Chapter 26

1 1 0
                                        

Lj's POV

Nandito na ako ngayon sa condo ng kaibigan kong si drake. Nagkwentuhan kami tungkol sa akin, nahalata kasi niya na may problema ako kaya ayun napilitan akong sabihin sa kanya yung totoo.

"Tol, nag-away kasi kami ng jowa ko."

"Bakit naman tol?" -Drake

"Kanina kasi tol ay wala talaga ako sa mood makipag-usap dahil sa inaalala ko nga si andrew pero pinipilit niya akong makipag-usap sa kanya kaya ayun nasigawan ko siya't sinampal naman niya ako. "-pagkekwento ko pa.

" Tol, kong may problema ka kay andrew kay andrew lang yun huwag mo nang idamay jowa mo kasi alam mo, nasasaktan mo na siya. Kailangan mong piliin kong kanino ka magfofocus bawal kasi dalawahan tol. May masasaktan at masasaktan ka. "-payo pa nito.

" Pano naman ako pipili eh gusto ko silang dalawa."-sabay kunot ng noo ko.

"Tol, alam mong may mas matimbang sa kanila. Kung sino yun ay siya yung piliin mo. Pag-isipan mo yang mabuti tol. Piliin mo yung mas matimbang, yun bang napapasaya ka kapag lage mo siyang nakikita o di kaya'y kasama mo siya. "-seryoso nitong pagpapayo sa akin.

" Sige tol. Salamat, maaasahan ka talaga kapag lovelife na ang pag-uusapan."

" Maaasahan naman ako kahit saan tol. Hindi lang sa lovelife kundi sa iilang mga bagay din."-Drake

Andrew's POV

Nagising ako mga bandang alas sais ng gabi. Napasarap yata pagtulog ko. Bumangon naman kaagad ako para magmumog. Ako lang pala isa dito sa bahay, ang tahimik kasi at hindi ko din sila nakikita dito sa loob ng bahay. Umupo nalang ako sa balkonahi at siya namang pagdating ni andy.

"Nagising kana pala kuya. Ano, kumusta tulog mo?" -tanong pa nito habang papasok na sa bahay.

" Ok naman andy. Nasaan pala si mama?" -walang-gana kong tanong sa kanya dahil sa kakagising ko lang.

"Nandun sa kabila. Kila manang senia." -sabi naman nito habang may hinahalukat sa kahon.

" Ganun bah. Ano pala yang hinahanap mo?"

"Hinahanap ko kasi yung susi para sa kwarto ko. "-Andy

" Wala diyan. Nandun nakalagay sa mesa ng kusina. "

" Ok, salamat kuya. "-at tinungo niya kaagad yung mesa sa kusina at binuksan naman niya kwarto niya at pumasok sabay sirado nito.

Mabuti pa sigurong puntahan ko si mama dun kila manang senia. Naglakad na ako papunta dun sabay lingon-lingon sa paligid. May nag-iba din kasi dito. Yung mga bahay kasi sementado na halos lahat. Na miss ko din dito yung mga tawanan namin ng mga kaibigan ko pero sa mgayon ay hindi ko mababalikan kasi katulad ko din ay hindi na din sila dito natutulog dahil kumuha na sila ng condominium.

"Ma!" -malakas kong tawag sa kanya na ikinalingon naman niya.

"Oi andrew, may kailangan kaba?" -Mama

"Wala ma. Gusto ko lang puntahan ka. "-sambit ko habang papasok na sa bahay ni manang senia.

" Lus. "-tawag pa ni manang senia.

" Ano po yun nay?" -Luscia

"Asikasuhin mo nga tong kababata mo. Nag-uusap pa kasi kami dito ni leny. "-utos pa ni manang senia.

Luscia yung nag-iisang anak ni manang senia at kababata ko siya. Parehas lang din yung edad namin, mataas lang ako sa kanya. Malusog na babae si luscia dahil sa alagang-alaga siya ng mga magulang niya. Leny naman pangalan ng pinakamaganda kong mama. Ang trabaho naman niya ay tagaluto siya sa isang restaurant malapit lang dito sa bahay nina manang senia. Masarap talaga magluto mama ko. Nasa construction site naman si papa, siya kasi yung parang assistant daw ng tagapamahala. Ewan ko bah, hehehhe...

"Pasok kana muna dito sa loob drew, wag ka diyan sa sala." -alok naman niya at pumasok naman ako.

" Ang ganda mo na ngayon lus ah." -mangha kong sabi sa kanya sabay upo sa sofa.

"Aysus. Alam mo wala ka pa ding  pinagbago, bolero ka pa din."-Luscia

" Hindi ah. Totoo kaya sinabi ko."

"Ok salamat. Baka may gf kana siguro dun noh?" -Luscia

" Gf? Wala eh."-sabay kamot ko sa ulo ko.

" Grabe naman. Ka gwapo mong lalaki."-Luscia

" Ha... P.. e... "-hindi na ako nakatapos bagkos ay inunahan na niya ako.

"Wag kanang umangal, totoo naman ah. Ang dami ngang nagpaparamdam sayo noon nun grade ten tayo. "-Luscia

" Marami talaga? Mga multo kaya yun. "-biro ko pa.

" Multo? Hindi na mga mabilang yung mga nahuhumaling sayo nun eh. "-Luscia

" Siguro? Pero maiba tayo, bakit may mga bisexual na nagsilabasan ngayon lus? "

" Noon pa yang mga bisexual kaso nga lang hindi pa masyadong tanggap noon pero ngayon medyo tanggap-tanggap na ng karamihan. Sila yung na-aattract sa lalaki at babae na kasarian. "-Luscia

" May nagkagusto naba sayo na bisexual? "-tanong ko pa na ikinangiti niya.

" Wag mo sabihing.... "-sabay turo nito sa akin na alam na ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

" Oo, may nagkagusto kasi sakin pero hindi ko alam kong anong gagawin ko." -malungkot kong kwento sa kanya.

" Drew, wala namang mawawala sayo kong pagbibigyan mo sila na mahalin ka. Hindi mo pa feel ngayon na mahalin mo sila pero sa pagkatagal niyan ay magkakagusto ka din sa kanila. "-Luscia

" Pero natatakot ako sa mga magiging husga ng ibang tao."

" Drew, makakaya niyong harapin yan kapag nagtutulungan kayo o di kaya'y makakaya niyo yan dahil ipinakita niyo na kaya niyo at walang sinuman ang makakapaghiwalay sa inyong dalawa."-Luscia

Natahimik nalang ako pagkatapos niyang sabihin yun. Siguro nga dapat na pagbigyan ko sila. Tama naman si luscia at si andy, walang mawawala sa akin. Susubukan ko ding mahalin sila katulad ng pagmamahal nila sa akin. Ngayon, sigurado na ako na ok nah. Hindi ako napipilitan bagkos ay nasa tamang katinuan na ako upang maging ok na kami.

"Salamat talaga lus ha. Salamat sa mga payo mo na yung iba ay hindi ko masyadong naiintindihan pero gets ko naman yung iba."-pagbibiro ko pa sa kanya na ikinagulat niya.

"Grabe naman oh. Ginawa ko na nga yung best ko para mag-advice sayo tas yan pa sasabihin mo."-naglulungkot-lungkutan nitong sambit.

" Ahy, best na pala yun?"-pang-aasar ko naman sa kanya.

"Ikaw talaga andrew oh." -Luscia

"Hindi...nagbibiro lang. Ang totoo ay salamat talaga sa mga payo mo."

"Walang-anuman. "-Luscia

Umuwi naman ako ng makaramdam ako ng gutom. Ako nalang mag-isang umuwi kasi iniwan na ako ni mama. Hindi man nga lang siya nagpaalam sa akin kanina. Mamaya lang siya pagka-uwi ko,hmmm....

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon