Lj's POV
Mabuti nalang at napahinto ko kaagad pagtawag nung henish na yun. Alam na nga niyang nagpapaturo ako dito tapos mangdidisturbo siya sa amin. Hindi na tuloy naka-focus sa pagtuturo si andrew sa akin.
"Bro, snack na muna tayo. Break na muna kasi parang napapagod kana at pagod na din kasi ako."
"Sige bro."-sabi pa nito sabay kuha sa biskwet na nasa kanang bahagi ng mesa.
"Mahirap ba yung topic bro o mahirap ba akong turuan?"-pagtatanong ko pa.
"Hindi naman bro. Ang saya mo nganh turuan eh kasi madali kalang nakakakuha ng mga itinuturo ko sayo. Hindi din naman mahirap yung topic at tsaka parang upgraded version lang nito yung libro namin."-paliwanag pa niya.
"Ganun ba bro. Masaya naman ako kong ganun bro."-pangiti ko pa.
"Balik na tayo bro. Medyo hapon na kasi."-Andrew
"Ok lang yun bro. Pwede ka namang matulog dito. Mag overtime ka nalang."-alok ko sa kanya
"Naku bro, kailangan ko kasing bumalik sa condo ko kasi may sasabihin pa kasi si henish parang importante yata."-pagtanggi pa niya.
"Pwede naman niyang sabihin sayo yun bukas bro. Sige na, mag overtime ka nalang."-pamimilit ko pa.
"Wag na bro. Uuwi ako ngayon kasi may tatapusin din ako sa condo ko."-pagtanggi na naman niya.
"Ok fine."
Bumalik naman siya kaagad sa pagturo sa akin. Natapos kami mga 9:33pm nah. Umuwi naman siya kaagad. Ihahatid ko na sana siya pero ayaw niya. Mas gusto kasi niyang magcommute. Ibinigay ko na din yung bayad ko sa kanya para sa araw na toh.
Ang saya naman niyang kasama. Parang magkakilala na kami dati kasi ang gaan ng loob ko sa kanya. Nagligpit nalang ako sa mga notebook na ginamit namin at sa mga plato din.
Andrew's POV
Nandito na ako sa harap ng kwarto ni henish at ang tahimik yata ng kwarto niya ngayon. Ano kaya ginagawa nito? Binuksan ko ng dahan-dahan at nakita ko na mahimbing itong natutulog. Nilapitan ko naman siya.
"Brad, gising na."-panggigising ko sa kanya sabay alog naman ko naman ng katawan niya.
Nag-inat ito at humikab at ibinuka ang mga mata niya ng dahan-dahan.
"Bangon na brad. Kain kana oh, dinalhan kita ng pagkain."
Dinaanan ko kasi talaga yung restaurant na binibilhan ko ng pagkain. Masarap kasi doon.
"Ang tagal mo naman."-sabi pa nito na nakanguso.
"Syempre, tinuruan ko si lj diba?"
"Oo. Pero bakit ang tagal naman?"-Henish
"Nahirapan kasi ako sa pagturo sa kanya sa panglimang topic namin."-paliwanag ko pa.
"Bobo naman pala yung president natin."-Henish
"Wag mo ngang sabihin yan. Mahirap naman talaga ah. Sige na, kain kana oh. Kainin muna toh kasi mainit-init pa."
Binigay ko naman sa kanya yung binili kong pagkain. At kinain naman niya ito.
"Ah brad, pinuntahan ka pala ng mama mo kanina sa kwarto mo pero sinabi ko na wala ka kasi nagtuturo ka."-Henish
"Ganun ba brad."-palungkot kong sabi sa kanya.
"Bakit ka nakasimangot diyan brad? May nasabi ba akong mali?"-Henish
"Wala naman brad. Labas na muna ako ha."
"Ok sige brad."-Henish
Lumabas na din kaagad ako. Siguro dahil pinuntahan ako ni mama kanina kasi sasabihin naman niya na ipapalipat niya na naman ako ng paaralan. Nakakainis lang oh. Eh ayaw ko ngang lumipat dun kasi hindi ko gusto yung mga karanasan ko doon. Ayaw ko nang balikan pa yung mga nakaraan ko doon. Pagkatapos kong magmuni-muni ay bumalik na ako sa loob. Medyo may inis pa din yung mukha ko.
"Napano ka brad. Bakit parang inis na inis ka? May naka-away kaba sa labas?"-tanong pa nito na nakahiga pa din sa kama niya.
"Wala brad. Na untog ko lang yung paa ko sa hagdanan."
"Ganun ba brad. Dito kaba matutulog?"-Henish
"Sa totoo brad. Sasabihin ko na sayo na babalik na ako sa kwarto ko kasi may tatapusin pa kasi ako para bukas."
"Ganun ba, uhmmm...mabuti pang doon nalang ako matulog sa kwarto mo para naman matulungan kita. Ok ba sayo yun brad?"-Henish
Tulong talaga. Tignan nga natin matutulong nito sakin.
"Ok sige brad basta tulungan mo ako ha?"
"Naman...ikaw pa, kaibigan kaya kita brad."-Henish
"Siguraduhin mo lang yan brad. Sige na, kunin mo na yang unan at kumot mo baka kasi lawayan mo pa yung sa akin dun."-biro ko pa.
"Hindi kaya ako naglalaway kapag natutulog. Sige na nga, dalhin ko nalang baka hindi mo pa ako patulugin doon."-Henish
Bumaba na kami para puntahan kwarto ko. Itinapon niya yung mga dala niya sa kama ko pagkapasok namin. Pati nga katawan niya inihiga niya kaagad sa kama.
"Akala ko ba tutulungan mo ako brad."
"Wait lang brad. Pahinga na muna ako ha at tsaka kumain ka na din muna kasi kanina pa yan tumutunog tiyan mo."-Henish
Narinig pala niya. Pero tama naman siya, kanina pa kasi ako nagugutom kaya nag-iingay natong tiyan ko, kawawa naman mga alaga ko dito. Hahahahah....
Pagkatapos kong kumain ay nagsimula na ako sa gagawin ko o tatapusin ko. Habang nagsusulat ay nagtaka nalang ako na ang tahimik niya.
"Brad?"-tawag ko pa.
Nilapitan ko siya at nakita ko na nakatulog na nga ito. Ano ba naman toh, akala ko ba tutulungan niya ako. Nakatulog na nga kanina tas ngayon matutulog na naman. Binuksan ko phone ko sabay kuha ko sa kanya ng larawan. Pang block mail ko to. Hahahha...
Bumalik na ako sa mesa at nagsimula na ulit sa pagsusulat. Medyo mahaba-haba pa ito kaya baka matatagalan pa itong matapos, siguro sa tyansa ko ay maaabutan ako ng alas unsi ng gabi. Pero kaya koto, malakas kaya ako at tsaka hobby ko naman ang pagsusulat kaya yakang-yaka toh.
Nung makaramdam ako ng antok ay nagtimpla na ako ng kape kasi kailangan kong magising hanggang alas unsi ng gabi para matapos ko ito. Hindi naman sa masyadong maitim ang pagkakatimpla ko, yung sakto lang. Bumalik na din ako sa mesa para ipagpatuloy yung ginagawa ko sabay higop ng mainit na kape.
Habang patagal ng patagal akong nagsusulat dito ay hindi ko na natiis na mapikit ang mga mata ko. Parang walang epekto yung ininom kong kape kanina ah. Ipinatong kuna yung ulo ko sa mesa at yun nga, nakatulog ako.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Fiksi RemajaSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...