Ang Paghaharap
Hindi na makayanan ni Reyna Tora na balikan ang kaniyang nakaraan, kaya itinabi niya ang libro sa kaniyang tabi at humiga sa kama.
Bago pa man pumikit ang kaniyang mga mata ay nakatingin siya sa bintana, kung saan natanaw niya ang Gasuklay na Buwan. At sa kaniyang pagtulog ay pumasok sa kaniyang silid ang itim na usok, pinalibutan siya nito upang maipagpatuloy ng Reyna na malaman ang totoo.
Kung hindi man mabasa ngayon ng Reyna ang libro ay ipapaalala na lamang ito ni Konswelo sa pamamagitan ng panaginip nito.
Habang kasama ni Reyna Tora si Tamida ay nagtungo sila sa Dagat ng Arselana. Itinuro ni Tamida kung saan niya itinapon ang mga botelya, at agad naman itong pinuntahan ng Reyna.
"Kamahalan, maaari kang malunog sa iyong gagawin at hindi kita matutulungan dahil hindi ako marunong lumangoy" sagot naman ni Tamida. "Ngunit kailangan natin mahanap ang mga botelya, pakiusap Tamida.. Kailangan ko ang iyong tulong" ang pagmamakaawa ni Reyna Tora.
Kaya lumipad si Tamida at nilibot ang buong Dagat ng Arselana, ngunit nagdaan ang ilan pang mga minuto at hindi pa ito nakikita. Lumusong na din si dagat si Reyna Tora upang makatulong at sa hindi kalayuan ay kaniyang natanaw ang isang botelya. Nababalot man ito ng dumi ngunit sa kaunting pagpunas ay matatanaw sa loob nito ang kulay bughaw na ilaw.
Ito ang kulay para sa kaniyang emosyon na siyang maka-pagpaparamdam ng kalungkutan. Nang pulutin ito ni Reyna Tora ay itinanong niya kay Tamida kung isa ba ito sa botelya na hinahanap nila.
"Hindi ako maaaring magkamali, isa nga iyan sa mga botelya na aking itinapon dito sa Dagat" tugon ni Tamida. "Ngunit paano ko ito mabubuksan?" ang tanong naman ng Reyna. Kaya si Tamida na ang humawak ng botelya at pinilit itong buksan ngunit nabigo lamang, kaniyang naisip na ihagis ang botelya upang mabasag ito.
Nagtangka na si Tamida na ito'y ibato sa lupa ngunit mayroon pumigil sa kaniya, pinigilan siya ni Konswelo.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Hadlang ka sa aking mga plano!" sigaw ni Konswelo at pilit inaagaw ang botelya kay Tamida. "Hindi mo na ito maaaring gawin kay Reyna Tora! Isa kang ipokrita!" ang sagot naman ni Tamida, hindi na nakapagtimpi si Konswelo at naitulak ito. Nabitawan ni Tamida ang botelya at gumulong ito malapit sa paa ng Reyna.
"Kamahalan, basagin mo na!" ang sigaw ni Tamida, ngunit bago pa man makalapit si Reyna Tora ay itinulak din siya ni Konswelo.
"Isa kang hangal Tora! Pagbabayaran mo lahat ng iyong mga kasalanan!" makukuha na sana ni Konswelo ang botelya ng biglang hinila ni Tamida ang kaniyang buhok. Parehas sila na nag-aagawan upang makuha at mahawakan ang botelya, habang napaupo na lamang ang Reyna sa lupa at pinapanood ang dalawa..
Hindi malaman kung ano ba dapat ang kaniyang gagawin. Sa pagtutulak ni Konswelo at Tamida sa isa't-isa ay hindi namamalayan ni Konswelo na kaniyang natapakan ang botelya. Nagkaroon ito ng biyak at tuluyang nabasag, nanlaki ang mga mata ni Konswelo at sinubukan pigilan ito.
Ngunit unti-unting nakalabas ang bughaw na ilaw at tinangay ito ng hangin patungo kay Reyna Tora, at pumasok ito sa kaniyang dibdib. Muli nang naibalik sa kaniya ang isa sa mga emosyon niya.
"Hindi! Hindi ito maaari!" ang sigaw ni Konswelo at napalingon siya kay Tamida. "Ikaw.. Ikaw ang may pakana nito! Wala kang kwenta! Sana una pa lamang ay sana pinatay na kita! Diwata ka lamang at kayang-kaya ko din patayin ang kakambal mo na Sirena, Hadlang ka!" hinila ni Konswelo si Tamida at itinulak ito sa tabi ng dagat. Kaniya itong sinubukang lunurin ngunit pinigilan ito ng Reyna.
"Konswelo.. Huwag! Huwag mong sasaktan si Tamida! Ako na lamang, ako ang nag-isip ng lahat, tinulungan niya lamang ako!" sa sinabi ni Reyna Tora ay lumapit sa kaniya si Konswelo at hinawakan siya sa braso.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...