Henish's POV
11:40 am nandito ako ngayon sa tambayan namin noon ni eric. Hindi ko pa pala nasabi sa inyo na lumipat na siya ng paaralan. Lumipat siya sa isang public school doon malapit sa pinagtatrabahuhan ng mga parents niya. Hindi ko rin kasama si andrew ngayon kasi may ginagawa siya, hindi ko rin alam kung ano yun at wala akong balak na alamin yun. Baka siguro sa tingin niyo na nagagalit ako kay andrew, mali kayo...ayaw ko lang talaga lumapit sa kanya ngayon.
"Henish...andiyan ka lang pala."
Agad kong nilingon ang tumawag sa akin. Si andrew pala, naghihingalong tumatakbo patungo sa kinaruruunan ko.
"Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."-hingal nitong sabi.
"Eh bakit naman? Diba busy ka nga sa bago mo?"
"Ha? Anong pinagsasabi mong bago? Busy nga ako diba kasi may ipinagawa sa akin yung professor natin."-Andrew
"Ewan ko sayo."
Agad akong naglakad papalayo sa kanya at...
"Alam mo henish, nag-iba ka. Ano bang problema mo? Ang laki na ng pinagbago mo."-pahabol pa nitong sigaw sa akin.
Huminto ako saglit at naglakad na papalayo sa kanya. Hindi ko muna siya lalapitan kasi wala naman siyang paki sa luma niyang kaibigan. Ganyan talaga siguro noh, kapag may bago kana ay kakalimutan mo yung luma kasi luma na nga diba. Patapon nalang.
Hindi na ako pumasok kinahapunan bagkos ay namalagi nalang ako sa condo ni drake. Gabi pa kasi yung klase niya. Gusto ko nga sanang mag night shift rin eh. Kakausapin ko nalang siguro yung president ng university para mapagbigyan yung kahilingan ko.
"Bakit hindi ka nga pala pumasok tol?"-Drake
"Wala kasi ako sa mood pumasok ng paaralan tol eh."
"Akala ko ba may gusto ka, e bakit parang ang lungkot mo?"-Drake
"Ah wala to tol, wala nga ako sa mood diba."
"Ok tol. Ano pala gagawin mo dito?"-Drake
"Wala naman, gusto ko lang na dito mamalagi sa condo mo."
"Ikaw bahala tol, bakit hindi ka nalang mamalagi sa condo mo tol?"-Drake
"Wala nga akoang makausap dun tol. Kaya sobrang tahimik doon sa condo ko."
"Oo nga noh. Kung gusto mong maglaro tol, nandiyan yung mga CD's sa ibaba ng DVD. Gagawin ko lang takdang aralin ko."-sigaw pa niya.
"Ok sige tol."
Nag open nalang ako nang facebook ko kasi ichachat ko nalang si erik kung ano na ginagawa nila.
"Erik,ano na ginagawa niyo diyan?"
Na seen na niya at nag type agad siya.
"Ito henish, nag ooral yung prof natin. Asan kana ba?"-Erik
Binasa ko na ito at nag type na rin kaagad.
"Basta tol, ok lang ako dito. Sige tol, pagbutihan mo diyan ha."
"Kanina ka pa pala hinahanap ni drew tol. Kinukulit nga ako eh."-Erik
"Sige na tol. Out na ako, mag-out ka na rin kasi baka mahalata ka ng prof diyan at makuha pa yang cellphone mo."
Eni out ko na nga yung account ko. Pilyo rin kasi tong si erik kasi habang naglelecture yung prof namin ay nagcecellphone siya. Hindi rin naman siya nabibisto kasi nga sabi pa niya sa akin na "Pro kaya to tol". Diba?
Pinuntahan ko si drake sa kwarto niya para makipag-usap. Sakto namang natapos na siya sa mga takdang-aralin niya.
"Tol, anong oras ka pala papasok?"
"Mamayang mga five pm, bakit?"-Drake
"Sasabay sana ako sayo tol kasi ishishift ko yung schedule ko. Gusto ko na sa gabi na rin ako papasok."
"Ok sige tol. Matanong ko lang tol, Sino ba yung taong inlove na inlove ka?"-Drake
"Ah wala tol, hindi na kailangan pang malaman mo kasi wala na."
"Gusto kong malaman tol at tsaka magkaibigan naman tayo diba kaya ok lang tol."-Drake
"Sasabihin ko sayo tol pero sana ay wag kang mabibigla at wag ka ring magagalit sa akin tol ha?"
"Bakit naman ako magagalit tol eh nagtatanong nga lang ako sa iyo."-Drake
"Si Andrew Dixon tol."-mahiya-hiya kong sabi kay drake
"Ano? Lalaki gusto mo tol?-mabigla nitong tanong sa akin.
"Oo tol. Hindi naman sa bakla ako pero magaan kasi loob ko sa kanya. Ok lang ba tol?"
"Oo naman tol, support kita diyan. Sino pala yang andrew na yan tol? Ngayon ko palang kasi narinig ang pangalan na yan."-Drake
"Salamat sa support tol. Kaibigan ko siya, grade 11 Humss din siya at magkakaklase kami."-Paliwanag ko pa.
"Ah ganun ba tol. Bakit ka nga pala magshishift, gabi na din ba yung schedule ng andrew na yun?-Drake
"Sa umaga yung schedule niya tol."
"Sa umaga naman pala eh bakit magshishift ka?"-Drake
"Wala lang, gusto ko lang tol. Bakit, bawal ba?"
"Hindi naman pero sigurado ako na may nangyari na hindi maganda. Ano yun tol?-Drake
"Wala...may nakilala kasi siya. Grade 12 Humss, si Mr pres."
"So ano naman yung dahilan. Siguro, nagseselos ka noh? Ahyiiieee...nagseselos na kaibigan ko. Ahahahha"-Drake
"Hindi kaya ako nagseselos."-inis kung sambit sa kanya.
"Ahyiiieee...ok lang yan tol. Ganyan talaga pag inlove ka. Kaya tol, kung ako sayo at wag ka nalang magshishift ng schedule mo para naman mabantayan mo yang andrew mo. Bahala ka, baka maagaw yan sayo ni Mr pres. Patunayan mo sa kanya tol na Mahal mo siya. Ganyan ka ba magmahal, iniiwasan mo yung taong gusto mo. Ang labo mo naman tol."-payo nito sa akin.
"Pero tol...."hindi na niya ako pinatapos.
"Wala nang pero-pero, wag ka nang magshishift at patunayan mo sa kanya na mahal mo siya. Wag ka ngang torpe tol. Akala ko ba na hindi ka bakla eh parang nababakla ka yata. Wag ka ring matatakutin."-Drake
"Ok sige tol."-mahiya hiya kong sambit sa kanya.
Nahihiya tuloy ako sa mga sinabi sa akin ni drake. Parang natamaan yata ako sa lahat ng mga sinabi niya sa akin. Mahirap mang aminin pero totoo talaga na natatakot ako na malaman ng kaibigan ko na gusto ko siya. Napakahirap kayang magsabi nun lalong-lalo na sa kaibigan ko pa talaga. Pero susundin ko yung mga payo sa akin ni drake. Mabuti talaga siya sa mga payo-payo kaya susundin ko yun.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Roman pour AdolescentsSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...