Andrew's POV
Pagkarating ko sa bahay ay nagdaldal ako ng nagdaldal.
"Ma, bakit moko iniwan dun?"
"Malaki kana andrew, alam mo na kong pano umuwi. At tsaka lalaki ka hindi babae. "-pang-aasar pa nito.
" D wow. Ahy ma, babalik na ako bukas ah."-pagpapaalam ko pa.
" Edi bumalik ka. Wala ka namang natutulong dito eh. "-pang-iinis ulit nito.
" Nah, meron kaya. Diba andy?"
" Ha! Ewan ko? "-parang wala sa sarili nitong sambit dahil sa nabigla siya ng marinig niyang tinawag ko pangalan niya.
"Diba wala?" -Mama
"Meron noh. Ako kaya taga tulong sayo ma kapag may kailangan ka."
"Wehhh...sige nga, patunayan mo. Mag-igib kanga ng tubig kasi konti nalang tubig dito sa jar. "-utos pa nito.
" May gripo naman tayo ma ah. "-nakanguso kong sabi sa kanya.
" Pero mas masarap kasi tubig dun sa pusu. "-Mama
" Dun din naman galing tong gripo ma. Ikaw talaga ma...pahihirapan mo pa talaga ako. "
" Ayun, dami mong palusot. Ayaw mo talaga magpa-utos." -Mama
"Nandiyan naman si andy oh. Siya nalang, mabait na bata kaya yan ma. "-pagsasali ko naman sa pangalan ni andy sa usapan namin ni mama.
" Ako na naman. Hindi nga ako nag-iingay dito tapos isasali niyo ako diyan. Bahala kayo diyan, kayo na mag-usap. "-pagtatampo niya pa.
" Ano na naman ba yang pinagtatalunan niyong mag-ina ha? "-tinig ni papa na kakauwi lang galing sa trabaho.
Nilapitan ko kaagad si papa at nagmano ako sa kanya ganun na din si andy.
" Si mama kasi pa, may gripo na nga pinapa-igib pa ako." -paliwanag ko pa.
"Bakit naman ma?" -Papa
"Ewan ko sa inyo. Sige na, kumuha na kayo ng plato kasi kakain na tayo. "-Mama
Kumuha naman kami ng plato ni andy. At kumain na kami pagkatapos ni papa na magbihis. Habang kumakain ay nagkwentuhan pa kami at ako yung naging taya sa topic. Kasi...ako yung topic eh.
"Bakit ka pala napadalaw drew?" -tanong pa ni papa na kumukuha ng kanin.
"Miss ko lang dito pa." -sagot ko naman.
" Akala ko ba busy ka sa pag-aaral."-Papa
" Medyo busy naman pa pero binalak ko talagang pumunta dito kasi miss ko na din kayo,sobra."
" May jowa kana ba doon drew?"-Papa
Pagkasabi dun ni papa na may jowa na ba daw ako ay nabilaukan ako ng iniinom kong tubig.
"Ok ka lang ba drew?" -Mama
"Ok lang ma. Wala pa po pero may sasabihin po ako sa inyo."-seryoso ko pa.
" Ano yun drew?"-Papa
Napaisip ako bigla kong sasabihin ko ba o hindi kasi baka hindi nila matanggap. Baka magalit pa sila.
"Kulang na po kasi yung pera ko. Medyo kapos na kasi halos nagseserox kami ng mga activity namin. "-sabi ko naman. Mas mabuti nang hindi na muna nila malaman kasi hindi pa naman sigurado.
"Ganun ba drew. Sige, padadalhan nalang kita bukas pag-uwi ko galing trabaho. Basta drew, paghusayan mo ha. "-Pag-eemote pa ni papa.
" Oo naman pa. Ginagalingan ko nga eh."
"Hay naku, tama na nga yang pag-eemote niyong mag-ama. Mabuti pang kumain na tayo. "-singit pa ni mama.
Masaya kaming kumain dahil sa nagkwekwentuhan din kami. Magkasundo naman kami lahat pero gusto ko din na kami lang dalawa ng kapatid ko ang nag-uusap. Nang makatapos na kami maghugas ng pinggan ay pumasok ako sa kwarto ng kapatid ko para mag-usap ulit kami.
"Andy, maitanong ko lang ha. May nililigawan kana ba?"
" Wala pa nga kuya. Wala kasi akong natitipuhan sa classroom."-malungkot nitong saad.
" Kaklase mo talaga jojowain mo? Baka kapag na zero ka niyan sa test ay pagtawanan ka."-pampipikon ko.
" Pano naman ako mazezero eh nag-aaral naman akong mabuti at tsaka study before test kaya ako. Mabuti na yung kaklase kasi nababantayan ko pa. "-sambit nito habang may ka text sa selpon niya.
" Ganun ba. Eh...sino naman yang ka-text mo ngayon? Busing-busy ah."
"Naku kuya. Naghahanap sayo to kanina pa nung pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan natin. "-Andy
" Ha, sino?"-sabi ko sabay tingin sa taas.
"Henish yung nakalagay na pangalan kuya oh. Tignan mo." -ipinakita naman nito yung taong ka text niya, I mean ka chat niya.
"Ikaw ba nag-add sa kanya?"
"Hindi ah. Wait lang....diba siya yung kinwento mo sa akin kuya na nagkagusto sayo? Siya Yun diba? "-nakangiting sambit nito.
" Oo na, siya yan. Anong sinabi mo sa kanya?"
"Sinabi ko lang naman na wag siyang mag-alala kasi babalik ka din bukas ng umaga at tsaka sinabi ko na may pag-asa kana sa puso ng kuya ko. Ayyyyiiieeeee.....kinikilig paa ko. "-sabay tawa nito.
" Bakit mo naman sinabi yun. Ikaw talaga oh. Pag-umasa yan ikaw talaga ipapasuntok ko."
Nakakainis talaga tong kapatid ko oh. Sana hindi ko nalang sinabi yun, hindi naman pala mapagtataguan to.
"Yun lang kaya sinabi mo?" -sabay pagalit kong tingin sa kanya.
"Uhmmm...sinabi ko din na...mahal ka din niya." -tumawa naman siya kaagad pagkasabi niya nun.
" Ano? Akin na nga yang selpon mo." -kinuha ko kaagad phone niya at magtatype na sana ako ng biglang nakipag-vc siya at napindot ko yung answer at ibinalik ko naman sa kapatid ko selpon niya.
"Hi." -pangiti nitong sambit sa ka-vc niya.
"Nasaan na ba kuya mo?" -tanong naman ni henish.
Nagsign language ako sa kapatid ko at pilit kong ipinapaintindi sa kanya na wala ako sa bahay kasi inutusan ako. Ngumiti lang naman kapatid ko.
"Nandito siya sa kwarto ko. Ayan oh." -eni-back cam.naman ng kapatid ko at yun, nakita ako.
" Uhmmm...hi? "-nagpumilit akong ngumiti at tsaka nilakihan ko ng mata kapatid ko at mabuti pa yun naintindihan niya kasi binalik niya sa front cam.
Lumabas na ako ng kwarto ng kapatid ko at pumasok na sa kwarto ko. Last ko lang narinig ay nagtanong lang si henish na ok lang ba daw ako dito. Eni-activate ko na yung account ko sa facebook. Nagdeactivate kasi ako nung nag-confess din sa akin si lj. Pagkatapos nun ay eni-open kuna. Nagmessage din kaagad sa akin si lj.
Bro, nasaan kana ba? Hinanap na kita kung saan pero hindi kita makita dito. Nasaan kana?
Nag reply din naman ako sa kanya.
Ok lang ako lj. Nandito ako sa bahay ng mama ko. Wag kang mag-alala, uuwi na ako bukas.
Mabuti naman bro. Miss na kasi kita-Lj
Ahh...ok lj. Sige ha, matutulog na ako. Nag-activate lang naman talaga ako ng account ko. Bye.
Naglog-out na kaagad ako at pinatay na selpon ko. Pumikit na din ako kasi kailangan kong matulog ng umaga dahil din sa kadahilanang babiyahe ako ng maaga bukas pabalik sa condo.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Teen FictionSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...