Lj's POV
Kinaumagahan ay nakita kong sabay na dumating sina henish at andrew. Medyo nakaramdam na naman ako ng kirot kahit na pinili ko na si rebecca dahil siya yung mas matimbang sa puso ko. Pero ano to, bakit nakakaramdam ako ng selos.
Naglalakad akong nakalaylay ang dalawang pisngi ko. Halatang selos na selos sa nakita ko kanina. Habang naglalakad ako sa labas ng campus ay may nakita akong isang bata na nagtitinda ng rosas. Nilapitan ko siya't tinanong.
"Magkano ba yan bata?"
"25 pesos po gwapong kuya." -sabi niya sabay ngiti sa akin.
Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya. Gwapong kuya talaga?
"Ok sige bibilhin ko yan at dahil sa tinawag mo akong gwapong kuya ay bibilhin ko yan ng 40 pesos. Pwede ba? "-alok ko pa sa kanya.
" Sige po gwapong kuya." -masayang sabi nito sa akin.
Binigay ko sa kanya yung bayad ko at ibibigay na sana niya yung rosas kaso may naisip ako at sinabi ko sa kanya yun.
"Pwede mo bang ibigay yan sa taong gusto ko?"
"Ha, sino po gwapong kuya? "-nagtatakang tanong nito.
" Ito oh. "-ipinakita ko naman sa kanya yung picture ni andrew sa cellphone ko.
"Siya po? Eh bakit lalaki po yan gwapong kuya? Bakla kaba gwapong kuya? "-nagtataka namang tanong nito.
" Oo siya. Lalaki siya pero pwede din namang magmahal. Hindi ako bakla kasi lalaki ako, sadyang lalaki lang din gusto ko. "-pagpapaliwanag ko pa sa bata pero litong-lito pa din ito. Sino ba namang bata ang makakaintindi sa akin. Sa tyansa ko ay nasa anim na taong gulang pa siya. Ewan ko nga ba kong bakit siya hindi pumapasok sa paaralan.
"Ok sige kuya. Ibibigay ko sa kanya, promise." -Bata
"Ok sige ha. Nag promise kana. Oh ito, bayad ko yan dahil sa mabait at masunurin ka. "-inilagay ko na yung bayad ko sa bulsa niya.
" Aalis na ako gwapong kuya. Salamat ah. "-Bata
Kumaway naman ako sa kanya at bumalik na ako sa loob. Wala naman akong gagawin pa dito sa labas at tsaka ang init dito baka matusta pa ako.
Pagkatanghali ay pumunta muna ako sa labas kasi may bibilhin ako nang makasalubong ko sina henish at yung mga kaibigan niya. Halatang may galit sa tingin ni henish at baka mapaaway ako nito. Apat sila lahat kabilang na si henish.
"Ikaw ba nagbigay ng bulaklak kay andrew?" -pabagsak nitong tanong sakin.
" Eh kung sabihin ko sayo na ako, gugulpihin niyo ba ako katulad nung ginawa mo sa grade 11 stem na si blueane?"
" Anong pinagsasabi mo diyan?"-maang maangan pa ng gagong henish.
" Alam ko na ikaw yung gumulpi dun kasi sinabi niya sa akin. Ginulpi mo siya dahil sa pinakialaman niya yung babaeng gusto mo. Gulat ka noh? Alam ko din na may natitipuhan kang babae. Tingnan lang natin kong ano nalang magiging reaksyon ni andrew pag narinig niya na yung boyfriend niya ay may kinakalantaring iba. Mabuti nalang no't hindi ka niya nahahalata. Ang galing mo ding tumiming eh. Ikaw na ang the best time management."
" Satsat ka ng satsat. Para kang babae. Tingnan lang natin kong may maisasabi kapa kay andrew kapag nagulpi kana namin. Oo tama yun lahat ng mga sinabi mo. Eh ano naman kong ganun ha, nagseselos kalang kasi tanging si rebecca lang ang nagkakagusto sayo."-maangas nitong sabi sa akin at sobrang galit na talaga siya basi sa mukha niyang mukhang tukmol.
"Mabuti nalang at na e record ko mga sinabi ko. "
"Ganun ba. Hawakan niyo yan."-utos pa ni henish sa mga barkada niya.
Hinawakan naman nila ako't hindi na ako nakagalaw. Nilapitan ako ni henish at hinawakan niya ang mukha ko at pinisil ito ng malakas.
"Ikaw...ok na sana tayo pero epal ka kasi ng epal sa amin kaya pasensya na sa gagawin ko sayo."-sabi pa nito at hawak pa din mukha ko.
Binitawan na niya yung mukha ko at kinuha naman niya yung cellphone ko at itinaas niya tapos ay binitawan niya.
"Ops...sorry. Nabitawan ko." -Henish
Gago, alam kong sinadya niya yun. Sinadya niyang bitawan yun para masira at para hindi ko na maipakita kay andrew yung na record ko.
Sinimulan na nila akong bugbugin at tanging ungol lang ang nagawa ko dahil sa sakit ng mga suntok nila. Hindi din naman ako makakalaban kasi may nakahawak sa aking dalawang kamay. Dumudugo na ang bibig ko at mukha ko dahil sa suntok na natamo ko pero hindi pa din sila tumigil sa pagsuntok sa akin.
Nang mapansin nilang natutumba na ako ay binuhat nila ako at itinapon sa basurahan sa likod ng paaralan. Dahil na din sa konting hangin lang ang nalalanghap ko dahil sa isinara nila ang basurahan ay dumilim na ang paningin ko at tuluyan na akong nahimatay. Parang mamatay na siguro ako nito.
Writer's POV
Binugbog nina henish at mga barkada niya sa likod ng paaralan kaya't walang nakarinig at nakakita sa lahat ng mga pangyayare. Hindi din nila nasira lahat ng magiging ebedensiya ni lj kasi may camera pa siyang tinago. Alam na kasi niya na mangyayare yun kaya pinaghandaan na niya. Ang wierd no pero yun talaga ginawa niya. Sa maniwala kayo't hindi ay kilalang-kilala na ni lj si henish na nambobugbog ito ng tao kapag may nanggalaw sa mga mahal niyang tao.
Hindi din makaklabas si lj sa basurahan kasi enilock nila ito bago sila umalis. Pero maniwala kayo, makakaalis siya diyan sa tulong ng isang taong malapit lang sa kanya. Yung taong hindi siya malilimutan kasi miss siya. Ay mali, yung taong malapit lang pala sa kanya.
Meron pang magbabago sa buhay ni lj. Mas magiging masaya pa siya. Hindi man lahat nangyayare sa iisang taon pero mangyayare naman yun sa tamang panahon. Konti nalang ang maliligayang araw ng isang tao na masama ang ugali, nagbago dahil sa taong hindi naman niya nais maging kauri. Walang kwenta ang buhay pag ginamit mo ito sa mga masasamang bagay. Try to change for the better kong nakakabuti naman ito sa mga nakapaligid sayo.
Magiging masaya pa ang buhay pag ibig ng dalawang nag-iibigan. Si blueane na grade 11 stem ay binugbog dahil sa paglapit niya sa natitipuhang babae ni henish. Lumapit lang naman si blueane dahil sa nagpapaturo yung babae sa math subject nila. Iba kasi yung iniisip agad ni henish. Pero ok na yun, past is past diba.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Ficção AdolescenteSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...