Lj's POV
Napakasaya ng araw ko ngayon kasi inasar ko na naman yung lalaking nakabanggaan ko kahapon. Tinakot ko siya kaninang madaling araw.
"Beh, bili tayo sa canteen. Nagugutom na ako eh."-lambing ng jowa ko sa akin.
"Sige bhe. Tara."
Nang makarating na kami sa canteen ay agad siyang nag-order ng kakainin niya at ako naman ay dumiretso na sa mesa. Hindi ata siya nakapag-umagahan kaya siguro siya nagugutom. Maganda naman talaga yung jowa ko. Malambing siya at mahal na mahal ako nun.
"Uy bhe, hindi kaba kakain?"-Rebecca
"Hindi na bhe, busog pa ako eh. Kain ka nalang diyan. Pakabusog ka ah."-lambing kong sabi sa kanya.
"Ok bhe."-Rebecca
Pagkatapos niyang kumain ay inihatid ko na siya sa kanyang room. Grade 11 pa kasi siya eh. At ABM yung strand niya. Magaling kasi to sa math eh. Grade 12 na ako ngayon at humss naman yung strand ko. Humss A yung room ko. Kumbaga, madadaanan ko lang yung room ng grade 11 Humss.
Papunta na ako ngayon sa room ko, nag short cut na ako kasi medyo malayo pa kapag dumaan pa ako sa room ng 11 Humss A. Ako rin yung SSG President sa taon na ito. May sabi-sabi na istrikto daw ako pero hindi naman talaga. Sadyang ayaw ko lang talaga sa mga taong papansin.
Andrew's POV
Pagka-lunch ay dahil sa nangako ako Kay henish na sabay kami kakain pagka-lunch time ay hinintay ko siya sa labas ng room. Alam niyo kung bakit? Hindi lang naman siya naka oral kaya ayun, pilit siyang pina-oral ng Prof namin kasi kapag hindi ka nag-oral ay hindi ka rin makakalabas.
Magsasampung minuto na akong naghihintay dito sa labas pero wala pa rin siya. Dumaan pa ang sampung minuto bago siya lumabas sa room. Kanina pa nga ako nababagot dahil sa kakaantay sa kanya sa labas.
"Bakit ang tagal mo naman?"-salubong kong tanong sa kanya.
"Si Prof kasi eh, hindi siya nacoconvince sa mga sagot ko. Kaya ayun, tumagal."-paliwanag pa niya.
"Tara na, kumain na tayo kasi kanina pa ako nagugutom."-pag-aanyaya ko sa kanya.
"Ok Tara. Teka lang, nasaan na pala si erik?"-tanong niya pa habang tumitingin sa paligid.
"Baka nauna na yun. Hindi ka pa sanay."-sagot ko naman sa kanya.
Second day pa nga lang ay ipinakita na agad ni erik na hindi siya maaasahan sa isang bagay na ipinangako niya sa isang tao. Well, kasalanan ko rin naman kasi ang totoo ay hindi ko naman talaga siya sinabihan na sabay kami kakain pagka-lunch time. Pero kung may common sense siya ay dapat hinintay niya kami noh kasi kaibigan niya kami.
Nang makahanap na kami ng pwesto ni henish sa canteen ay agad na siyang nag-order ng makakain sa canteen. Hindi na niya ako pinasama kasi siya na daw bahala. Pero dahil sa medyo may pagkatigas tong ulo ko ay pinuntahan ko siya at tinulungan. Alangan naman na pabayaan ko lang siya. Hindi naman ata tama yun.
Pagkalapag ng mga pagkaing nabili ni henish sa mesa ay umupo na siya sa harapan ko. Hindi literal na sa harapan ah.
"Nasaan na kaya yun si erik noh?"-alalang tanong ni henish.
"Baka may pinuntahan lang na importante yun."-kompyansang sagot ko.
"Siguro nga noh. Sige na, Kain na tayo"-pagyaya niya.
"Mabuti pa nga."
Writer's POV
Sa totoo lang, hindi dapat yun yung sinabi ni henish kay andrew. Kain lang dapat kasi walang sila. At hindi magiging sila. Dapat ganito pagksabi niya oh,"Kain na andrew." Ganun dapat diba? Hahahahaha...
Andrew's POV
Habang kumakain ay nakita ko sa katabi ng table namin na yung nakaupo doon ay napapansin kong kanina pa tingin ng tingin sa akin. Sinulyapan ko kung sino, baka kasi kilala ko. At nang masulyapan ko na ay isa lang palang babae na hindi ko kilala. Lumapit ito sa akin nung mahalata niyang tiningnan ko siya.
"Hi, I'm Lina Fortress. And you are...?"
"I'm Andrew Dixon. Nice to meet you."
Inabot ko yung kamay ko at inabot naman niya. Kinuha pa nga niya yung pagkain niya tapos ay tumabi sa aking kinauupuan. Medyo naiilang nga ako pero fight fight lang. Kaya toh.
"So, grade 11 Humss ka diba?"-tanong pa nito habang kumakain ako.
Pa epal oh, hindi ba halata o sadyang nagtatanong lang to para mapansin ko siya.
"Oo grade 11 Humss ako. Ikaw bah?"
"Grade 11 din ako pero stem yung strand na kinuha ko."-sagot nito habang may pangiti pang nalalaman. Nagpapacute ata.
Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam muna ako sa kanilang dalawa na mag babanyo muna ako kasi naiihi ako eh.
Dali-dali akong nagpunta sa banyo kasi medyo hindi na talaga kaya ng pantog ko eh. Pagkatapos kung umihi ay naghugas muna ako ng kamay and guess what, nakasabay ko naman sa paghuhugas ng kamay ko si Mr. Sungit. Minadali ko ang paghuhugas ng kamay ko. Nang matapos ay lalakad na sana ako papalabas ng banyo ng magsalita siya.
" Hi?"-patanong niyang pagbati.
"Hello?"-ganti ko sa tanong niya. Syempre, para patas.
Hahakbang na Sana ulit ako ng magsalita na naman siya. Hindi ba siya marunong magsalita ng straight to the point.
"Pwede ka bang maisturbo saglit?"-Mr. Sungit.
"Oo naman, bakit?"
Subukan lang talaga niyang e good time ako kundi makakatikim talaga sa akin toh.
"Ano nga pala ang pangalan mo?"-Mr. Sungit
Nagtanong pa talaga kung ano ang pangalan ko. Sasagutin ko kaya to? Syempre oo, hindi naman ako masungit na tao.
"Ako si Andrew Dixon, ikaw?"-tanong ko sa sagot niya.
"Ako naman si Liam Jack Phillips, you can call me Lj for short. Nice to meet you bro."-sabi pa nito sabay abot ng kanyang kanang kamay.
Inabot ko naman ito at nagkamayan kami. Sana lang talaga ay hindi ako ginogood time ng taong ito. Bigla nalang kasing naging mabuti sa akin. Nakakapanibago lang kasi nung una ko palang dito ay inaasar na kaagad ako.
"So bro, magkaibigan na tayo ah."-LJ
"Oo naman."-pilit kung ngiti sa kanya.
Lumabas na ako sa banyo at bumalik na sa kinauupuan ko. Tiningnan ko si Lj at ang loko-loko ay nagpacute pa bago umupo sa kanyang upuan. Napangiti naman ako sa ginawa niya.
"Ang cute mo ata pag naka ngiti ka ah. Sino ba yang tinitingnan mo?"- Henish
"Wala... May naalala lang ako."-palusot ko sa kanya.
"Ahh ok. Sige na nga kain kana."-Henish
Hindi naman sa naghihinala ako sa bago kung nakilala na si Lj pero sadyang iba yung kutob ko sa pakikipagkaibigan niya sa akin. Kailangang magmatsyag muna ako sa kanya o di kaya'y kilalanin ko pa siya ng maigi. Hindi kasi ako madaling nagtitiwala sa mga tao na kagalit ko noon at gusto nang makipagkaibigan sa akin ngayon.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Fiksi RemajaSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...