Chapter 33

1 1 0
                                    

Lj's POV

4:37 na nang hapon at nandito pa din ako sa silid kasi may tinatapos pa akong report para bukas. Dito ko nalang to tatapusin kasi konti nalang man aayusin ko. Kailangan ko nalang isunod-sunod at lalagyan ko nalang ang iba pang pahina nang mga depinasyon kasi may kulang, batay sa pag-obserba ko kanina habang ipinakita ito ng ka-partner ko.

"Hello?" -tanong ko sa kabilang linya. Hindi ko na kasi napansin kong sino yung tumawag basta sinagot kuna kaagad.

"Bhe, nasaan kana?" -Rebecca

"Busy pa ako bhe. May ginagawa pa ako dito. Diyan ka nalang sa bahay niyo, matatapos na din naman to. "-sabi ko habang nagtatype sa laptop.

" Ok sige bhe, ingat ka diyan ah. I love you bhe, bye. "-malambing nitong sabi sa akin.

" I love you too bhe." -pinatay ko na kaagad yung tawag at bumalik na ako sa pagtatype.

Binilisan ko na kasi kakaunti nalang yung tao sa building nato. Nasa kabilang building kasi nag-aaral yung mga night shifter. Pero may dumadaan din naman dito paminsan-minsan.

Finally, natapos ko din ng mga 5:06 pm. Papalabas na ako at papunta na ako sa motor ko nang may marinig akong ingay sa kabilang building. Medyo madilim kasi nakapatay yung ilaw, nilapitan ko at tinanaw kung ano na mismo ang nangyayare. Naghihingalong tinig ang nadidinig ko doon at mga taong nagtatawanan. Kinuha ko na ang selpon ko at binuksan ko flashlight nito at kitang-kita ng dalawang mata ko na may isang taong bugbog sarado at puno na nang dugo ang itaas na bahagi ng puti niyang damit.

"Itigil niyo na yan, kung hindi ay tatawag na ako ng gwardiya. "-sigaw ko sa kanila at iniwang nakahandusay sa sahig ang lalaki. Kahit na hindi ko ito kilala ay nilapitan ko ito at tinulungang makatayo.

"Bakit mo ako tinutulungan? Hindi naman kita ka anu-ano."-sabi nito na medyo pautal-utal na.

" Kahit na kilala kita man kita o hindi ay tutulungan kita kasi ako nakakita sayo,konsensya ko pa kong mapano kapa dito. Kaya tayo, dadalhin nalang kita sa condo ko. Dun nalang kita gagamutin kasi sarado na yung clinic."-sabi ko at dahan-dahan ko siyang pinahakbang.

" Salamat, at pasensya na sa abala." -pautal nitong sambit sa akin.

" Wag mo nang alalahanin yun kasi hindi ka naman nakakaabala sa akin."

Nang makarating na kami sa condo ko ay agad ko siyang pinaupo sa kama at kinuha ko na kaagad yung first aid kit ko sa kabinet. Nilagyan ko na yung bulak ng alcohol para linisin muna yung mga pasa niya sa mukha.

"Alcohol talaga? Pwede bang betadine nalang ilagay mo para hindi masyadong mahapdi."-request pa niya.

" Takot ka pala sa alcohol eh. Hindi naman ito mahapdi kasi hindi strong na alcohol ang pinanlilinis ko ng sugat."-sabay ngiti ko sa kanya. Kalalaking tao tapos matatakutin sa alcohol.

" Ganun ba. Ok sige."-tumango din naman siya.

Pinahiran ko na yung mga pasa niya nung bulak na may alcohol.

"Wag mo masyadong idiin, ang sakit eh." -request ulit niya.

"Oo na, hindi ko naman idinidiin eh. Basta steady ka lang para hindi masakit."

" Aray!"-sabay layo niya nung mukha niya sa kamay ko.

" Wag ka kasing malikot."-tapos hinawakan ko mukha niya.

"Salamat talaga ha. Oo nga pala, ako si blueane corrento. Ikaw?"-pakilala niya.

" Liam jack phillips pangalan ko. Anong grade kana pala?"-tanong ko pa dito at tinigil ko na ang paglilinis sa mga pasa niya.

"Grade 11 stem ako. Sorry talaga sa abala ha." -Blueane

"Ano kaba, ok lang yun. At tsaka, bakit ka pala nila binugbog?"-tanong ko at binigyan ko na siya ng band aid.

" Nanghihingi kasi sila ng pera sa akin pero hindi ko sila binigyan kasi nasa mommy ko yung pera ko. Tanging saktong baon lang ang dala ko."-malungkot niyang pagkekwento sa akin.

" Ganun bah. Oh sige, saan kaba nakatira? "

" Medyo may kalayuan dito yung condo ko. "-Blueane

" Gusto mo ihatid nalang kita? "-pangya-yaya ko pa.

" Huwag na, ayaw ko nang makaabala talaga sayo. Sige ha, uuwi na ako. "-nagpaalam na siya't lumabas na sa condo ko.

Niligpit ko na yung mga ginamit ko kanina. Kumain na din ako pagkatapos at umupo na sa kama para mag final check sa report namin bukas. Bigla namang napatawag si rebecca.

"Oi bhe." -sabi ko sa kabilang linya.

"Naka-uwi kana ba bhe?" -Rebecca

"Nandito na ako sa condo bhe. Pwede bang bukas nalang bhe, busy pa ako eh. "-paki-usap ko sa kanya at bigla siyang tumahimik.

" Bhe, na pano ka?" -pagtatanong ko.

"Ah wala bhe. Sige na, goodnight bhe. Love yah." -Rebecca

"Sige bhe, goodnight." -pinatay ko na kaagad ang tawag at nagpukos na sa ginagawa ko.

Nag ring ulit phone ko. Tawag na naman, sino na naman kaya to? Nang matingnan ko kong sino ang tumawag ay nabigla ako, si andrew...tumatawag.

"Hello andrew, may kailangan ka?"-tanong ko at isinara na yung laptop at humiga na ako sa kama.

"Wala naman. May sasabihin lang ako sayo." -Andrew

"Ano naman yun drew? "-palambing kong tanong sa kanya.

" Busy kaba ngayong sabado?" -pagtatanong pa niya.

"Hindi naman, bakit?"-agad kong sagot.

"Magpapasama lang ako sayo kasi may bibilhin ako. Pero kong ayaw mo ay ok lang alam ko naman na busy ka talaga."-Andrew

" Ano kaba, hindi nga ako busy diba kaya ok lang. Wala naman akong gagawin sa sabado."

" Ganun ba. So...pwede ha?"-Andrew

"Pwede nga eh. Gusto mo bawiin ko pa sinabi ko?"

"Hindi,wag. Ok na, sige ha. Etetext ko nalang sayo bukas ang lugar kong saan tayo magtatagpo o pwede din namang sunduin kita diyan sa condo mo, kong ok lang. So ano ba?"-Andrew

" Siguro...text ka nalang. Mas mabuti pa yun. Sige ha, may gagawin lang ako kasi medyo busy pa ako ngayon. Bye."

" Ok bye at salamat talaga."-pagkasabi niya nun ay pinutol  na niya kaagad ang tawag.

Hindi ko maipaliwanag kong ano na ang talagang nangyayare sa akin pero masaya naman ako sa ngayon. Masaya ako dahil sa magpapasama sa akin si andrew. Baka may balak siya sa akin. Ano ba yan, na eexcite na tuloy ako. Sa sobrang excited ko ay hindi ako makatulog nang maayos kakaisip sa ano kayang mangyayare ngayong sabado.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon