Chapter 3

3 3 0
                                    

Andrew's POV

Pagkatapos naming kumain ni henish ay siya ring namang pagkadating ni erik. Pawis na pawis nga si erik, parang may humahabol nga sa kanya eh.

"Na pano ka? Bakit napakapawis mo?"-Henish

"Eh pano ba naman, muntikan na akong malate mabuti nalang at bukas pa yung gate kundi sa labas na siguro ako magkaklase."-Erik

"Saan ka ba galing?"-Henish

"Sa labas, pinuntahan ko lang yung restaurant na paborito kong puntahan."-Erik

"Ganun bah. Pero bakit ka naman tumakbo eh 9:40 am palang ah. At tsaka 10:50 am pa yung sunod na klase natin ah. Nagmamadali lang."-Henish

"Ah, ganun ba. Akala ko kasi late na ako. 10:30 am na kasi dito sa orasan ko."-manghang sagot ni erik.

"Napaka-advance naman ng orasan mo. Mabuti pang I reset mo nalang yan. Natataranta ka kasi kapag late ka eh. Pero sa totoo naman ay hindi pa."-Henish

Inireset ni erik yung orasan niya para sa susunod ay hindi na siya mataranta pang muli.

"Salamat henish. Your such a good friend."-sabi pa ni erik na deritsahang niyakap si henish.

Sh*t...nakakabaklang tingnan naman sila. Siguro sobrang sweet lang talaga nila sa isa't-isa. Pero sabagay, pareho naman silang lalaki at magkaibigan rin sila kaya pwede naman silang magkayakapan.

"Mabuti pang maglibot-libot muna tayo dito sa campus tutal mahaba pa naman yung oras natin?"suggest pa ni henish na bumitaw agad sa pagyayakapan nila ni erik.

"Sige brad. Mabuti pa nga."-Erik

"Ikaw andrew, hindi ka ba sasama?"-Henish

"Dito nalang ako sa room. Magbabasa nalang ako ng susunod nating lecture."

"Napaka-kj mo naman. Halika na, mamaya na yan. Mabilis lang tayo."-pamimilit pa niya sa akin habang hinila ng marahan ang damit ko.

"Ok fine. Sasama na ako pero mabilis lang tayo ha?"

"Oo naman, sure yan andrew."-Henish

Teka nga, paano magiging mabilis ang magiging lakad namin kung lahat ng sulok ng campus ay lilibutin namin. It takes hours para malibot to lahat. Hindi nga ito kaya ng isang oras lang eh. Pero sila na bahala, sabi nila mabilis lang daw eh. Tignan nga natin, kasi kapag hindi tumupad sa usapan tong dalawang toh ay tiyak na makakatikim talaga sila sa akin.

Habang naglilibot kami ay napunta yung tingin ko sa isang lalaki na nasa isang park, parang english park ata. Doon ko lang ibinaling yung tingin ko sa kanya kasi parang ang lungkot niya. Napatigil nga ako eh para lang e-tsek kong totoo ba yung hinala ko na malungkot siya. At tama nga ako, malungkot siya at kailangan niya ng kausap pero hindi ko naman siya kilala eh. Feeling close oabg kong lalapitan ko siya at e-kokomfort.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa kina erik at henish pero napansin ko na nawala na sila at hindi ko alam kong saang lupalok na sila lumiko. Nagmadali akong hinanap sila, as in tumakbo talaga ako at lumiko sa isang bahagi ng building Kong saan ay malapit lang sa room ng mga SSG Officers kaya ayun may nakabanggaan ako na isang lalaki at sa lakas ng pagkakabangga ay natumba ako't parang mapipilayan pa.

"Aray!"-angal ko pa habang nakadapa na ako sa lupa.

Tinitigan niya lang ako ng masama at parang galit talaga siya. Hindi ko naman sinadya ang nangyari at malay ko bang siya yung nabangga ko.

"Tumayo ka na nga diyan at mag sorry ka sa akin."-utos pa nito sa akin.

Wow! Hindi man lang ba niya ako tutulungan dito. Ang sakit kaya ng katawan ko. Pero pinilit ko nalang itayo ang buo kong katawan.

"Pasensya na at sorry sa nangyari."-pilit kong paumanhin sa kanya.

Pagkatapos kong masabi yung hinihingi niya ay naglakad siya patungo sa likuran ko. At may ipinahabol pa talagang salita.

"Sa susunod kasi, tumingin ka sa dinadaanan mo para wala kanang masaktan pang iba. Wag kang maging lampa. Malaki ka na't malakas pa."-pahabol niyang sabi sa akin bago tuluyang naglakad palayo.

Nang sabihin niya yun ay natahimik ako. Hindi naman niya masyadong nilakasan ang pagkakasabi nun pero may mga nakarinig kasi kaya medyo nahihiya ako sa part na yun.

Naglakad nalang ako ng mahinhin at pilit na hinahanap sina henish at andrew. Sa totoo lang, sila naman dapat sisihin ko sa nangyare sa akin kanina lang pero anong magagawa ko? Eh hindi ko pa nga sila nahahanap hanggang ngayon. Malapit na ang pangalawang subject namin at hindi pa ako nakakapag-study. Lagot talaga sila sa akin mamaya, sasapakin ko talaga ang dalawang yun. Eh hindi ba naman ako hinintay o baka sinadya talaga nila na iwanan ako para may mangyaring masama sa akin.

"Andrew!"-pasigaw na sabi pa nito sa pangalan ko.

Binaling ko ang tingin ko sa likuran at nakita ko yung dalawa kong mga kaibigan sina Christian at Pamela na ngayon ko palang nakita dahil sa medyo na busy agad ako sa unang subject palang. Medyo nag-aadvance kasi ako para naman may masagot ako sa unang pasukan at para hindi matamimi lang sa upuan. Kailangan kasing maging hardworking para sa aking pangarap na maging isang chef sa hinaharap.

"Kayo pala christian at pamela, kanina ko pa kayo hinahanap ah. Bakit ngayon ko lang kayo nakita? Nasaan ba kayo o anong nangyare sa inyong dalawa?"-pambungad long tanong sa kanila.

"Ito kasing si christian. Sabi ko sa kanya na bilisan niya yung kilos niya para hindi kami ma-late pero ang tigas talaga ng ulo eh. Imbis na bilisan niya yung kilos niya ay nagbagal-bagalan pa. Kaya ayun, unang araw palang ay nakatanggap agad kami ng punishment."-kwento pa ni pamela.

"Anong punishment naman yung natanggap niyo?"

"Hindi siya punishment bagkos ay reward siya, nag push-ups lang naman ako ng sampu at pati rin siya."-pagmamataas na sagot ni christian.

"Wow ha, tanggap na tanggap talaga ah. Sana lahat ganyan. Nadamay lang naman talaga ako sayo eh."-Pamela

"Sa susunod kasi pamela, wag ka nang  sumabay pa kay christian papuntang paaralan. Malelate ka lang palagi. Alam mo namang mabagal talaga yang kumilos sa umuga dahil gusto pa niyang matulog muli."

"Hindi naman palagi ah, nakakapasok naman ako sa tamang oras ah."-Christian

"Oo, twice in a week."-insulto pa ni pamela.

Tinawanan ko agad yung naging reaksyon ni christian sa sinabi ni pamela. Nakakatawa naman talaga kasi ang pangit niyang tignan.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon