☽ Kabanata VIII ☾

272 90 3
                                    

Ang Pagharap Sa Hari


Hindi parin namamalayan na nakatitig lang ako kay Ismael. Bakit kamukha niya si Nathaniel?
"May problema ba?" tanong niya.
"Kuya Eron dumating ka na pala. Hinihintay ka namin ni Pristes Tora" sabi naman ni Waywaya kaya ngumiti si Ismael at tumingin sakin.

"Hinihintay mo ako? Bakit? May sasabihin ka?" pero wala na, hindi ko siya maiwasang titigan. Lumapit siya sakin at halos isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
Napakurap naman ako at lumayo.
"Oo..marami akong sasabihin at itatanong sayo.." tugon ko naman. Ngumiti siya ulit at lumakad papalayo.

Sinamahan niya kami ni Waywaya kumain at may dala din siyang iba pang pagkain. Hindi ko alam kung ano ang mga ito pero halos kasing lasa lang naman ng mga pagkain galing sa mundo ko.

Itong isa lasang kalabasa at ito naman lasang kamote. Masarap ang mga pagkain nila dito pero iba nga lang ang tawag.

Hindi uso ang plato o mga kubyertos sa mundong ito kaya sa malalaking dahon namin ipinatong ang pagkain.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagprisinta si Waywaya na siya na ang maglilinis ng pinagkainan. Aayusin na din daw niya ang susuotin ko sa pagtulog.

Ito na Toradel..oras na para kausapin mo si Ismael.

Tumayo siya sa tapat ng pinto at nakadungaw lang sa labas, lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Kitang kita na nagulat siya, hinila ko siya papasok sa silid niya. Hindi ko alam pero pwede ko naman siya kausapin sa labas, bakit ko pa ba siya dinala dito?

Pagharap ko sa kaniya ay nakayuko lang siya at nakahawak sa batok niya.
"Oh bakit? Anong nangyayari sayo?" tanong ko. "Ah... Hawak mo kasi ang aking kamay, a-at hindi.." binitawan ko agad kamay niya.. Di ko rin alam kung bakit. "Pasensya na.. Bawal din ba na hawakan kita?" tanong ko ulit.
"Hindi sa ganoon, ilang beses ko pinigilan ang sarili ko na mahawakan ka ngunit ikaw din pala ang mauuna" naweirduhan ako sa mga sinasabi neto, anu daw?

Nagpokus ako sa mga gusto kong sabihin sa kanya kaya napaupo nalang ako sa kama niya. Tinawag ko siya para umupo din. Para naman siyang pagon naglalakad papalapit at dahan-dahan pa umupo.

Lumapit ako ng konti sa kaniya at magsasalita na sana ako pero bigla nanaman siyang nagulat.
Ano bang mali sakin? Pero binalewala ko nalang.

"Ismael.. Naikwento na sakin ni Waywaya ang lahat. Tungkol sa inyong mga kawal, sa kanilang mga Pristes, sa hari at tungkol sa mga tao. Katulad ng iyong Ina..." napayuko naman si Ismael sa mga sinabi ko.

"Pero iba ako.. Kung wala na akong pagpipilian pa, pipilitin ko parin makabalik sa mundo ko. Sana maintindihan mo. Kung totoo man na sa bawat araw kong pananatili dito ay katumbas ng ilang taon sa mundo ko ay hindi parin ako mawawalan ng pag asa. Maniniwala ako na kaya mo akong tulungan." napatingin nalang si Ismael sakin at walang imik. Ano wala ka ba planong magsalita?

"Sana tulungan mo ako.. Ikaw ang nagligtas sakin, at baka ikaw din ang makakatulong sakin. Ang sabi mo hindi kayo pare-parehas na mga kawal. Patunayan mo ulit yun sakin.." biglang naging seryoso ang mga tingin niya sakin.

"Sa paanong paraan kita matutulungan?" tanong naman niya.
Nagmadali akong lumabas ng silid at pumunta naman sa silid ni Waywaya. Kinuha ko ang libro ko at dinadala sa kabilang silid. Pinakita ko sa kanya ang libro at mukhang nagtataka siya.
"Sigurado ako na may kinalaman itong libro na to. Ang papa ko..Ang aking ama ang nagbigay sakin nyan. Bata pa ako noon at siguro din ako na ilang beses ko na nabasa yan pero diko na maalala yung istorya. At isang gabi, nagdesisyon akong basahin yan ulit at lahat ng nakasulat dyan nangyari na sakin at mangyayari palang. Pati yung pagpunta ko sa mundong ito ay nakasulat din dyan" mukhang hindi naniniwala sakin si Ismael.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon