Chapter 10: Crumpled Papers
From: Coach Ben
Training tayo
later . 2 o'clock
sa gym.
Napatitig ako sa screen ng phone ko nang mabasa ko ang message na 'yon sa akin ni Coach. So, totoo nga na makakabalik na ako sa team? At totoo ang sinabi sa akin ni Vince kahapon?
"Ate, anong oras ng klase mo ngayon?" tanong ko kay Ate Shanty na nakikisama sa 'ming tumambay dito sa Cafeteria nila Audrey, Demi, Iryn, Zeus at Ken.
"Baking lang kami ngayon. Mamaya pa 'yong eight thirty, bakit?" tanong niya sabay subo ng shawarma na binili niya. Actually, lahat sila may Shawarma dahil nilibre sila ni Ate. Pero hindi ako kumuha dahil hindi ako mahilig sa gan'yan. Nakikita ko kasing ang daming gulay no'n eh. Eh hindi naman ako mahilig sa gulay.
"Anong oras ng tapos niyo?" tanong ko.
"Siguro mga 12? Ikaw? 'Di ba half day ka lang?" tanong ni Ate.
"Actually, may training kami mamaya," sabi ko. Nangunot ang noo nila, pati na rin ng apat. Tanging si Iryn lang ang may alam.
"'Di ba may training suspension ka raw? Nabanggit 'yon sa 'kin ni Xyle," tanong ni Ate Shanty.
"Pinabalik na ako, eh," sabi ko at nagkibit-balikat. "Oh, sa 'yo muna ang phone ko, ibigay mo na lang sa 'kin pag-uuwi ka na," sabi ko at tumayo, nauna na akong maglakad papunta sa classroom namin. Nag re-review ako para sa quiz namin sa Science mamaya nang biglang tumunog ang bell. At nag-umpisa na ang klase namin sa Math.
"The formula for getting the circumference of a circle is---"
"Ma'am, excuse me po," sabi ng isang student na dumungaw sa pinto. "Ma'am, teacher's meeting daw po sabi ni Mrs. Samonte. Sa Faculty room daw po." Napangiti ako nang makitang si Ate Marra 'yon. Nang makita niya ako ay napangiti rin naman siya.
Nakadaan na kaya siya sa Grade 10? Nakita na kaya siya ni Vince?
"Okay class, answer exercises 2, 3 and 4. Pagbalik ko ay che-checkan natin 'yan," sabi ni Ma'am Banoy saka lumabas.
"Ang tanong, makakabalik ka pa ba?" natatawang tanong ni Ken sa tabi ko kaya natawa ako,
"Malay mo naman?" sabi ko at napatingin sa bintana, napansin ko si Vince na nagtatapon sa basurahan, pero nakatingin siya rito sa akin, sa direksyon ko. Nag-iwas siya ng tingin saka mabilis na pumasok sa room nila. Napakunot ang noo ko, anong problema no'n?
"Titig na titig kay Matthew, ah?" pang-aasar niya at nginisihan ako.
"Naku, tigilan mo ako, Kenzo," saway ko at inirapan siya. Nakita ko naman si Demi na tumayo kasunod niya si Zeus.
"Uy! Brey, pakopya," sabi ni Zeus at tiningnan ang libro kong wala pa namang sagot.
"Kaya nga, nakakatamad mag-solve eh," sabi ni Demi. Pero 'yong mata ko, nakatingin kay Vince na lumabas ulit at nagtapon. This time ay hindi siya nag iwas ng tingin. Sinenyasan niya lang akong lumabas ng room. Lumingon ako sa paligid at halos lahat ay busy. Pati na rin sila Zeus at Demi na nangongopya na kay Ken. Pinunit ko ang pahina ng math notebook ko na puno na ng solution ko.
Walang imik akong lumabas ng room at dumiretso sa kung saan ko siya huling nakita kanina. Sa tapat ng trash bin. But he's not here na. Where is he na kaya?
BINABASA MO ANG
Once Upon He Was Mine (Good Girls Series #4)
Ficção AdolescenteStaring at the guy I love the most is one of the most excruciating things I could suffer. I am wishing to have him, but all I can do is to stare because he is out of my reach. Why? Because I let him pass and I never seized the chance he gave me. Thi...