Chapter 5

3 3 0
                                    

Andrew's POV

Kinahapunan ay naglalakad ako papalabas ng campus para sana makauwi na nang makita na naman ako nung lalaking nakabanggaan ko kaninang umaga. Sinusundan kaya ako ng lalaking to? Stalker ko ata toh eh.

Nang makahanap ako ng isang taxi ay agad ko iyong pinara at sumakay nah sabay sabi sa driver kung saan ako bababa.

Pagkarating ko sa building ay agad akong nagtungo sa condo ko. Medyo pagod rin ako ngayon dahil sa mga ganap kanina. At doon sa lalaking ayaw makaget-over sa nangyare sa aming dalawa. Inilapag ko nalang yung bag ko sa mesa at humiga ako sa kama tapos ay umidlip muna ako saglit.

Someone's POV

Nandito na ako ngayon sa condo ko at nagluluto ng makakain. Medyo naging masaya naman yung araw ko kanina kasi natutuwa lang talaga ako doon sa lalaki kanina na nakabanggaan ko dahil ang bilis niyang mapikon.

Nang matapos na ako sa pagluto ay initabi ko muna kasi ihahanger ko pa kasi yung mga damit ko doon sa likuran ng condo ko. Naka-condo lang ako kasi malayo yung bahay namin sa paaralan na pinag-aaralan ko ngayon.

Habang ini-hanger ko yung mga damit ko ay tumitingin muna ako sa katabi ng building nato. May nakita naman akong isang condo na bukas yung pintuan niya sa likod kaya nakita ko yung nakatira doon. Isang lalaki na natutulog at ang himbing ng pagkakatulog niya. Para nga siyang bata eh. Pagkatapos kong gawin yun ay bumalik na ako sa loob ng condo at inihanda na yung makakain ko kasi medyo nagugutom na ako. Masarap naman ako magluto kaya walang dahilan na bibili pa ako sa labas ng lutong pagkain. Pagkasabado naman ay pumupunta ako sa palengke para mamili ng mga gulay, prutas at iba pa na mga kailangan ko.

Habang kumakain ay nakatingin rin ako sa tv kasi napakaboring kung kakain ako na sobrang tahimik. Nang matapos ako sa aking pagkain ay nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ako naligo. Hilig ko lang talagang maligo kapag hapon kasi para fresh pa rin. Malinis naman talaga ako sa sarili ko sa condo lang hindi. Medyo makalat talaga yung condo ko ngayon. Dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok ay ini-open ko nalang yung Facebook account ko at ini-stalk yung page ng paaralan. Dito kasi nila pinopost yung mga naging estudyante na naka-enroll. Pero kahit anong hanap ko at hindi ko mahanap yung lalaking nakabanggaan ko kanina. Sa dinami-dami ba namang naka-enroll dito sa paaralan nato, aasa pa ba ako na mahahanap ko ang isang tao ng ako lang mag-isa. Pero ang weird lang kasi dahil bakit ko hinahanap yung tao na yun. Nang mabagot ako sa kakahanap ng lalaking yun ay itinigil ko na yung pagscro-scroll sa page at ini-out ko na yung account ko. Humiga nalang ako sa kama sabay tingin sa kisame na may iniisip na hindi ko mapaliwanag kung bakit.

Andrew's POV

Nang mapansin ng katawan ko na nagugutom na ako ay bumangon ako't nagpunta sa baba para makabili ng pagkain. Bumalik naman agad ako sa condo pagkatapos nun. Inihanda ko na yung pagkain para makakain na. Habang kumakain ay ini-open ko na yung Facebook account ko para matingnan yung page ng paaralan para hanapin yung lalaking nakabanggaan ko kanina. Hinanap ko siya sa mga bagong enroll na mga estudyante. Pero kahit anong hanap ko ay wala talaga. Natapos nalang ako sa aking pagkain ay hindi ko talaga mahanap. Hinugasan ko muna yung pinagkainan ko bago ko ini-hanger yung mga damit na nilabhan ko kaninang umaga. Medyo madilim na yung paligid kasi quarter to six na. Ini-hanger ko nalang yung mga damit sa likuran ng condo ko. May isang condo nga akong napansin eh kasi yung ilaw niya ay nakapatay lahat kumbaga ay napakadilim nang kwarto niya. Sinilip ko kung may tao at meron naman talaga. Nakahiga lang siya at hindi ko rin alam kong natutulog ba o nakatingin lang sa kisame nang condo niya. Sisigawan ko sana pero hindi ko naman yun kilala kaya pumasok nalang ako sa condo at humiga ulit para sa final sleep ko. Parang bakla ako nito, maypa final sleep pang nalalaman.

Kinabukasan, habang papasok ako ng paaralan ay nakisabay yung lalaki kahapon. Bakla siguro to ah, kahapon pa siya ah. Binilisan ko nalang yung lakad ko kasi ayaw kong ma bad mood yung araw ko ngayon. Second day ko ngayon kaya dapat happy lang ako. Naging panatag na ang aking loob ng makapasok na ako sa room. Tahimik pa dito kasi ako pa yung nauna. Mga late comers kasi yung mga kaklase ko. Mabuti nga  yung sa kabila, yung humss b kasi madami na sila sa room nila. Ako ngayon, nag-iisa.

"Ikaw lang ba mag-isa?"-tanong ng lalaki sa labas ng room.

Hindi ko alam kong sasagutin ko ba yung tanong niya kasi hindi ko naman kilala kung sino yung nasa labas at baka holdapper yun. Naging matahimikin ako ng iilang minuto. Nang mapansin ko na papasok na siya sa room ay yumuko nalang ako kasi ayaw ko namang tumakbo. Hindi ako bakla noh. Hinawakan niya yung likod ko at napatayo ako sabay tutok sa kanya yung naka kamaong kanang kamay ko sa mukha niya.

"Woah, easy. Ako lang to brad."-pagpapakalma ni henish sa akin.

Ibinaba ko na yung nakakamaong kanang kamay ko nang makita kong si henish lang pala. Pero iba yung kutob ko kanina. Alam ko yung boses ni henish at iba yun sa boses kanina sa labas ng room. Umupo na ako at inaalala pa rin yung boses kanina sa labas alam kong narinig ko na yung boses na yun. Hindi ko lang matandaan kong kelan, kanino at saan.

"Parang mahuhulog naman ata ako sa lalim ng iniisip mo brad."-Henish

"Ah wala toh, hindi lang ako nakatulog ng mahimbing kagabi."-palusot ko.

"Ganun ba. Absent ka nalang brad."-seryoso niyang sambit sa akin.

"Gago, ayoko nga. Bad influence ka sa akin ah."-sabi ko sa kanya sabay suntok ng mahina sa kanyang braso.

"Joke lang. Ikaw naman, napakaseryoso mo naman tao."-Henish

Mabuti naman at nagbibiro lang pala tong lalaking to. Well, malaman ko lang talaga kung sino yung tao na nananakot sa akin kanina ay may suntok talaga siyang makukuha sa akin. Pero sa ngayon, dahil second day ko. Be positive lang dapat at dapat na wala munang iisiping hindi maganda sa araw na ito.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon