Andrew's POV
"Wait lang." -sabi ko sa kanya at tinakpan yung bibig niya at tumigil naman siya. Halata na kasi na hahalik siya sa akin.
"Ang daya mo naman mol." -inis nitong sambit at umalis na sa pagkakapatong sa akin.
"Hindi kaya ako madaya." -hinalikan ko nalang siya sa pisngi para hindi siya mainis.
"Oh ayan na kiss mo. Matulog kana diyan, bawal pa yung gusto mo. Sa susunod na yun. "-tumalikod naman ako sa kanya.
" Salamat mol. "-Henish
Nakita ko pa siyang ngumiti at niyakap naman niya ako galing sa likuran.
Kinabukasan habang naghahanda na kami pumasok ay bigla nalang may nangyare.
"Mol tama na!" -pilit kong tulak sa kanya ng hindi ko nagustuhan ginagawa niya sa akin.
Hinahalik-halikan niya ako sa leeg at mukha ko habang nasa banyo pa kaming dalawa. Hindi ko naman siya maitulak kasi mas malakas siya sa akin.
Hindi ko na ededetalye yung mga nangyare.
Natapos nalang siya ng napagod na siya. Hindi naman talaga niya ako ginalaw na yung over na talaga. Hinalikan niya lang yung mukha ko at leeg ko. Lumabas na ako sa banyo para makabihis na. Mamaya ko nalang siya papagalitan. Nang matapos na ako ay nagsimula na akong magsalita para pagalitan siya.
"Bakit mo ba ginawa yun kanina mol?" -pagalit kong tanong sa kanya at binigyan naman niya ako ng ngiti.
" Wag mo nga akong ngitian ng ganyan, sagutin mo tanong ko." -sigaw ko.
"Sorry na mol, hindi ko lang talaga mapigilan sarili ko kanina." -malungkot niyang paliwanag.
"Basta sa susunod..."-hindi na ako nakatapos sa pagsasalita kasi sumingit kaagad siya.
" Ayaw mo ba?"-panguso siyang tanong sa akin.
"Hindi mo kasi ako pinatapos kanina na magsalita sabi ko, basta sa susunod kong gagawa ka ng ganun ay sabihin mo, hindi yung dederitso ka na hahalik sa akin kasi nabibigla ako."-paliwanag ko sa kanya at kinuha na ang bag ko.
"Sige, pwede ngayon?" -pacute niya namang tanong sa akin at dahan-dahang lumapit sa akin.
"Wait." -tinakpan ko kaagad bibig niya.
"Mabuti pang pumasok na tayo kasi malalate na tayo oh. "-tinuro ko naman yung orasan.
Kinuha nalang niya yung bag niya at siya na nagsirado sa kwarto. Nang makarating na kami sa paaralan ay hahawak sana siya sa kamay ko habang naglalakad kami pero hindi ako nagpahawak kasi nakakailang at nakakahiya kong may makakakita sa amin.
"Bro!" -sigaw na galing sa aming likuran at nilingon ko nang malaman kong tinig yun ni lj.
"Eyy." -tipid kong sabi sa kanya. Medyo nahihiya pa kasi ako sa nagawa ko sa kanya.
"Naka-uwi kana pala, kelan lang?" -tanong pa nito at lumapit ng kaunti sa amin.
" Kahapon lang. "-pagtitipid ko pa.
" So kumusta na, kayo na ba? "-Lj
" Uhmmm oo kaya pwede bang mauna na kami kasi baka malate pa kami. Tara na. "-singit naman ni henish at hinila kaagad ako.
"Bye." -sigaw ko kay lj habang sumusunod na ako kay henish.
"Galit kaba kay lj mol?" -naghihingalo kong tanong sa kanya dahil sa napakabilis kong pagsunod sa kanya.
"Hindi naman. Basta ayaw ko lang na lalapit ka o di kaya'y makikipag-usap ka sa kanya mol. "-Henish
" Ahh ok. "
Lunch time nang iwanan ako ni henish sa silid dahil sa bibili daw siya ng makakain namin. Sabi ko sa kanya na sa canteen nalang pero ayaw niya kaya ayun sa restaurant talaga siya bumili ng makakain. Nag up and down scrolling nalang ako sa fb account ko kasi nga dahil sa loyal ako ay wala akong halos ka chat. Tanging siya lang, mga gc at mga kaklase ko, ang boring ng account ko noh.
"Para sayo bro." -sabi ni lj na inaabot sa akin ang paborito kong milktea.
"Para sa akin?" -sabi ko sabay turo sa sarili ko.
" Oo, bakit ayaw mo? "-Lj
Tinanggap ko nalang kasi wala pang laman talaga yung tiyan ko.
"So kayo na pala. Kelan lang?" -tanong nito at tinabihan ako sa upuan.
"Kahapon lang din. Pagkadating na pagkadating ko." -sagot ko naman habang kinakagat yung tapioca balls.
" Ok ba tayo bro?" -Lj
"Oo naman. Bakit hindi?"
"Parang napapansin ko kasi na lumalayo ka sa akin." -Lj
" Ok lang talaga tayo. Pero mas mabuti na lumayo ka sa akin kasi may girlfriend ka at ayaw ko na maghiwalay kayo at tsaka meron na din ako kaya fair na tayo. Salamat din pala sa bigay mo. "
" Hindi yun fair, mas mahal kita kesa kay rebecca. "-Lj
" Pero hindi tayo pwede. Sige na, paparating na daw si henish. Baka makita ka pa niya't mag-away pa kayo. "
Naglakad naman siya papalayo sa akin pero bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya sa mga sinabi ko.
Puntahan mo ako sa bahay, magpapaturo ako.
Lj
Basa ko sa text ni lj. Gusto niya pa din na ako magturo sa kanya.
"Sorry mol kasi natagalan. Ang haba kasi ng pila." -lumapit siya sa akin at umupo sa harapan.
"Sabi ko naman sayo na sa canteen nalang, ayaw mo pang makinig sa akin eh. "
" Oo na. Ako na mali pero kumain na tayo kasi kanina pa ako nagugutom. "-reklamo pa niya at binuksan Yung mga pagkaing binili niya. Masasarap lahat kasi amoy palang ulam na."Nagugutom na din ako kakahintay sayo eh." -reklamo ko din at kinuha na ang isang pack lunch.
"Gutom? Kumakain kana nga niyang binili mong milk tea." -Henish
" Ah hindi ako bumili nito. "-mabilis kong sambit sa kanya at sumubo na ako ng pagkain sa bibig ko.
"Eh sino?" -Henish
"Si lj. Ewan ko ba kong bakit niya ako binigyan nito. Dumaan kasi siya dito at nakita daw niya ako na nag-iisa kaya ayun binigay nalang niya yung isa pang milk tea sa akin. "-pagkekwento ko pa.
" Ganun ba. Tapon mo nalang yan, bibili nalang kita mamaya. "-Henish
" Naku, sayang naman to mol. Konti pa nga lang na inom ko nitong milk tea tas ipapatapon mo kaagad. "
" Basta itapon mo na lang yan. Ibibili nalang kita mamaya. "-sabi pa nito at kinuha na yung milk tea sa kamay ko at itinapon talaga niya sa basurahan. Hindi naman yun madumi eh.
"Mol naman eh. Hindi naman madumi yung milk tea." -panguso kong sabi sa kanya at tumigil ako sa pagkain.
" Kumain kana nga diyan mol. Ibibili nalang kitang bago pagkatapos nating kumain dito. "-Henish
" Ok sige na nga. "-bumalik naman agad ako sa aking pagkain. Baka magalit pa to.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Fiksi RemajaSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...