Chapter 4

2 3 0
                                    

Andrew's POV

Pagkatapos nung pag-uusap namin nina pamela at christian ay nagtungo nalang ako sa room. Tinatamad na kasi akong hanapin si henish at erik. Pero sana nandoon na sila sa room kasi gusto ko pa silang suntukin eh.

Habang naglalakad pa paakyat ng building ay nakasalubong ko na naman yung lalaki kanina na nakabanggaan ko. Yumuko nalang ako at nagpatuloy na ako sa paglalakad ko. Hindi ko palang siya nalalagpasan ay may sinabi na naman siya.

"Mag-ingat ka ah. Baka kasi madapa ka na naman dito at makasakit ka na naman."-sabi nung lalaki.

Nagmadali nalang ako sa paglalakad. Dahil sa isang banggaan na yun ay parang apektadong apektado siya. Pwede namang kalimutan nalang niya yun.

Nasa labas palang ako ng room ay dinig na dinig ko na yung mga kwetuhan nung dalawa kong kasama kanina. Kaya pinasok ko sila sa loob at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Hoy! Kayong dalawa kayo ah, bakit niyo ako iniwan. Dahil sa inyo nakabangga pa ako."-hiway ko sa kanila

"Naku! Akala kasi namin na nakasunod ka parin sa amin. Nang napansin ka naming nawala ay hindi ka na namin hinanap kasi baka may pinuntahan kang importanting bagay."-paliwanag pa ni henish.

"Anong pupuntahan? Eh hindi ko pa nga kabisado tong campus na ito. Tapos sasabihin mong may pinuntahan ako."-hiway ko ulit sa kanila na medyo lumakas na yong boses ko.

"Pasensya na andrew ah."-Henish

"Okey fine, basta sa susunod ay wag na kayong mang-iwan ah."

"Sige-sige, asahan mo yan."-ngiting sambit ni henish.

Umupo na ako sa upuan ko para mag study sa susunod na subject. Medyo tanga ako sa part natu kasi kahit first day pa nalang ay feeling genius agad ako. Hahahah... abnormal na ata eh.

"Ang sipag naman oh. Oi brad, unang pasukan pa lang ah. Baka kapag nagtagal pa ay kulang nalang kainin mo na ang mga libro."-biro pa ni erik sa akin.

"Ano ka ba brad. Alam mo namang nag-aaral ng mabuti yang si andrew tapos ay guguluhin mo dyan."-Henish

"Ahh, ganun bah."-sagot ni erik sabay layo sa akin at pumunta sa kanyang upuan.

Napansin ko na papalit si henish sa akin kaya idiniin ko nang maigi yung libro sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo?"-nag-aalangan niyang tanong.

"Nag-aaral? Bakit?"

"Sobra naman ata yang ginagawa mo."-sabi pa ni henish at pilit na tinanggal yung libro sa kamay ko.

"Wag, ayoko."-pagpapalag ko sa pilit na pagtanggal ni henish ng libro sa mukha ko.

Hindi talaga ako magpapatalo noh. Malakas kaya yung mga ninuno namin.

"Tanggalin mo nga yang libro sa mukha mo. May sasabihin ako noh."-Henish

"Ano nga?"-tanong ko habang nakatakip pa rin yung libro sa mukha ko.

"Tanggalin mo nga muna yang libro sa mukha mo. Ang tigas naman ng ulo mo brad eh."-Henish

Tinanggal ko nalang yung libro kasi baka importante yung sasabihin nito.

"Ano na naman yung sasabihin mo? Siguraduhin mo lang na importante yan brad ah."-pagalit kong sabi sa kanya.

Hindi siya umimik at ngiti lang ng ngiti. Parang kinikiliti ata to ng anghel niya. Suntukin ko kaya ung mukha nito para matauhan. Ano kayang nangyayare sa taong ito?

"Hoy brad, ano yung sasabihin mo?"

Hindi pa rin siya nagsasalita kaya inalog-alog ko nang maigi. Kaya nung parang nag-iba yung mukha niya ay sigurado ako na bumalik na sa katinuan tong lalaki na toh.

"Ahy oo. Sabay tayo kumain mamaya ah. Sama na rin natin yung barkada nating si erik. Ok ba sayo yun andrew?"-Henish

"Ah...ganun bah. Oo naman, saan naman?"

"Syempre, doon sa canteen. Hahanap nalang tayo ng mauupuan mamaya."-Henish

"Ok."

Pagkatapos nang huling subject namin sa umaga ay masayang-masaya yung mga kaklase ko kasi nga nakatapos na naman sila ng isang subject.

"Grabe ka naman kanina andrew, halos ikaw nalang lahat yung sumasagot sa mga tanong ng prof. Iba ka talaga idol."-sabi nung isa naming kaklase.

"Idol talaga? Hindi naman noh."-maangmaangan ko pa.

"Oyyy, ang humble naman oh. Pero totoo, andrew ang galing mo kanina eh."-sabi pa nung isa pa naming kaklase.

"Ganyan talaga yan, barkada kaya namin toh. Gwapo na, matalino pa."-Erik

"Sige na nga, mabuti pang kumain na tayo andrew. Medyo nagugutom na kasi ako eh."-Henish

"Mabuti pa nga. Tara nah."

Bumili agad kami ng pagkain pagkarating namin sa canteen. At pumuwesto na sa isang bakanteng mesa na nasa pangatlong bilang sa harap ng nagbebenta.

Habang nakaupo kaming tatlo ay naaninag ko na naman yung lalaki na nakabanggaan ko kanina. Nasa pangatlong mesa siya sa harapan ko. Biglang naging hindi ako komportable  nang makita ko siya. Parang may hindi magandang mangyayari na naman.

"Ano na naman nangyayare sayo andrew ah. Parang nakakita ka ata ng multo."-Henish

Nahalata ko na sinundan ni henish kung saan ako nakatingin at parang nahulaan kaagad niya kung sino ang tinitingnan ko.

"Ahy siya ba? Si Liam Jack Phillips yan. Siya yung SSG President dito sa university. Mag-ingat ka diyan, medyo mahirap yang pakisamahan."-babalang bulong pa ni henish sa akin.

"Ganun bah."-sabi ko sabay tango bilang pagsang-ayon ko.

Kinain ko nalang yung pagkain na binili ko at sabay nakaw tingin Kay Liam ba yun. Sa tingin ko palang ay masamang tao na kaagad. Yung mga tingin kasi niya ay parang pumapatay ng tao eh.

Tumayo ako sa upuan ko at pumunta sa canteen para bumili ng maiinom. Hindi na rin ako nagpaalam sa barkada ko kasi ang lapit lang nito eh.

"Isang yellow milkshake po."

Nang naibigay na sa akin yung inorder ko ay nagbayad na ako at aalis na sana nang mapansin ko yung lalaki sa giliran ko.

"Yellow? What kind of taste you have?"-ngiti niyang tanong.

Akala niya ha hindi ko malalaman. Ang peke nung ngiti niya. Parang nandidiri nga siya dahil sa dilaw yung pinili kong kulay. Ano bang meron sa kulay? Ano naman ang masama eh paborito ko naman to ah.

Pagkabalik ko sa upuan ko ay nakasimangot na yung mukha ko dahil sa nakakabush*t na lalaking yun.

"Bakit nakasimangot ka na naman?"-Henish

"Ah wala to. Masakit lang tiyan ko."-palusot ko pa sa kanya.

"Gusto mo punta tayo sa clinic?"-Henish

"Hindi nah, magiging ok din to maya-maya."

"Sige, sabi mo eh."-Henish

Sana na henish magiging ok nga talaga ako. Pero parang mababadtrip yata ako eh. Ewan ko bah, hindi talaga mawalawala sa isipan ko yung nangyare kanina. Hahayst.



Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon