Ang Pag-amin
Isang libro pala ang laman ng tela na binigay sakin ni Senada. Araw-araw naman ay hinahatid sundo ako ni Ismael papunta sa palasyo.Nakakausap ko madalas si Lusyano, sobrang bait niya nga. Kahit siya yung pinaka matandang Kawal at kanang kamay ng Hari ay mapagkumbaba parin siya. Kung paano niya ako kausapin at tratuhin ay parang lolo ko siya. Naaalala ko tuloy si Lolo Pedro, at binigyan din ako ni Lusyano ng isa mga ginuhit niya.
Gamit lang ang putik at maliit na stick ay naiguhit niya yung Gasuklay na buwan at may katabing dalawang bituin sa kalangitan. Parehas din sila ni Lolo Pedro na magaling gumuhit.
Lagi ko din nakakausap si Senada at Mawrin. Madami nang naibigay sakin na libro si Senada at pinipilit niya ako pumasok sa isang silid. Kilalanin ko na daw si Luna Amora kung gusto kopa ng mga libro. Kaso masungit daw si Luna Amora at ayaw niya sa mga hindi niya kilala, kaya natatakot naman ako.
Nabanggit naman sakin ni Mawrin na dahil sa pangangaso niya dati ay siya ang nakahuli kay Luna Amora.. Anong ibig niyang sabihin?
Si Luna Amora daw ay isang tigre mula sa mundo ng mga tao, naligaw at napadpad sa Heratalya.
Ang kuya daw nila na siya ring dating Hari na si Ramon Fabio ang nag-alaga dito. Pero binigay din ni Ramon sa asawa niyang Reyna.
Medyo nagtanim daw ng galit si Mawrin kasi ginawa ng Reyna na tagabantay ng silid yung tigre. Yun yung silid sa taas ng palasyo. Pero wala naman sila magawa kasi sa Reyna lang naging maama si Luna Amora. At simula noon ay hindi na kumikilala sa ibang mga karo yung tigre, hindi na siya maamo at mainitin ang ulo.
Madalas nalang sila naghahatid ng pagkain sa silid para kay Luna dahil ayaw na niya lumabas. Kapag kumakain lang si Luna tsaka nakakakuha ng libro si Senada sa loob.
Pwede ko naman daw subukan pumasok dun, ano susubukan ko din kung lalapain ako ng tigre? Huwag nalang.. sapat na yung mga libro na binibigay sakin ni Senada.
Namimiss ko talaga magbasa, simula nang mawala si Mama at Papa ay di na ako nagbasa ng mga libro. Naging busy ako sa buhay ko, at di ko na nagagawa yung mga hilig ko.
Ilang buwan na ang lumipas..ang bilis ng oras dito, ibig sabihin ay dalawang buwan narin ako dito sa Heratalya.
Gumawa ako ng sarili kong kalendaryo at sa susunod na bukas ay ang ikatlong araw ko dito.Hindi parin ako makapaniwala.
Paminsan minsan ay umuulan ng malakas, at hindi parin nawawala yung pangangamba nila na baka sa pagtila ng ulan ay niyebe naman ang pumalit. At muling magpapakita ang bughaw na buwan.
Napansin ko naman na bago o tuwing umuulan ay nagpapakita sakin na itim na usok.
Kapag tinatawag ko naman si Waywaya para makita din niya ay bigla naman nawawala o kaya wala siyang nakikita. Nakakapagtaka talaga..
Tuwing ihahatid naman ako ni Ismael sa palasyo ay bigla nalang siya aalis. Palagi niyang dahilan ay magsasanay daw sila ni Lusyano, eh wala namang kalaban na dumadating at palagi ko din nakakausap si Lusyano.
Palagi lang siya nasa loob ng palasyo, simula talaga nung gabi ng kasiyahan ay hindi na ako masyado kinakausap ni Ismael. Bigla siyang nagbago at 'di ko siya maintindihan.
Pero nagbago na din si Haring Roman, kapag kaming dalawa lang ay Gil ang tawag ko sa kanya kaya feeling ko ay close na kami.
Tuwing dadalawin ko yung Hardin na binigay niya sakin ay nagkakausap din kami. Nagkukwento lang siya tungkol sa kabataan niya. Kawal daw siya sa kabilang lupain, sa Lupain ng mga Lapasaran ngunit itinakda siyang maging Hari ng Lupain ng mga Arselana.
![](https://img.wattpad.com/cover/96561781-288-k314464.jpg)
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...