Chapter 18

2 1 0
                                    

Andrew's POV

"So, anong gagawin natin ngayon?"-tanong ko pa dahil kanina pa kami nakaupo at bagot na bagot na ako.

Mabuti sana na nakaupo ako ngayon sa upuan ko sa room kasi hindi pa ako mababagot.

"Gala tayo?"-Henish

"Pero may major subject pa tayo at may practice pa ako ng badminton. Ikaw ba, wala ba kayong practice?"

"Uhmmm...oo nga, meron din kaming practice ng basketball sa gym mamayang hapon. Mabuti nalang at pinaalala mo."-Henish

"Yan tayo eh! Kung hindi ko pa tinanong hindi mo pa maaalala."

"Pero mamaya pa yun brad, gala muna tayo."-Henish

"Wag nalang brad. Sa library nalang tayo."

"Library? Na naman. Samahan mo naman ako brad. Hindi naman palagi to eh at tsaka hindi naman tayo magtatagal."-Henish

"Pero balik kaagad tayo ha."

"Oo naman tol. Promise."-sabi niya sabay taas ng kaliwa niyang kamay.

"Siguraduhin mo lang talaga na babalik kaagad kundi magagalit talaga ako sayo."-babala ko pa sa kanya.

Lumabas na kami ng campus gamit ang motorsiklo ni henish.

"Nagmamadali ka ba?"-tanong ko pa.

Parang nagmamadali kasi siya sa bilis ba naman ng pagpapatakbo niya sa motorsiklo.

"Hindi naman. Sabi mo kasi na balik kaagad at diba sabi ko din na hindi tayo magtatagal diba?"-Henish

"Hindi nga talaga tayo magtatagal nito kapag nadisgrasya ka kasi deritso patay na kaagad. Hinaan mo nga pagpapatakbo mo."-request ko pa.

Sinunod naman niya yung utos ko at yun hindi na masyadong malakas. Nakaabot naman kami sa mall ng ligtas.

"So, san tayo?"-Henish

"Ako pa talaga tinanong mo niyan ha. Eh inimbita mo nga lang ako eh. Ikaw na bahala kong saan mo gustong pumunta basta sasama ako."

"Sa lodging house gusto mo?"-pangiti pa nitong tanong sa akin.

"Lodgingin mo mukha mo."-sabay batok ko sa kanya.

Sige nah, san na tayo?"-tanong ko pa.

"Alam mo, may alam akong restaurant dito na masarap yung halo-halo niya. Sama ka?"-Henish

"Sige bah, basta libre mo.

"Oo naman. Tara."-Henish

Sinundan ko nalang siya kong saan siya papunta. Hindi naman siya masyadong malayo sa kinatatayuan namin kanina kaya hindi naman nakakapagod. Umupo na kaagad ako tas siya naman ay nag-order na. Habang nasa counter siya ay biglang tumunog phone ko, may message ata. Tiningnan ko at binasa.

Nasaan ka ngayon drew, pwede ba kitang sunduin?        
-Lj

Nireplyan ko naman kaagad ito.

Hindi na muna lj, busy pa kasi ako at tsaka magkasama naman kami ng brad ko.        
-sent

Nagreply naman kaagad siya.

Ah ok drew, sige ingat ka.
-Lj

Eni-off kuna kaagad phone ko kasi paparating na si henish baka magtaka pa siya kung sino ka text ko.

"Ito na brad oh. Tikman mo to, masarap to."-sabay abot pa nito sa akin ng halo-halo at umupo na din siya pagkatanggap ko.

"Mmmm...masarap nga to brad."-pagpuri ko pa matapos kong natikman ito.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon