Chapter 21

1 1 0
                                    

Andrew's POV

Nandito na pala ako ngayon sa condo ni lj kasi magpapaturo daw siya ulit tungkol sa kanilang mga aralin. Nahihirapan daw kasi siya sa math subject. Hinihintay ko pa siya ngayon dito sa loob kasi may binili lang siyang pagkain sa labas. Kanina pa nga yun eh. Tumayo na muna ako para magmasid-masid sa kwarto niya.

Halos maraming nakasabit na mga larawan dito at medyo marami din yung sticky note na nasa refrigerator niya. Mga listahan lang naman yun ng mga bibilhin niya bawat araw. Iba-iba siguro ulam nito kasi sa monday hanggang sunday ay iba yung ulam na nakalagay. Napabalik kaagad ako sa upuan pagkarinig ko sa pintuan na pabukas nah.

"Oi bro, sorry ha kong natagalan. Marami kasing tao na bumibili bro."-paliwanag pa nito.

"Naku bro, ok lang yun. At tsaka hindi naman ako nabagot sa kakaantay sayo dito."

"Kain kana muna bro bago tayo magsimula."-sabi pa nito habang nilalagay ang mga pinamili niyang pagkain sa pinggan.

"Pano mo nalaman na paborito ko yang juice na yan?"-tanong ko sabay turo sa juice na hawak niya.

Nakakapagtaka lang kasi kapag bumibili kasi ako ng juice ay hindi ko naman pinapahalata na paborito ko yun at tsaka si henish lang ang taong nakakaalam ng paborito kong inumin.

"Nakita kasi kita noong nakaraang araw na umiinom nito kaya naisipan kong ibili kita nito. Hilig mo pala uminom ng milk tea?"-Lj

"Gusto ko kasi yung bilog na nasa ilalim eh."

"Sige na, Kain kana muna."-sabay bigay niya nung pagkain.

Kinain ko naman kaagad yun para naman maglaman tiyan ko. Ako na din yung nagligpit sa kinainan ko kasi nakakahiya naman kong siya pa ang gagawa. Nagsimula na kaagad ako sa pagtuturo sa kanya.

"Na pano ka?"-tanong ko habang nagbubuklat sa libro na bigay niya. Kanina ko pa kasi siya napapansing ngiti ng ngiti.

"Wala naman bro."-Lj

"Sure ka? May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala bro. Masaya lang ako."-Lj

Habang nagtuturo ako sa kanya ay siya naman palaging nagbibiro.

"Pano nangyare yan bro?"-tanong niya na halatang nalilito nah.

"Saan diyan?"

"Yang x bro. Kailangan talaga hanapin  yung value ni x?"-Lj

"Oo bro para makuha mo yung tamang sagot kasi kapag walang value si x ay hindi ka makakapagsimulang magsolve sa problem."-paliwanag ko pa.

"Eh pano kong wala nang value si x?"-Lj

"Meron yan bro. May value talaga ang x, tandaan mo yan."

"Ahahahha...."-tawa pa nito na ikina-inis ko.

"Bakit ka tumatawa?"

"Ah wala. May value pa pala x mo?"-Lj

"Ewan ko sayo. Math pinag-uusapan natin dito hindi ex's ng kahit na sino."

"Ok-ok. Pero ilang ex meron kana ba?"-mapang-inis niyang tanong.

"Sige ka, pag ayaw mo pang tumigil sa mga kalokuhang tanong mo na yan ay titigil na ako sa pagtuturo sayo."-babala ko pa.

"Ok fine. Titigil na po."-sabay ngiti niya sa akin.

"Mabuti naman at natakot ka. Sige na, balik na tayo sa aralin."

Medyo hapon na din nung matapos ako sa pagtuturo kaya nagpaalam na ako sa kanya para umuwi na.

"Bro, uuwi na ako ha."

"Gusto mo ihatid na kita bro?"-Lj

" Wag na bro. Kaya ko naman umuwi mag-isa at tsaka may dadaanan pa ako. Sige bro, paalam na."

" Sige bro."-sabay kaway nito sa akin.

Kinawayan ko din siya at lumabas na ako sa kwarto niya. Naglakad nalang ako kasi may dadaanan pa akong kainan dahil bibili pa ako dun. Nang makarating ako ay agad na akong nagpabalot ng pagkain at sumakay na ako ng tricycle para deritso na sa condo ko.

7:30 na ng gabi at nasa upuan lang ako nagbubuklat ng aking libro. Sabado naman bukas pero hilig ko lang talaga ngayong magbasa. Tumayo na muna ako para kumuha ng isang baso ng tubig ng maalala ko si henish, kumusta na kaya yun. Bumalik na ako sa upuan at inilagay ko na muna yung baso sa mesa kasi tatawagan ko muna si henish. Nag ring naman phone niya pero hindi niya sinasagot. Baka tulog na yun, sabi ko pa sa sarili ko at inilagay ko na phone ko sa mesa. Sisimulan ko na sanang magbasa ng biglang tumunog yung phone ko, may mensahe galing kay henish. Binasa ko ito at ang nakalagay ay....

Brad,

Brad, punta ka dito sa kwarto ko. May sasabihin ako sayo, importante lang brad. Hindi ko na kasi matiis kaya gusto ko nang sabihin to sayo brad.

7:42pm.

Ano kaya problema nito? Ano naman kaya yun? Nagligpit na muna ako sa kwarto ko bago ako umalis.

Henish's POV

Nandito pala ako ngayon sa kwarto ko at kanina pa ako nakahiga. Hinihintay ko kasi brad ko. Hindi ko napansin na meron palang tumawag pero nagising ako dahil sa ingay. Tumawag pala si brad, nag text nalang ako sa kanya na papupuntahin ko siya dito kasi sasabihin ko na yung gusto kong sabihin sa kanya noon pa. Hindi ko na kasi matiis na itago pa sa kanya at lalong hindi ko matiis na may kasama siyang iba katulad ni lj. Nagseselos ako at naiinis sa kay lj. Palagi nalang siyang dumidikit sa brad ko. Magandang plano siguro to na sasabihin ko na sa kanya para naman sa wala na akong tinatago pa sa kanya.

Kanina din kasi, nakita ko yung post ni lj na tinuturuan siya ng brad ko at masayang-masaya sila. Ang dami ngang nag react sa postna yun at marami ding nag comment. May iba na nagsasabing sila na ba daw, pano na yung gf mo lj? Sino buttom sa inyo? At doon parang nagalit yata gf niya dahil dun. Nag comment din kasi gf niya na magkaibigan lang daw silang dalawa at ang ginamit na react nito ay angry. Stalker na ba ako nun? Hehehhe... Nabasa ko kasi lahat ng mga nag comment sa post na yun.

Kanina pa ako naghihintay dito sa loob pero wala man lang kumatok sa pintuan. Nasaan na kaya siya. Bakit ang tagal niya. Nag text naman siya at binasa ko...

Brad,

Brad, wait kalang ha. May gagawin lang ako, saglit lang to. May bibilhin lang ako sa labas.

8:19pm.

Naghintay nalang ulit ako dito kung kailan ba talaga siya papasok. Ilang sandali lang ay meron nang kumatok sa pintuan.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon