Andrew's POV
Maaga akong gumising para maghaing ng agahan. Natutulog pa ngayon si lj. Napakamantika naman nito kung natutulog. Kanina pa ako nag-iingay dito hindi man lang nagising.
"Haaaaaaa...."-hikab pa nito sabay unat ng kanyang katawan.
Nagising siguro siya dahil sa amoy ng niluluto ko.
"Good morning bro."-magandang bati ko sa kanya.
"Good morning din bro."-Lj
"Mauna kanang maligo bro. Tatapusin ko lang tong niluluto ko."
"Ok sige bro."-Lj
Kumain na agad kami pagkatapos ko ring maligo. Sabay din kaming pumunta sa paaralan kasi pinaangkas niya ako sa motor niya. Nagsitinginan nga yung mga studyante pagkarating namin sa paaralan. Para bang ang sama ng iniisip nila sa aming dalawa.
"Bhe, san ka natulog kagabi?"-sabi nung gf niya na papalapit sa aming dalawa.
"Sa condo ni andrew ako natulog kagabi bhe kasi masyado nang gabi para pumunta pa ako sa condo ko."-paliwanag pa nito.
"Akala ko ba uuwi kana pagkatapos mo akong ihatid kahapon?"-Rebecca
"Akala ko nga rin bhe. Pero nakita ko kasi si siya (sabay turo sa akin) na naghihintay pa din ng masasakyan kaya pinaangkas ko nalang siya at inihatid sa kanila."-Lj
"Ganun ba bhe. Ok sige, tara nah. Hatid mo na ako sa room ko."-Rebecca
"Ok sige bhe. Pero sabay kana sa amin bro."-yaya nito sa akin.
"Hindi na siguro bhe kasi mukhang may hinihintay pa kasi siya. Diba andrew?"-Rebecca
Kung makatingin siya sa akin para bang may nagawa akong kasalanan. Pinatulog ko lang naman si lj sa condo at pareho din naman kaming lalaki kaya wala namang masama doon.
"Ah ....oo, may hinihintay pa ako. Sige na, mauna na kayo."
"Sige bro. Mauna na kami."-Lj
Kakaway pa sana si lj nang hawakan ni rebecca yung kamay niya. Sa totoo lang, ang sweet nilang tingnan. Hintayin ko nalang siguro si henish dito, nag text kasi siya na hintayin ko daw siya sa labas kasi sabay daw kami papasok sa room. Ang weird noh. Hindi naman nagtagal ay dumating siya. Nakangiti pa nga itong sumasalubong sa akin. Ang saya niya ata. Nasa good mood siya.
"Ang saya mo yata ngayon brad?"-sabay tapik ko sa kanyang kaliwang braso.
"Masaya ako kasi totoo na hinintay mo talaga ako sa labas."-Henish
"Parang yun lang."
"Basta brad. Masaya ako ngayon. Tara nah."-Henish
Habang naglalakad patungong room ay nag-uusap din kami noh.
"Brad, sino pala yung kasama mo kahapon? Yung humatid sayo sa condo mo?"-Henish
"Ahh...si lj yun. Pinaangkas niya kasi ako kahapon dahil sa wala nang sasakyan na pwede kong sakyan. Inihatid niya ako at doon ko na din siya pinatulog, gabi na kasi eh baka kung mapa-ano pa siya sa daan."-pagpapaliwanag ko pa.
Ngumiti nalang siya bilang tanda na nakinig siya sa pinagsasabi ko.
"Nasaan ka ba kahapon bakit hindi mo ako isinama? Edi sana maaga akong nakauwi sa condo."
"May pinuntahan kasi ako kahapon. Si drake, yung isa ko pang kaibigan."-Henish
"Sana sinama mo nalang ako. Hindi naman ako magpapakarga sayo brad."
"May pupuntahan kaba mamaya?"-Henish
"Wala naman brad. Bakit?"
"Gala naman tayo. Treat ko brad. Ano sama kana?"-pangiti pa nito.
"Sige ba brad. Anong oras bah?"
"Mamaya, pagkatapos ng major subject natin. Pero hintayin mo nalang ako sa tapat ng library kasi may kukunin pa ako sa condo ko pagkatapos."-Henish
"Ok sige brad."
Henish's POV
Grabe ang saya ko dahil sa wakas ay makakasama ko yung brad ko. Well, magkasama naman talaga kami dahil sa magkaklase kami pero iba yung ibig kong sabihin, makakasama ko siya na gumala sa labas. Minsan lang kasi siyang lumabas ng condo niya.
Habang nagkaklase yung guro namin ay hindi ko maiwasang mapatingin sa brad ko. Nginingitian pa nga niya ako pag nakikita niyang nakatingin ako sa kanya. Mapapatingin ka naman talaga sa kanya kasi nga matalino siya. Palagi siyang nakakasagot kapag nag-ooral. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya. Bisexual ako at hindi mali ang magmahal ng kagaya ko. Siguro mali siya in way na hindi ko sinasabi sa kanya na mahal ko siya hindi lang bilang isang kaibigan o kakilala kundi mahal ko siya kasi pinapatibok niya ang puso ko, Mahal ko siya kasi iniidolo ko siya at mahal ko siya dahil yun ang sinasabi ng puso ko.
Mahirap sa part na mahal mo nga siya pero hindi mo naman masabi ng deritso sa kanya. Parang tanga lang, kasi wala pang kasiguraduan kung magiging ok ba kapag nalaman niya na may gusto ako sa kanya.
Natapos na namin yung major subject namin at ako naman ay dali-daling umalis para pumunta sa condo dahil may kukunin ako. Nag commute nalang ako. Pagkarating ko ay agad kung kinuha yung kailangan kung kunin. Regalo ko ito sa kanya dahil naging mabuti siyang kaibigan sa akin simula nung unang pasukan. Gusto mong malaman kung ano ang regalo ko? Mamaya nah, secret lang muna. Kinuha ko na rin yung susi ng motor ko dahil ang hirap mag commute kasi siksikan at masyado pang mainit. Nagbihis na din ako at kinuhaan ko din ng damit so andrew sa condo niya. Sabi kasi niya.
Nagmadali na akong bumalik sa paaralan kasi para sunduin si andrew. Pagkarating ko naman sa paaralan ay may naalala lang ako bigla. Nasaan na yung regalo ko? Tanong ko pa sa sarili ko nang hindi ko makita sa u-box yung regalo. Dito ko lang kasi nilagay yun. Inalala ko pa kung saang lupalok ko naiwan yung regalo ko kay andrew. Naalala ko na ipinatong ko pa pala yun sa mesa sa condo ni andrew nung pagkuha ko ng damit niya sa cabinet niya. Ito talaga nagiging resulta kapag nagmamadali ako. Nagtext muna ako kay andrew na matatagalan pa ako kasi nga may naiwan ako. Nag reply din naman siya sa akin kaagad ng "Ok sige brad, hihintayin nalang kita." Naawa naman ako kay andrew, pinapahintay ko siya ng matagal. Ikaw kasi eh, ang tanga mo, pang-iinis ko pa sa sarili ko. Pero totoo naman, tanga sa lahat ng bagay. Halos magdadalawang oras na naghintay sa akin si andrew sa library.
Pinuntahan ko kaagad siya sa library pagkarating na pagkarating ko sa paaralan. Lalapit na sana ako sa kanya ng mapansin kong may kausap siya at nagtatawanan pa sila. Si lj, siya yung kausap ni andrew. Parang nawalan tuloy ako ng ganang gumala pero kaya to, bakit ba ako magseselos na magkaibigan din naman kami. Nilapitan ko siya at ibinigay ang damit na susuotin niya.
"Ito na mga damit mo brad oh."
"Salamat brad. Maiwan ko muna kayo diyan ha, wait lang kayo kasi magbibihis na muna ako."-Andrew
Naglakad naman siya kaagad papuntang banyo para magbihis. Ngayon, kami lang ni lj sa mesa.
"Close na pala kayo ni andrew noh?"-makahulugang tanong ko sa kanya.
"Oo naman, matagal na kaming close ni andrew. Ang saya nga niyang kaibigan. Napakadali lang mapatawa at tsaka hindi siya kj."-Lj
Parang sa tono ng pananalita niya ay gustong-gusto niya si andrew. Pero totoo naman talaga yung sinabi niya tungkol kay andrew. Wala namang mali dun. Magiging masaya nalang ako dahil may kaibigang bago si andrew.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Teen FictionSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...