Chapter 3: Wrong

47 7 12
                                    

Chapter 3: Wrong



FIRST DAY OF SCHOOL came. Demi, Iryn and I were just inside the cafeteria.

"Ang tagal naman ng tatlong 'yon!" reklamo ni Iryn, pertaining to our three friends na wala pa. Wala sa mood ang isang ito kanina pa. Habang si Demi naman ay kanina pa tawa nang tawa sa tabi ko para inisin lalo si Iryn. While me? I'm just scrolling through my phone while looking for my friends' posts.

"By the way, kumusta na nga pala ang paa mo, Brey-Brey?" tanong ni Demi, it has been three days since that incident and my feet are completely healed right now. I just raised my thumb to answer her question. "Ayy, nagsuplada," I heard her whispering.

"Ang gwapo nga pala noong bagong player sa team natin, Brey," biglang sabi ni Iryn kaya napatingin agad ako.

"Really?" tanong ko dahilan para tumawa si Demi.

"Lumalapad talaga ang tenga ni Shanel 'pag usapang gwapo 'no?" I just rolled my eyes to her. Look, I'm just an ordinary girl with these so-called "Kalandian cells". Syempre I believe that teen life without any crush is so boring. Life is short, so have a crush with anyone whom you want to.

"Oo, sobra. Tapos noong nakipaglaro siya sa 'min, humanga ako sa galing niya. Tapos ang bait pa," pagmamalaki ni Iryn.

"Type mo?" taas-kilay na tanong ko. She was about to answer when two of our friends came together.

"Yow, what's up!" bati ni Audrey at bumeso sa amin. Siya ang anak ng governor dito sa lugar namin. She's another mischievous person inside this circle, aside from Demi. I can say that she's the loudest too, but she's super bubbly and the social butterfly.

"Oh, kumusta ang bakasyon?" tanong ni Demi.

"Ayy! Ang saya, dapat kasi sumama kayo. Hindi niyo tuloy na-experience sumakay ng banana boat sabay taob at lubog sa tubig." Ang ingay talaga niya, napakadaldal pa but that is what's making her Audrey Marlia Del Mundo, eh.

"Yow, wala bang papansin sa 'kin d'yan?" tanong ni Zeus, ang isa pang kaibigan namin. Well, he's the mischievous type too, but not too much. He likes sleeping and reading books, he's silent but when we're together, doon lumalabas ang kulo niya. Pero 'wag ka, galante 'yan. Mahilig siyang manlibre since he's a rich kid too. AT, gwapo pa! Kaya nga gustong-gusto siya ni Audrey eh. Ewan ko ba rito kay Zeus at parang wala siyang naririnig 'pag sinasabi sa kanya ni Audrey 'yon.

"Pinapansin naman kita, Zeus, ah?" kumurap-kurap si Audrey na nginiwian ni Zeus. See? Ewan ko ba kung ayaw ba talaga ni Zeus sa kanya o baka naman bakla talaga siya. Well, if he's one, I will respect him naman.

"Hindi lang ikaw ang kaibigan ko, Audrey," mahinang sabi ni Zeus at binaling sa 'kin ang tingin. Ouch! "Brey! Kumusta ang paa mo?" tanong niya at akmang uupo sa pagitan namin ni Iryn, pero agad siyang hinampas ni Iryn sa braso.

"Si Ken d'yan!" natawa na lang ako sa kulit nila.

"Oo nga, Brey, we heard the news from Demi. Kumusta na nga ba 'yan? Ikaw naman kasi, bakit ka nag-apak eh!" paninisi ni Audrey

"Okay na naman, Zeus, Drey. Maayos na naman ang paa ko," I answered their question with a smile. They seemed to be convinced so I shifted my attention to Iryn. "So back to our convo, do you like the new player in our team?" tanong ko at tinaas ulit ang kilay ko.

"What?! Hindi, ah?" sabi niya at tumawa. "As if!" sabi niya pa.

"Wews, babakuran na agad 'yan ni Brey, pustahan," sabi ni Demi na tinawanan nila. Instead of laughing with them ibinaling ko na lang ulit ang attention ko sa phone dahil may pumasok na friend request. Akmang bubuksan ko 'yon when someone covered my eyes using his hands.

Once Upon He Was Mine (Good Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon