Chapter 35

1 1 0
                                    

Andrew's POV

7:06 na kami nakarating sa paaralan. Hindi pa naman kami late kasi marami pa ding tao sa labas. Dumiretso na kami sa silid namin at mabuti nalang talaga na wala pa yung magtuturo sa amin. Umupo na kami sa upuan namin at magkatabi kami ni henish. Nag request na kasi siya at pinayagan naman. Napansin kong may papunta sa kinauupuan ko. Isang bata na may hawak na rosas, pulang rosas. Ibinigay niya ito sa akin at tiningnan ko si henish.

"Naku mol, hindi ako nagpabigay niyan." -Henish

"Sino pala ang nagpapabigay nito. "-palambing kong tanong sa bata.

" Si kuya po. Si gwapong kuya. "-sabi naman nung bata.

" Ha, sinong gwapong kuya? Alam mo ba pangalan niya? "-paulit kong tanong.

" Hindi po eh. Ang sabi lang ay ibigay ko daw to sayo. "-Bata

" Ganun ba, ok salamat ha. "

Umalis naman kaagad yung bata at inilagay ko na yung rosas sa harapan ng upuan ko.

" Na pano ka henish?" -Henish na muna tawag ko sa kanya kapag nasa paaralan kami. Tinanong ko din siya kasi parang lumungkot mukha niya.

"Ahh wala, sino kaya yang secret admirer mo noh?" -Henish

"Ewan ko. "-at tiningnan ko yung rosas. Baka kasi may nakalagay na sulat o kung ano man. Ganito kasi yun sa mga palabas. Nilalagyan nila ng sulat yung rosas at baka meron din to. Hindi naman ako nagkamali sa hinala ko kasi meron din nga namang sulat na nakalagay. Kinuha ko ito at binasa.

Dear bro,
  
           Sorry nga pala sa mga nagawa ko sayo at sana patawarin mo na ako. Miss na talaga kita at alam mong mahal kita. Handa akong maghintay kong kailan ka pwede.

                                  Nagmamahal,
                                        Bro

"Sinasabi ko na nga ba?" -galit na reaksyon ni henish pagkatapos niyang mabasa ang sulat.

" Na ano?"

"Kay lj galing to at balak pa talaga niyang agawin ka sa akin. Pwes, humanda siya. Tingnan lang natin kong maagaw ka niya sa akin. "-Henish

" Bakit, anong gagawin mo henish? "

" Wala, ako na bahala dun mol. "-Henish

"Wait lang, tama ba yung narinig ko? Mol?" -singit naman nung katabi ni henish sa kaliwa.

" Uhmmm... "-yan nalang tangi kong salita.

"Guys, guys, guys. Listen, magjowa na sina henish at andrew for real. "-sigaw pa nung lalaki na nasa kaliwa ni henish.

" Oi.... Sana all. "-sigaw naman nung iilang mga kaklase namin.

Heto na, nahihiya na talaga ako. Dumating na din sa puntong ito. Nakakahiya talaga to. Yumuko na ako dahil sa nahihiya nga ako.

"Totoo ba yun henish?" -sigaw pa nung babaeng nasa unang linya nakaupo.

" Oo, boyfriend ko na si andrew at ayokong may umagaw sa kanya sa akin. "-sigaw naman ni henish.

" Ayyyieee, ss sa inyo henish at andrew. "-sigaw nito.

Umupo naman si henish at pinaupo niya ako ng nakaharap sa board. Hinalikan niya ako sa pisnge at aki naman ay natulala lang sa ginawa niya. Hindi ko alam kong magagalit ba ako o matutuwa sa ginawa niya pero hindi ko talaga maigalaw kamay ko para masampal siya. Ngumiti nalang ako.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon