Chapter 5: Gatorade

28 6 0
                                    

Chapter 5: No Denial, No Refusal




"Shanel, kailan ka ba magiging role model sa teammates mo?!" malakas na sabi ni Coach. Okay, by the way guys, I'm here nga pala sa bahay nila Ken and kasama ko sila Janee(Demi), Gabby(Iryn), Drey(Audrey) at Zeus. Nagkaayaan kami rito dahil nagpasama ako sa kanila magpapalit ng case at tempered glass ng phone ko, bukod doon ay may training din kami later. Okay, let's go back to Coach, he's mad.

"Kuya naman, 'wag mo namang awayin si Shanel, oh," pagtatanggol sa akin ni Ken.

"Hindi ko siya inaaway, Ken. Pinagsasabihan ko siya kasi mali 'yong ginawa niya kahapon." Binalingan ulit ako ni Coach kaya napatayo ako nang tuwid. "Bakit ka nag-walk out kahapon sa training? As a volleyball player dapat masanay ka na sa bola at mga aksidenteng ganiyan. Hindi naman lahat ng palo mo ng bola ay tama 'di ba? At hindi mo naman masisisi si Matthew, kasi kita naming lahat na aksidente lang naman ang nangyari," panenermon sa 'kin ni Coach dahilan para mapairap ako.

"Simula talaga nang dumating yang Vince na 'yan, nawalan na ako ng kwenta," mahinang bulong ko.

"Ano 'yon, Shanel?" tanong ni Coach.

"Wala po, sorry po, Coach," nakatungong sabi ko.

"Sinasabi ko sa 'yo, Shanel. Hindi attitude ang pinaiiral sa court. Courage, strength, humbleness, alertness, and self-confidence lang. Kaya ayusin mo, kung ayaw mong ako mismo ang magtanggal sa 'yo sa team," panenermon niya pa.

"Coach, 'wag naman po. Nagso-sorry na nga po ako, eh!" maktol ko saka sumimangot. Okay pa sana kung 'wag na lang akong maging team captain, eh. I know that I can't handle the team very well. Pero 'yong maalis ako sa team is ibang usapan na for me! I love volleyball! I tried playing football, basketball, badminton, tennis, and table tennis, but I never loved them the way I loved volleyball. Para ngang mamamatay na ako pag sa isang linggo ay hindi kami makakapag-interact ng bola ko, eh. Kaya nga kailangan kong pagsawaan 'yon ngayong high school pa ako dahil hindi ko na ata kakayaning mag-volleyball 'pag nag-college ako.

"Anak, bawasan mo naman ang pagiging istrikto mo. Baka lalong ma-down si Shanel sa ginagawa mo, eh," sabi ni Tita Ana, ang mama nila Ken at Coach Ben. Nginitian niya ako kaya napangiti rin ako. Napakaganda talaga ni Tita Ana, shems!

"Eh, pinagsasabihan ko lang, Ma. Mali ang ginawa kahapon, eh---" pinutol ni Ken ang sinasabi ni Coach.

"Pero, Kuya, masyado pang bata si Brey para paghigpitan mo siya nang gan'yan. Paano nga kung may mangyaring serious injury kay, Brey? Mas mahihirapan kayo, Kuya---" pinutol naman ni Coach ang sinasabi ni Ken.

"Kaso wala naman, eh. Napakaliit na bagay lang noon, kumpara sa mga naranasan ko, Ken. Sa Volleyball, walang lugar ang kaartehan," sabi ni Coach. Napayuko na lang ako. Ngayon pati si Demi nakikisali na.

"Ang irrational mo talaga, Kuya Ben. Alam ko namang gwapo si Matthew per---"

"Shut up, Demi."

"Ahh, can you please stop na po? I already said sorry na po, 'di ba? 'Tsaka, Coach, hindi ko naman po sinasadya, eh. It's just that, bigla akong nawala sa mood. I'm sorry na po." Nagpa-cute ako ng todo kay Coach na sana ay tumalab naman dahil nakita kong lumambot ang ekspresyon niya.

"Basta 'wag mo nang uulitin 'yon. Nakakahiya kay Veronimo, eh. Iisipin niya na maa-attitude ang mga players natin. Baka mag-quit." Palihim na lang akong napairap.

Once Upon He Was Mine (Good Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon