Chapter 4: Shane
"Shems!" I hit my forehead when I noticed na sa pagmamadali ko sa pag-scroll ng friend request list ko ay napindot ko ang accept button sa friend request ni Vince. Shemay!
"Anyare sa 'yo?" tanong ni Iryn at sinilip ang cellphone ko, pero agad ko ring itinago.
"Captain, anong nangyari sa 'yo?" tanong sa 'kin ni Cha, ang setter ng Villamonte Soaring Eagles. Parang tumigil ang oras sa loob ng ladies' locker room dahil sa paghampas ko sa noo ko na 'yon.
"W-Wala," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Shems! I hate this uncontrollable hands of mine! Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsisintas ng rubber shoes ko habang hindi pa rin mawala sa isip ko ang iritasyon. Nakakairita lang dahil na-accept ko ang friend request niya.
"Capt, sure ka na bang babalik ka na sa team? Okay na ba talaga ang paa mo?" tanong sa 'kin ni Bea, ang middle blocker naman ng VSE. Bakit ba parang concern na concern sila sa akin? Parang noon lang tumututol sila sa desisyon ni Coach at ni Sir Benjamin Villamonte na ako ang maging team captain, ah?
"Don't worry girls, I'm fine." Nginitian ko na lang sila at saka binalumbon ang buhok ko. Sinuot ko na rin ang wristband ko. Ang itinuturing kong lucky charm sa bawat laro ko. Regalo pa kasi ito ni Ken sa 'kin nung twelfth birthday ko. "Are you ready, girls?" tanong ko na tinanguan nilang lahat. "Line up and let's go," utos ko. Nagpunta kami sa gymnasium kung saan kami maglalaro. Pagkarating namin doon ay wala pang ibang tao. "Girls, ten laps muna."
Tumango sila 'tsaka nag-umpisang tumakbo. Nagpahuli-huli ako sa kanila saka sumunod.
"Capt, bakit hindi natin hintayin sina Dwayne?" Iryn asked, she's pertaining to the boys' team captain.
"Masyadong magulo ang boys, Gabby. Pag sumabay tayo sa kanilang tumakbo, baka magkagulo lang tayo," sagot ko sa kanya.
Maya-maya lang din ay natapos namin ang pagtakbo paikot sa court. Sobrang hinihingal na ako pero kahit gusto kong magpahinga ay hindi pwede.
"Lunges," utos ko na sabay-sabay naming sinunod.
I've been the team captain of Girls' Villamonte Soaring Eagles team since March of this year. At first, my teammates were against it. Why? Because they thought Iryn, the team's libero, has the qualities of being a good team captain---which I am not against. And also, they know me as the lalampa-lampa girl. I hate to admit it, but I really am clumsy. I don't know why. But there are times na unti-unti na lang manlalambot ang mga binti ko hanggang sa matumba na lang ako. But despite that situation, I'm still here, proving to them that I'm worth it. The good thing is, they're not stubborn. They're still following me and respecting me inside the court. Maganda rin ang samahan namin ng teammates ko which is a relief for me. We're always here for each other. Whether we win or lose, we don't care. As long as we're having fun, we'll play.
"Okay, now, let's do the planking exercises," sabi ko at nag-umpisang magbilang. Sumunod ulit sila.
Another good thing in our team is walang sisihan na nagaganap. We're not saying hurtful words to each other. If we lose, we lose. If we win, then we'll celebrate. We're not like the other teams that nagsusumbatan after the game. We're not talking shits to each other just to raise ourselves. We respect each other's mistakes, and if we commit some, we'll team up and help the particular person to correct those mistakes. That's why I still love them. No biggies. And kung may magsasalita man ng ng sobrang sakit na salita sa amin, 'yon ay walang iba kundi ang napakasungit na kapatid ni Ken which happens to be our coach... Coach Benedict Dela Rosa.
BINABASA MO ANG
Once Upon He Was Mine (Good Girls Series #4)
Ficção AdolescenteStaring at the guy I love the most is one of the most excruciating things I could suffer. I am wishing to have him, but all I can do is to stare because he is out of my reach. Why? Because I let him pass and I never seized the chance he gave me. Thi...