Chapter 11: Charot
Kaya naman after our class sa Science ay nag-ayos ako ng sarili. Nag-polbo, nag lip tint, nag pabango at nag-braid ng buhok.
"Aba, masigla si Brey-brey, ah?" pang-aasar ni Zeus at inakbayan ako,
"Bukod sa na-perfect ang science, nakabalik na sa team," sabi ni Ken at nakangiti na siya sa 'kin ngayon. Earlier kasi nakasimangot lang 'yan sa 'kin.
"At! Marriage daw ang result ng FLAMES," said Gabby na nakiki-asar na sa amin. Napasimangot tuloy ako.
"At heto pa! Nagkabati na sila ni Mr. Beans!" pang-aasar ni Audrey. Huh?
"At nag-sulatan pa sila ni Matthew," gatong pa ni Demi. Paano nila nalaman? "Napansin namin, agik!" sabi ni Janee at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko kaya halos mapatalon ako sa kiliti.
"Ano ba?" sabi ko at pasimpleng napangiti.
"Aga mo, Kuya, ah?" sabi ni Ken kaya napatingin kami sa kaniya, nasa tabi niya na si Coach Ben. Grabe, magkamukha talaga sila. Kung hindi lang mas matangkad si Coach at kung hindi lang mas tanned ang color ng skin niya, mapagkakamalan mong si Ken si Coach.
"Ah, katatapos lang ng blueprint na ginawa ko," sabi ni Coach. Oo nga pala. Bukod sa Coach namin siya, soon to be an architect din siya. Nag-aaral siya sa Villamonte University at third year college na siya.
Nag-order na kami ng pagkain namin. Um-order lang ako ng carbonara pasta at isang bottle ng C2. Hindi ako pwedeng mag-junk foods lang dahil may training kami mamaya. Umupo na kami sa usual spot namin kasama si Coach, syempre.
"Teka, Drey! Si Dwayne at Zion, oh!" sabi ni Janee at impit na napatili. Si Audrey naman ay namula lang tsaka napayuko. "Zion, tawag ka ni Audrey, oh!" tawag pa ni Demi. Napangiti naman si Zion saka lumapit sa 'min. Wait, magkaklase sila Zion at Vince, right? So ibig sabihin, recess na rin nila Vince? Oh, my gosh!
"Gosh, Janee, hindi ko siya tinatawag!" bulong ni Drey at yumuko ulit.
"Hi, Drey," nakangiting sabi ni Zion saka umupo sa vacant seat sa tabi ni Audrey.
"Tss, seryoso ba siya d'yan?!" rinig kong bulong ni Zeus na nasa kaliwa ko kaya napangisi ako.
"Bakit, selos ka?" tanong ko bago sumubo ng carbonara, natahimik siya sandali habang sumusubo naman ng spaghetti.
"Alam mo kasi, Brey, may mga bagay na hindi dapat pilitin. Hindi ko gusto si Audrey dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Ngayon, kung ayaw mo pa maniwala, wala na akong pake. Naiinis lang ako dahil masisira pa ata ang pagkakaibigan namin dahil lang sa pangfe-friend zone ko sa kaniya," mahabang paliwanag ni Zeus kaya napangiwi ako.
"Haba ng sinabi mo, tinanong lang ni Shanel kung selos eh," sabi ni Ken sa right side ko. Bale, napanggigitnaan ako ng dalawa.
"Ikaw, selos ka ba kay Brey at Matthew? Kung ano ang sagot mo, 'yon din sagot ko," sabi ni Zeus kay Ken saka ngumisi. Na-realize ko tuloy na wala talagang pag-asa si Drey kay Zeus. Napatitig ako kay Audrey at Zion na nagtatawanan na.
Bagay sila
"Ulol!" sabi ni Ken at napaiwas ng tingin. Aray ko ha?
"Edi ulol din!" sabi ni Zeus. Hindi niya direktang sinabing hindi siya nagseselos, right? Wait, I'm pertaining to Zeus, huh? Hindi kay Kenshii, best friends lang kami, eh.
BINABASA MO ANG
Once Upon He Was Mine (Good Girls Series #4)
Fiksi RemajaStaring at the guy I love the most is one of the most excruciating things I could suffer. I am wishing to have him, but all I can do is to stare because he is out of my reach. Why? Because I let him pass and I never seized the chance he gave me. Thi...