Henish's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakipag-vc ako sa kapatid ni andrew. Nagkwento naman siya tungkol sa kuya niya. Natuwa lang ako kasi nga uuwi na daw bukas dito yung kuya niya. Na-excite tuloy ako na makita siya dito.
"Kumusta pala kuya mo diyan?"
"Ok lang naman siya dito. Ayun, malalim ngang nag-iisip yan kanina kasi kong ano ba daw gagawin niya sa inyo. "-Andy
" Sa inyo?"-patanong ko naman. Hindi ko gets. Bakit may "sa inyo?" Ako lang naman nag-confess ah, unless...
"Oo sa inyong dalawa. Ikaw at si lj ba yun. Tinanong ko pa kasi si kuya nun nong nagkwento siya sa akin na meron ngang nagkagusto sa kanya. "-pagkekwento naman nito.
Sinasabi ko na nga eh. Si lj talaga yung isa. Ano kayang magiging reaksyon ng jowa niya na ang boyfriend niya ay nagkakagusto na sa iba. Pero feeling ko hindi yun sinabi ni lj kay rebecca kasi alam niyang magagalit talaga yun.
"Sige na andy. Matutulog na ako ha, gabi na din kasi. Salamat pala."
"Ok sige. Salamat din. "-Andy
Eni off kuna ang selpon ko at natulog na ako. Excited na ako bukas kasi uuwi na brad ko at may pag-asa na ako sa puso niya pero baka may kahati pa ako. Masaya ako dahil sa papayag na daa siyang magpaligaw pero baka magiging malungkot naman ako nito kapag mas binibigyan niya ng halaga panliligaw ni lj. Pero no negative thoughts muna ako ngayon,dapat stay positive kasi ako ang may advantage kasi single ako at si lj may rebecca na. Nakatulog naman ako sa kakaisip tungkol dun.
Andrew's POV
6:39 ng umaga ako nagising at ako na pala yung huling nagising kasi sila umiinom na nang kape't gatas. Nagmumog na muna ako bago nag timpla ng gatas at tsaka nilagyan ko ng konting kape.
"Kuya, magpapasundo ka ba daw?" -tanong pa ni andy habang pahigop na ng gatas.
" Sino naman susundo sa akin ha? Eh wala namang ibang nakakaalam ng eksaktong address natin bukod sa mga guro."-sagot ko naman habang papalapit sa kinauupuan nito.
" Si...henish kuya. Magpapasundo ka o hindi?" -Andy
"Sino yang henish na pinag-uusapan niyo ha?"-singit pa ni mama.
" Naku ma, manl...i..." -hindi ko na pinatapos kapatid ko bagkos ay ako na yung nagtapos sa sasabihin niya.
"Ma, kaibigan ko po." -madaliang sabi ko naman sa mama ko habang may pasamang tingin kay andy.
Lumapit ako sa kanya at kinurot ko tagiliran niya. Nasaktan naman siya sa ginawa ko. Gusto ko sanang manuntok kaso baka masaktan pa ng husto tong kapatid ko.
"Ahy ma, nasaan na po si papa?" -pag-iiba ko pa.
"Nasa trabaho na drew. Basta papadalhan ka daw niya mamaya ng pera pagka-uwi niya galing sa trabaho. Sinabihan ka naman niya kagabi diba? "-Mama
" Ahw oo ma. Ma, nakaluto kana po ba ng ulam? "-tanong ko naman kasi baka kong wala pa ay ako yung magluluto para naman may maitulong ako bago ako bumalik sa condo ko.
"Hindi pa drew. Gusto mo ikaw na magluto?" -sabi naman nito habang naglalaba.
"Oo ma. Busy ka kasi diyan sa paglalaba ng DAMIT ni andy." -pinadiin ko talagang sabihin yung damit kasi para matamaan tong kapatid ko, hindi man lang naglalaba.
"Ngayon lang naman ako nagpalaba kuya ah, si mama kasi kinuha niya yan sa kwarto ko." -depensa naman nito.
" Ayun, akala ko iiwas ka para dika matamaan sa sinabi ko. "-asar ko pa.
" Sige na, ok lang naman eh. Konti lang din naman tong damit namin ng papa mo. "-pagtatanggol pa ni mama kay andy.
" Yan tayo eh. Kaya lumaking tamad tong si andy kasi kinukunsinti niyo ma. "
" Hala? Anong tamad? Gusto mo ako pa magluto ngayon eh. "-Andy
" Sige nga. Baka hindi ka naman marunong magluto ng ulam. "-pang-aasar ko na naman.
" Marunong kaya ako. Maghintay ka lang diyan." -sabi pa nito at tumayo kaagad para simulan na ang pagluluto.
Nag-uusap naman kami ni mama at siya naman ay na busy dahil nga ipagluluto daw niya kami. Nagkaisa kami ni mama na gawan ng prank tong kapatid ko. Wala kasi akong magawa eh kasi inako na ni andy yung sanang gagawin ko. Nakaisip si mama na e prank namin si andy na merong kutsilyo na maliit sa bulsa ng shorts niya at magagalit daw si mama pero parang hindi Yun magiging effective. Nagbigay ulit ng opinyon si mama na lagyan daw ng lipstick yung shorts at ipapaamin namin na bading siya. Well, ok naman yun pero...may naisip kasi ako na mas maganda. Epaprank namin siya na merong condom sa shorts niya at ipapaamin namin sa kanya kong sino yung gagamitan niya nun. Nagustuhan din naman ni mama opinyon ko kaya ayun, sinimulan ko sa pag-aayos ng camera. Mas maganda kasi kong meron kaming memories na babalikan.
Nagsimula nang umakting si mama nung natapos na ako sa paglagay ng camera. Phone ko lang ginamit ko kasi wala kaming camera talaga na mamahalin. Basta ang ginawa ko lang ay ipinwesto ko sa makikita siya at si mama pero yung hindi naman mapapansin ni andy na may camera.
"Andy!" -tawag pa ni mama.
"Ano yun ma?" -sagot naman nito.
"Ano tong nakita ko sa bulsa ng short mo?" -Mama
Kunware ay naintrega ako at lumapit ako kay mama para tingnan yung nakita ni mama.
"Naku ma, condom yan." -acting ko pa.
"Andy bakit may condom sa short mo, kanino mo to gagamitin ha?" -sigaw la ni mama.
" Ma, hindi ko alam kong bakit nagkaroon niyan diyan sa short ko pero hindi po ako bumibili ng ganyan. "-Andy
Halos sigaw lang sila ng sigaw kasi medyo malayo pagitan pero nakikita din naman namin si andy. Parang magkatapat lang.
"Sa short mo nga nakita andy. Bakit hindi mo alam?"
"Basta ma hindi ko alam." -Andy
"Sa jowa mo siguro gagamitin noh? Ano ba yan andy ha, lalaki o babae baka naman bakla? "-biro pa ni mama.
" Hay naku ma. Hindi po akin yan. Mas mabuti pa pong kay kuya niyo yan ibigay kasi may nanliligaw na lalaki sa kanya ma. Oppsss.... "-tinakpan naman niya kaagad bibig niya pagkasabi niya sa sekreto namin.
" Andy! "-pagalit kong sigaw sa kanya.
Nabigla si mama sa narinig niya. Sana lang ay hindi ito magalit sa akin dahil dun sa nalaman niya. Ito naman kasing kapatid ko oh, sinabi na ngang amin-amin lang yun bakit ba naman sinabi kay mama. Hay naku, ewan ko sa kapatid ko.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Fiksi RemajaSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...