Henish's POV
Inihiga ko na siya sa kama niya ng dahan-dahan. Hinubad ko na yung damit niya at pantaloon niya. Short nalang ang isinuot ko sa kanya. Kahit na mahimbing siyang natutulog ay nagsasalita pa din ito. Sa mga sinabi niya ay meron akong narinig na medyo malinaw. Sabi niya na " Troy, hintayin mo naman ako." Sino kaya yung troy na sinasabi niya? Kaibigan niya siguro.
Habang himbing siyang natutulog ay parang may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko. Para bang gusto ko siyang halikan sa labi. Parang naaakit yung katawan ko. Lumapit ako ng maigi sa mukha niya. Isang dangkal nalang ang paggitan at maghahalikan na kami pero pinilit ko ang sarili ko na wag yun gawin dahil parang ginagawa ko itong pagkakataon kasi lasing siya. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinila at nagkahalikan kami. Mabilis lang yun kasi tumayo na kaagad ako. Lasing lang siya.
Kumuha nalang ako ng maligamgam na tubig at panyo para ipahid sa buo niyang katawan. Nang matapos na ako ay humiga na ako sa tabi niya pero nakaupo lang ako at inilapag yung ulo ko sa kama. Nakatulog na ako dahil sa pagod na yung katawan ko.
Andrew's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa bintana. Hindi ko siguro nasarado kagabi yung kurtina. Medyo masakit pa din yung ulo dahil siguro to kagabi. Uminom pala kami ng alak ni henish. Kumusta na kaya siya? Tatayo na sana ako ng biglang may naramdaman ako sa paanan ko nang makita ko kung ano yun ay naawa tuloy ako sa brad ko. Inihatid siguro ako nito kagabi at mukhang pagod na pagod siya dahil mahimbing itong nakatulog. Napansin ko din na nakahubad ako at nakashort lang. Tumayo na ako't pumunta sa banyo para maghilamos. Binalikan ko siya at nilagyan ko ng kumot katawan niya.
Lumabas na muna ako sa condo ko para bumili ng makakain. Ok na siguro yung may mainit-init na sabaw.
"Ano pong atin?"-tanong pa nong tindera.
"Isa po non oh (sabay turo sa gusto ko iorder). Dalawa din po nong tinolang manok. Tsaka, sampu nong lumpia po, isang mango juice at...(ano kaya yung paboritong inumin ni henish?) Isa nalang po ng grape juice."
"Ok sige. Hintayin mo nalang."-tindera
Madali lang ko namang nakuha yung mga inorder ko. Bumalik na kaagad ako sa condo ko at tulog pa din siya hanggang ngayon. Ipinatong ko na muna yung pinamili ko sa mesa kasi maliligo na muna ako. Minadali ko na din yung pagligo ko kasi papasok pa kami.
Ginising ko na siya pagkatapos kung maligo. At nakakatuwa lang kasi kahit na nakatayo na ito ay nakapikit pa din yung mga mata niya.
"Gumising kana brad. Maligo kana dun, papasok pa tayo."
Tumango lang siya at tumungo na sa banyo ng wala man lang tuwalyang dala.
"Brad!!!"-sigaw pa nito at lumapit kaagad ako sa kanya.
"Ano yun brad?"-nagmamadaling tanong ko.
"Pahingi nga ng tuwalya."-Henish
"Ba't hindi ka kasi nagdala ng tuwalya mo."-patawa ko pa.
"Nakalimutan ko eh."-sabi pa niya sabay ngiti.
Binigyan ko naman siya ng tuwalya at lumabas na din siya sa banyo. Kitang-kita sa katawan nito na maalaga siya sa sarili niya kasi maganda yung hubog ng katawan niya. Maputi din ito at walang kagalos-galos.
"Kain na."
"Ok sige."-Henish
Hindi na muna siya nagbihis at umupo na siya para kumain. Nagbihis na kaagad siya sa condo niya, wala kasi siyang damit doon sa condo ko. Sumama na din ako sa kanya sa condo niya.
Nagmadali pa kaming bumaba sa building kasi medyo malapit na magsimula yung unang subject namin.
"Sakay nah. Ano pang hinihintay mo?"-sigaw pa nito ng mahalata niya na nag-aabang ako ng masasakyan.
"Hindi na siguro brad. Sasakay nalang ako ng jeep."
"Naku brad, malelate ka lang niyan. Sakay kana, mamaya pa yung jeep."-pamimilit pa niya.
Dahil sa ayaw ko din namang ma late ay umaangkas na ako sa motor niya. Pinaandar naman niya ito kaagad ng makapwesto na ako.
Nakaabot naman kami sa unang subject namin. Habang nagtuturo yung prof ay hindi talaga maiwasang magdaldal itong si henish.
"Oi brad, sama ka sa akin mamaya ha. May pupuntahan tayo."-pabulong pa nito.
"Ewan ko sayo. Makinig ka nalang sa tinuturo ng prof. Madamay pa ako sa kagaguhan mo."-bulong ko pabalik sa kanya
"Brad naman eh. Sige nah.... please...."-sabi pa nito sabay hila sa damit ko.
"Brad naman eh. Nagkokonsentrate ako dito. Wag mo kong guluhin."-medyo pataas kung boses sa kanya.
"What's that noise all about?"-sigaw pa nong prof.
Tumahimik ang lahat at tumingin sila sa amin ni henish. Delikado toh, baka mapalabas kami.
"Ikaw kasi eh. Mapapalabas talaga tayo ngayon pag hindi kapa tatahimik diyan."-babala ko pa sa kanya.
"Hindi yan noh, hindi naman niya naririnig. Basta sumama ka sa akin mamaya ha."-mahina niyang sambit
"Oo nah kaya tumahimik kana diyan. Pwede?"-paki-usap ko pa.
"Ok sige. Sigurado na yan ha na sasama ka. Yes!"-hindi sinasadyang napalakas niya yung boses niya.
Yumuko naman ako kaagad para hindi ako mapansin nung prof.
"Mr. Drent and Mr. Dixon, if you will not listen to my class you may go out now."-pataas nitong boses.
"No ma'am."-sabay naming sabi.
Pero ang loko, ayaw pa talaga tumigil gusto pa talaga niya na mapalabas kami.
"Thank you brad ah. Napakabuti mo."-Henish
Hindi nalang ako umimik sa kanya dahil baka mapagalitan na naman kami.
"Brad naman eh, magsalita ka naman. Ang hirap kaya pag walang kausap. Hoy!"-pangungulit pa nito.
Hindi pa din ako nagsalita kasi nakaconcentrate lang ako sa tinuturo ng prof.
"Brad!"-hindi kalakasan niyang sabi.
"Naman eh, wag ka ngang makulit diyan brad. Ewan ko lang talaga pagpinalabas tayo dito."
Medyo napalakas ko yata yung boses ko kaya ayun, pinagalitan na naman ulit kami ng prof.
"The two of you(sabay turo sa amin). Mr. Drent and Mr. Dixon, you may go out now!"-pasigaw na nito sa amin.
Wala na akong nasabi bagkos ay lumabas na ako kasi baka magalit pa ng husto si prof. Hahayst, ito kasi talagang brad ko napakakulit. Sinabi na ngang oo, hindi pa din tumitigil sa pangungulit. Yan tuloy napalabas nalang kami.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Teen FictionSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...