Chapter 6: Confrontation

26 7 9
                                    

Chapter 6: Confrontation





Sa bawat palo ko ng bola ay wala akong ibang naiisip kundi ang tingin at ngiting 'yon ni Vince. And for the very first time in my life, my game flowed so well. My game is better than my best before.

Here we are in our second set, kami ang nanalo sa first set. It wasn't a big deal if we won or not. But I noticed na natatambakan namin ang SL girls. I guess they need more practice.

It's Bea who will serve. Nang pumito ang referee ay agad niyang pinaliban ang bola sa net. Ni-receive 'yon ng libero ng SLA, sinet ng setter at ini-spike ng Captain. Agad namang hinabol ni Iryn ang bola at pinapunta kay Cha, itinaas ni Cha ang bola at ini-spike ko rin. They tried to block it but sadly, it passes kaya sa amin pa rin ang points.

"24-13, last one VSE," they announced. Nagpulong muna kami saglit sa gitna ng team namin.

"Last one, girls. Let's do it?" I asked and they nodded.

"Mukhang maganda ang mood ng Brey-brey namin ah?" natatawang tanong ni Iryn na tinawanan din ng apat.

"Oo nga, capt. Inspired maglaro, eh!" pang-aasar ni Yana kaya natawa rin ako.

"Kayo, ha? Oh sige, let's go back to the game na," natatawang sabi ko at bumalik na sa pwesto ko, gano'n din naman ang ginawa nila. Bea served it again at ni-receive 'yon ng player sa katapat ko at sa 'kin ang patak ng bola kaya ni-receive ko 'yong bola at pinapunta kay Cha, sinet niya ulit 'yon at tumakbo ako nang mabilis at hinampas ulit 'yon pabalik sa SLA players. The player of the opposing team spiked the ball and it was Lia and Bea who blocked that. Hindi na 'yon natira ng kabila kaya matic na...

"Yes!" sigaw ni Gabby at tumakbo sa gitna. Sumunod naman kami.

"Congrats, team!" sigaw ko bilang pagbati sa kanila. Nagyakapan kami sa gitna at dumating naman ang tatlo pa naming ka-team mula sa bench na sila Tricia, Hailey at Mari. Nagyakapan kami sa gitna habang tumatalon-talon.

"Congrats! Nagawa natin!" sigaw ni Yana na tuwang-tuwa. Siya kasi ang pinakabata sa amin dahil Grade 7 lang siya, habang ang pinakamatanda naman ay si Cha na Grade 10 na.

"Congrats Lia, Iryn, Yana, Cha, Bea, Hailey, Tricia at Mari. You all did a great job," sabi ko sa kanila at saka ngumiti.

"Syempre, we can't do it without you, Capt," Nakangiting sabi ni Tricia kaya lalo akong napangiti.

"Pa'no palo, Capt? Pa'no?" tanong ni Bea habang tumatawa kaya napatawa ako.

"Stop being sweet nga, baka masanay ako, ha?" natatawang sabi ko at saka umiling, "Okay, girls, line up. They deserved to be congratulated as well," sabi ko at pumila na, nakipagkamayan kami sa players ng SLA, while uttering "Thank you for the nice game." Tumakbo ako sa bench kung saan nakapatong ang sweater, Gatorade at towel ko. Naupo ako sa bench at uminom, pagkatapos uminom ay nagpunas agad ako ng pawis. Napatigil lang ako sa pagpupunas nang mapansin ko si Vince na nasa tabi ko pala. "Shems!" bulong ko at napatayo agad, napatingin siya sa 'kin kaya agad akong napaiwas.

"SHANEL!" sigawan ng mga kaibigan ko na pababa na ng bleachers, agad kong kinuha ang mga gamit ko at sinalubong sila. Pero nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Ken.

Shems, don't know what to do.

Pero sa huli ay napangiti pa rin ako at ginantihan ang hug niya.

"Ang galing mo talaga, Shanel! Walang kupas!" malakas na sabi niya kaya natawa ako.

Once Upon He Was Mine (Good Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon