Andrew's POV
Kinahapunan pagkatapos ng pasok ay papalabas na sana ako ng campus ng tawagin ako ni henish kaya nilingon ko siya sa likuran.
"Papauwi kana ba?"-Henish
"Oo, bakit?"
"Sabay tayo. Parehas lang naman kasi yung building ng dorm natin."-Henish
Sasagot na sana ako kay henish ng tawagin ako ni lj na nasa harapan ko na naka sakay sa motor niya.
"Andrew, pauwi kana ba? Halika, ihahatid nalang kita sa dorm mo."-alok pa ni lj sa akin.
Pano na to, kanino ako sasabay. E bakit ba kasi nagkasabay pa silang magyaya sa akin sa pag-uwi.
"Oh, ano na andrew. Tara na."-Lj
"Uhmmm...lj, sorry ah kasi kailangan ko pang samahan tong si henish kasi may pupuntahan pa daw siya. Nagpapasama kasi siya sa akin eh."-palusot ko pa sa kanya.
"Ah ganun ba. Ok sige, ingat ka nalang bro."-Lj
Pagkatapos niyang sabihin yun ay pinaandar na niya yung motor niya at pinatakbo na ito.
"Ano pang hinihintay mo diyan henish, tara na. Magcocommute pa tayo."-ngiting sabi ko sa kanya at sumunod naman siya sa akin.
Habang naglalakad kami papuntang terminal. Si henish naman ay parang ang tahimik ata ngayon, nakakapanibago lang.
"Ang tahimik mo ata ngayon henish, may problema ka ba?"
"Wala, may inaalala lang ako."-Henish
"Ano naman yun?"
"Close na pala kayo ni Mr. President?"-Henish
"Ahh...oo, kinausap niya ako kanina. Nung pumunta ako sa banyo."
"So kumusta naman ang pag-uusap niyo?"-Henish
"Ok naman, pero kailangan ko pa siyang kilalaning maigi. Hindi ko pa talaga siya gawing totoong kaibigan kagaya mo kasi una palang ay inaasar na ako nun eh, baka kasi may kailangan siya sa akin kaya siya nakipagkaibigan sa akin."-paliwanag ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun."-mahinahon niyang sabi.
Nang makarating na kami sa terminal ay agad na kaming sumakay ng jeep. Oo, tama narinig niyo, sumakay kami ng jeep para makaless kami ng pamasahi namin. Hindi kasi ako magastos pero alam ko na mayaman talaga tong si henish. Ewan ko lang ba kung bakit siya sumama sa akin, pwede naman kasing sumakay nalang siya ng taxi papunta sa dorm niya. Pero balita ko ay meron daw siyang motor pero bakit hindi niya ginagamit.
Pumuwesto na kami sa jeep. Nasa gilid ko si henish sa kaliwang bahagi ko. Medyo punong-puno na ang jeep kaya umandar na ito. Nabigla nalang ako ng ipinatong ni henish yung ulo niya sa balikat ko, parang napagod ata siya kanina. Hinayaan ko nalang ito at ibinaling na ang aking paningin sa daan.
"Henish, gising na...malapit na tayo."-sabay alog ko sa kanya.
Gumising naman siya kaagad. Humikab pa nga siya eh.
"Kuya, para po."-sigaw ko nang maaninag ko yung building ng dorm ko.
Pagkahinto ng jeep ay bumaba na kami at nagsimula nang maglakad papasok ng building. Sumakay na kami ng elevator at pinindot ko yung floor na kung saan ako nakadorm, ganun rin si henish. Nang magbukas ito ay lumabas na ako nasa itaas pa kasi ng floor ko yung dorm ni henish.
Pagkapasok ko sa dorm ko ay agad akong nag-inat ng katawan ko at inihagis ko ang aking katawan sa kama. Napagod ata ako sa biyahe. Lumingon ako sa kabilang building, nakabukas pa yung ilaw niya at parang nagluluto ata siya. Mabuti pa siya at hindi siya pagod kasi nakaluto pa siya. Sana merong kumatok sa pintuan ko at pagkabukas ko ay merong ulam at kanin. Hahayst...nagugutom na ako.
Hindi ko namalayang nakatulog ako, nagising kasi ako dahil sa katok na narinig ko sa pintuan ko. Sana pagkain toh pagbukas ko. Nilapitan ko yung pinto at binuksan, napansin ko nalang na merong ulam at kanin na nakasabit sa doorknob ko. Lumingon ako sa kanan at kaliwa pero wala namang taong nakita kaya kinuha ko ang nakasabit at pumasok na ako sa kwarto sabay sirado ng pintuan.
Pagkalapag ko ng pagkain sa mesa ay tiningnan ko yung nagluluto kanina sa kabilang building. Nagluluto pa rin naman siya hanggang ngayon. Hinala ko kasi na siya yung nagbigay pero impossibli naman na siya yung magbigay nito. Kailangan ng mahabang oras para ilagay niya ito sa doorknob ko. Inilagay ko nalang sa plato yung ulam at kanin. Syempre, nagpasalamat muna ako bago kumain.
Busog na busog ako ng makatapos ako ng aking pagkain. Grabe, ang sarap ng luto niya. Parang gusto ko pa atang kumain ng luto niya. Sino kaya naglagay nun sa doorknob ko? Basta, ang tanging masasabi ko lang sa kanya ay salamat dahil hindi na ako nagpagod na magluto.
Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ko ay bumalik na ako sa kama at eni-open kona yung FB account ko, nagbabakasakaling merong message na maligaw. Hindi naman ako nagkamali, may message nga naman gc nga lang namin sa Grade 11 Humss. Akala ko naman kung sino at ano yung message, gc lang pala. Habang pa scroll ako sa News feed ko ay may biglang tumawag, si henish pala.
"Oh henish napatawag ka?"
"Busy kaba ngayon andrew?"-Henish
"Hindi naman, bakit?"
"Gala tayo sa labas?"-Henish
"Naku henish, nakatulog ka nga kanina sa biyahe tas manyayaya ka ngayon ng gala. Bukas nalang henish, pahinga ka muna dyan, matulog ka nang maaga para hindi ka mapuyat."
"Ahhh, ok sige. Goodnight."-Henish
"Ok, goodnight."
Ibinaba ko na agad ang tawag pagka-goodnight ko sa kanya. Eni off ko na rin yung phone ko kasi wala namang kwenta fb account ko. Hahahha...masyadong tahimik yung fb account ko eh, hindi kasi ako famous.
Pumunta nalang ako sa banyo at naligo. Wala lang, trip ko lang maligo pagkahapon pagkatapos kung maghapunan. Medyo mabaho na rin ako eh. At para naman mahubad ko na tong uniform ko, nakatulog kasi ako ng suot-suot ko pa tong uniform ko at para narin malabhan ko ito.
Pagkatapos maligo ay nilabhan ko na yung uniform ko at inisabit sa likurang bahagi ng dorm ko. Dito ko kasi sinasabit ang mga damit ko para matuyo. Masisinagan kasi dito ng araw kaya mas maganda talaga na dito isabit. Napansin ko rin na tulog na yung nasa kabilang building kasi naka-off na yung ilaw niya, pero hindi man lang niya isinara yung pintuan niya sa likod.
Pinatuyo ko muna yung buhok ko bago natulog. Magaan yung pakkrandam ko ngayon kasi busog at malinis akong natulog. Hahayst, salamat talaga sa pagkain kanina.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Novela JuvenilSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...