Chapter 24

2 1 0
                                    

Andrew's POV

Habang nakaupo ay tinawag ako sa labas ni lj kaya lumapit ako sa kanya.

"Ano yun bro?"

"Halikana muna. May sasabihin ako." -Lj

Hinila niya ako papunta sa lugar na walang tao. Pinaupo niya ako at siya nakatayo lang. Huminga na muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Bro!" -Lj

"Ano nga bro?"

"Gusto kita." -mabilisan niyang sabi sa  akin.

"Ano?"

"Gusto kita bro. Masaya kasi ako kapag kasama kita lalo na nung palahj tayong magkasama." -Lj

" Ano na namang kalukuhan to?

Baka kasi nagloloko lang siya. Noon kasi si henish yung nagsabi na gusto niya ako at ngayon naman si lj naman. Trip ba nila to?

"Hindi ako nagloloko bro. Totoo to." -seryoso niyang pagkasabi sa akin na halata naman sa mukha niya.

"Bro, kung inaakala mo na gusto ko tong pinagsasabi mo. Pwess, nagkakamali ka. Ano naba nangyare sa inyo. Bala ka diyan, aalis na ako. "

Hindi na muna ako papasok ngayon kasi kailangan kong mapag-isa para makapag-isip. Ok na siguro na doon na muna ako sa condo ko. Tahimik naman dun at walang iisturbo sa akin.

Nagmadali na akong bumalik sa condo ko at enilock ko kaagad ang pinto. Nakaupo na ako ngayon sa kama at iniisip pa din yung nangyare kanina. Ano bang mundo to oh. Iniisip ko pa din kong balak ko pa ba silang pakisamahan. Ayaw ko kasi sa mga ganun eh. Hindi ko gusto tong nangyayare sa buhay ko.

Nagtalukbong nalang ako ng kumot at pilit kong kinakalimutan yung kanina nang biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at tiningnan kong sino pero wala namang tao at ang tanging nakita ko lang ay isang pagkain na nakalagay sa supot at meron pang sulat na nakalagay. Kinuha ko ito at ipinasok. Inilapag ko na muna yung pagkain at binasa yung sulat.

Patawarin mo na sana ako brad. Halos dalawang buwan na akong nagtitiis na hindi ka makita. Pero brad kahit na hindi mo ko tanggap ay ok lang yun pero hindi ako titigil dahil lang dun. Gagawin ko ang lahat para matanggap mo ako at mahalin mo rin ako hindi lang bilang kaibigan pero higit pa dun. Hindi ako susuko at papatunayan ko na gustong-gusto kita.

Your's truly
Henish

Itinago ko na lang yung sulat niya. Siguro mas kailangan ko pang pag-isipan kong ok lang kaya na bibigyan ko siya ng pagkakataon. Pupunta na muna ako sa amin para mas makapag-isip pa ako ng maigi. Oo, aalis na ako ngayon. Tanging dalawang damit, dalawang short at dalawang panloob ang dinala ko. Mabilis lang naman ako dun.

Habang nasa biyahe ay hindi pa din mawala sa isipan ko yung mga nangyayare ngayon. Siguro, kailangan ko lang talaga ng malaaaaaalim na pag-iisip.

Nang makaabot na ako sa terminal ay sumakay na ako ng tricycle papunta sa amin. Hindi naman gaano kalayo sa amin dito sa terminal. Sampung piso nga lang yung pamasahe.

"Hi ma." -bati ko pa nang makita ko si mama na nagsasampay ng damit.

"Oh drew, napabisita ka ata?" -sabi pa nito na nakabeywang.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon