi ko din alam kong ano na ang nangyare sa gf niya. Hindi ko na din nakikita na magkasama silang dalawa. Hatid sundo kasi ako ni lj. Nandito nga pala ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga pa, 6:12 pa ng umaga at mamaya pa yung pasok ko. Ang sarap pa kasing humiga.

"Hello?" -tanong ko sa kausap ko na tumawag sa phone ko. Wala kasing nakalagay na pangalan. Unknown number kasi eh.

"Uhmmm hi, pwede kabang makita?" -tanong pa nito.

" Sino kaba?"

" Stalker mo. Pwede ba tayong magkita sa tapat ng isang mall malapit sa tinatayuan ng condo mo?"-request pa nito.

" Ok sige. Siguraduhin mo lang na hindi budol-budol to ha."

"Oo nga. Hindi. Sige na, pumunta kana ngayon."-sabi pa nito sabay baba ng tawag.

Sino na naman kaya to. Stalker? Pero babae yung boses ah. Naligo na muna ako at nung natapos na ako ay nagbihis tapos ay lumabas na ng kwarto ko. Binalikan ko pa yung bag ko kasi nakalimutan ko sa loob. Nagmadali na ako kasi baka malate pa ako, may pa meet up-meet up pa kasing nalalaman yung kausap ko. Pwede naman na sa paaralan nalang kami magkita ah. Pero Sino kaya yun?

Nandito na ako sa tapat ng mall pero wala akong nakikita na babae. Nag text ako sa kanya.

Nasaan kana? Nandito na ako sa tapat ng mall.

6:49am

Hindi naman siya nag reply kaagad bagkos ay tumawag siya.

"Hello, nasaan kana?" -pagalit kong salita sa kanya.

"Nandito na ako sa likuran mo." -sabi pa niya.

Pagkalingon ko sa likuran ko ay...nabigla ako sa nakita ko. Hahahha...hindi ako nabigla, biro lang yun. Kumaway kaagad yun babae pagkalingon ko  at kinawayan ko din naman siya bilang ganti.

"Ano pala pangalan mo?" -pacute kong tanong sa kanya.

"Ahy oo nga. Ako pala si zyke lyn, naalala mo?" -Zyke

"Uhmmm...hindi eh." -sabay lingu ko

"Ako yung nag good morning sayo mga  alas kwatro ng umaga at nagalit kapa nga nun eh."-pangiti nitong sabi sa akin na medyo ikinahiya ko.

"Ganun ba, pasensya na ha. Parang gumanda ka ata ngayon?"-pagpuri ko pa sa kanya.

"(Ngumiti muna siya bago nagsalita.) Ok lang yun. Salamat din."-Zyke

" Gusto mo samahan kita papuntang campus? Doon din naman ako papunta eh."-pang-aayaya ko pa sa kanya.

" Pwede din naman."-Zyke

Ang cute niyang tignan kapag ngumingiti siya. Nakakabighani talaga siya.

"Gusto mo ako na magdala ng mga gamit mo." -sabay turo ko sa mga libro na hawak-hawak niya.

"Ikaw bahala." -Zyke

Kinuha ko na yung mga libro sa kamay niya. Gentleman kasi akong tao. Inihatid ko na din siya sa silid niya at halata sa mukha niya na kinilig siya. Kinilig din naman ako. Pumasok na din ako sa silid ko at umupo na.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon