Chapter 8: Sooner Means Better
Buong byahe ay nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakyan, iniisip ko lahat ng nangyari kahapon. Lahat ng masasakit na salitang sinabi ni Matthew sa 'kin. Bakit ko nga ba dinadamdam 'yon? Oo masakit pero, kumpara sa lahat nang narinig ko before? Napakaliit na bagay lang naman nito.
"Nandito na tayo," announce ni Coach at nauna nang bumaba.
"Yes! Sa wakas, gutom na ako, eh!" sabi ni Demi at nag inat-inat. Pinagbuksan naman ako ni Ken ng pinto saka ako nginitian.
"Let's go?" he asked at nilahad ang kamay niya, nakangiting tinanggap ko 'yon saka bumaba. Kinuha niya ang bag ko sa likod at sinukbit niya. Napaka-gentleman talaga niya kahit kailan. Pagkababa ko ay nakita ko ang sasakyang sinasakyan nila Zeus, Audrey, Iryn at ang driver nila Zeus. Kinawayan ko sila at napangiti na lang ako nang makita sila.
"Jusko! Sila Shanel na ba ito?" tanong ni Tita Mariel at sinalubong kami. Agad akong nagmano sa kan'ya na ginawa din naman ng iba. "Mabuti naman at naisipan mo na ring umuwi rito, Shanel. Dalawang taon na rin simula noon, eh," sabi ni Tita. "Ken, maraming salamat nga pala at kinumbinsi mo ang pamangkin kong umuwi rito. By the way, ang laki niyo na." Hindi na iba ang mga kaibigan ko kay Tita Mariel, lalong-lalo na sila Ken at Demi. Taga-rito rin kasi sila, eh. Best friends si Tita Beatrice na mama ni Demi at si Tita Mariel, at kapitbahay naman namin dito sa Laguna sila Kenzo. Actually, dito nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo.
"Actually, si Shanel po ang nagpasyang umuwi rito. Namiss ko rin naman pong umuwi rito every weekends na kasama sina Demi at Shanel, eh," sabi ni Ken.
"Ahh, Tita, kasama ko nga po pala ang mga kaibigan ko. Sila Demi, Iryn Audrey at Zeus. Pati po si Kuya Ben at Kuya Darwin, ang driver nila Zeus. Titingnan po kasi namin ang resort nila Ken dito, eh," sabi ko at nginitian si Tita.
"Naku, walang problema. Feel at home lang ha?" sabi ni Tita at pinapasok na kami sa bahay. "Naku, pasensya na at iisang kwarto lang pala ang available namin ngayon. Ginawa ko kasing stock room 'yong isang kwarto, hindi naman ako agad nasabihan ni Marjorie kaya hindi ko napaghandaan ang pagdating niyo," sabi ni Tita kaya napangiti ako.
"Naku, Tita! Ayos lang naman po sa amin 'yon. Sama-sama na lang po kaming mga girls sa kwarto ni Shanel," nakangiting sabi ni Audrey kaya napangiti rin si Tita. Hindi ito ang first time nilang lima dito. Actually noon, lagi kaming pumupunta dito. Pero ito yata ang first time ni Audrey, Iryn at Zeus na matulog dito sa Laguna.
"Napakabait na bata mo talaga, Audrey." Ngumiti si Tita kay Audrey.
"By the way, Tita Mariel. Nand'yan po ba sina Cassandra at Troy?" tanong ni Iryn kay Tita, tinutukoy ang dalawang pinsan ko. Kasing edad lang namin si Sandra habang mas matanda naman ng dalawang taon sa 'min si Kuya Troy. Pero magkasundong-magkasundo kaming lahat. Lalo na kaming tatlo dahil lumaki kami sa Australia nang sama-sama. Si Tita Mariel ay nakatatandang kapatid ni Mommy, single parent siya, at may anak siya which are Cassandra Alonte at si Troy Alonte.
"Hindi na sila umuuwi rito, nandoon sila sa papa nila," malungkot na sabi ni Tita. "Kain na kayo, alam kong gutom na kayo mula sa byahe." Kahit malungkot ay nagawa pa rin kaming ngitian ni Tita.
"Yes! Makakakain na rin!" agad na umupo si Zeus sa upuan sa lamesa at agad na kumuha ng pagkain. "By the way, saan nga pala po kami matutulog?" tanong ni Zeus.
BINABASA MO ANG
Once Upon He Was Mine (Good Girls Series #4)
Teen FictionStaring at the guy I love the most is one of the most excruciating things I could suffer. I am wishing to have him, but all I can do is to stare because he is out of my reach. Why? Because I let him pass and I never seized the chance he gave me. Thi...