Perlas Ng Karagatan
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko at walang may gawa nito kundi ako. Biglang tumakbo papunta sa dagat si Tamida at hinabol ko siya."Tamida, baka malunod ka.." ang mahinang sinabi ko sa kaniya. "Iyon dapat ang mangyari sa akin, dahil wala nang silbi ang aking buhay" ang malungkot na tugon ni Tamida at hindi na ako makasagot.
Nilapitan kami ni Ismael at iniabot niya ang kaniyang mga kamay. Sa paglingon ko sa likuran ni Ismael ay mayroon akong nakita na naglalakad sa likod.
Laking gulat ko at si Roman ay papalapit sa amin. Ngayon lang muli nagkasalubong ang mga mata namin at agad niya itong ibinaling sa iba.
"Ang sabi ko naman sa inyo ay wala nang dapat balikan dito. Dahil nawasak na ang Lupain na ito." ang sabi sa amin ni Roman. Habang patuloy na umiiyak si Tamida ay binuhat siya ni Ismael upang lumayo sa dagat, dahil nakasasama sa isang diwata ang tubig.
At ng sumunod ako sa kanila ay sumabit ang kasuotan ko sa isang bato, nahirapan ako tanggalin ito at sa pagpilit ko ay muntik na akong madapa. Buti nalang at may sumalo sa akin at nanlaki ang mga mata ko dahil si Roman ito.
Habang hawak niya ang mga braso ko ay tinulungan niya ako umahon sa dagat, at pagkadating sa lupa ay agad niya akong binitawan. "Paumanhin Kamahalan, hindi ko sinasadya na lumapit sa iyo. Hindi ko lamang makita na ikaw ay nahihirapan." ang mahinang sinabi sa akin ni Roman. Agad kong nilapitan si Tamida na nakaupo sa lupa at patuloy na lumuluha.
Hinahahod ko ang kaniyang likod at siya'y pinapatahan ngunit hindi ko kung ano ba ang sasabihin ko. "Ano ang nangyari sa Lupain ng mga Lapasaran? Bakit nagkaganito ang Dagat natin? Roman, ano ang nangyari dito?" ang tanong ni Tamida ngunit napayuko lang si Roman.
"Hindi ko lubos maisip na ganito ang sinapit ng aking mga kababayan. Marami nga ang namatay na mga taga Arselana ngunit mas matindi ang epekto ng digmaan sa mga Lapasaran.." ang dagdag pa ni Tamida. Lumuhod si Roman sa harapan ni Tamida at yumuko.
"Patawarin mo ako dahil ako'y nahuli. Nahuli ako at hindi ko natulungan ang ating mga kababayan. Tinanggap ko lamang ang trono sa Lupain ng mga Arselana dahil kinailangan ako nila Senada. Ngunit ang aking dahilan ay upang matigil na ang digmaan. Sa aking pakiramdam ay aking hindi kakayanin ngunit kailangan kong subukin." bakas sa mukha ni Roman ang labis na kalungkutan.
"Para sa akin ay naging isang magiting na Hari ka Roman. At kahit hindi ako sang-ayon sa iyong mga batas ay ngayo'y naiintindihan na kita." ang tugon naman ni Ismael. "Ngunit nahuli na ako.. Halos lahat ng mga taga Lapasaran ay nagdusa ng dahil sa akin. Ako ang may kasalanan ng lahat." dahil sa sinabi ni Roman ay parang nawawasak din ang puso ko.
Hindi ko na kayang tumayo at walang sabihin.
"Huwag mo sisihin ang sarili mo, dahil malinaw naman na ako ang may kasalanan. Sa lahat ng mga nangyari ay ako ang naging dahilan, nagpadala ako sa masamang emosyon ko. Sa sobrang sakit na naramdaman ko ay nabulag ako at hindi nakita na nakasakit din ako.. Ako ang tunay na may kasalanan. Inabuso ko ang aking kapangyarihan at hindi lang ako ang naparusahan." ang sabi ko naman sa kanila.
Hindi ko na napigilan ang aking mga luha, lumapit sa akin si Ismael at tumayo naman si Roman.
"Tora.. Ilang beses ko ba kailangan ulitin sa iyo? Huwag mong sisihin ang iyong sarili, dahil walang may gusto sa mga nangyari." ang tugon sa akin ni Ismael habang pilit pinupunasan ang mga luha ko.
"Hindi, kasalanan ko ang lahat. Ako din ang dahilan kung bakit namatay ang iyong Ama sa digmaan, ang daming namatay na mga taga Lapasaran.. Ako ang may pakana ng lahat. Ginusto ko ito dahil sa kagustuhan ko na gumanti, kaya kasalanan ko ito." ang paliwanag ko naman kay Ismael. At kahit patuloy na nakayuko ay lumapit sa akin si Roman.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...