☽ Kabanata XXIII ☾

150 50 11
                                    

Maligayang Kaarawan Tora


(December 31)

Habang natutulog ako katabi ay may tumawag sakin.. Pagkatingin ko naman sa orasan ay 5:30am palang, si Nathan pala ang tumatawag.

"Hello? Oh ilang.. bakit ka napatawag?" tanong ko kahit medyo inaantok pa. "May gusto lang sana ako ipakita sayo, puntahan mo ako ngayon sa Garden of eden" sagot naman ni Nathan. Hindi na niya pinaliwanag kung bakit, basta daw magkita kami doon. Kaya naghilamos muna at ako nag-ayos bago lumabas.

Kahit medyo madilim pa sa labas ay halos walang tao sa paligid ay pinuntahan ko si Nathan. Nakita ko siya na nakatayo at nakatalikod lang, nang tinawag ko ang pangalan niya ay hindi ko maintindihan.. Hindi ko maintindihan kung bakit parang si Ismael yung nakita ko.

Agad ko siyang nilapitan at si Ismael nga.. Anong ginagawa niya dito?
Niyakap niya ako ng mahigpit pero bumitiw agad ako para tignan muli ang mukha niya.

"Maligayang Kaarawan Tora.. Gusto ko sana na ako ang unang babati sayo." pagharap niya sakin ay si Nathan na ang nakita ko.. Bakit naiba nanaman?

"Nathaniel? Ikaw ba yan?" nagtatakang tanong ko.

"Oo naman. Ang nag-iisang ilang mo.. Bakit akala mo artista no? Swerte mo naman at ako ang boyfriend mo" sagot naman niya at wala ngang duda.. hindi nga si Ismael ang nasa harap ko, baka namalik mata lang ako.

"Ikaw lang naman talaga ang nag-iisang ilang ko.. Oo ang swerte ko nga sayo, salamat sa pagbati" at niyakap niya akong muli..  "Sa totoo nyan ay ako talaga ang swerte at nakilala kita, ako ang swerte dahil dumating ka sa buhay ko." ito ang mahinang ibinulong sakin ni Nathan..

Sa sobrang tahimik ng paligid ay naririnig ko ang tibok ng puso ko.. grabe iba na talaga 'to.

May inilabas naman si Nathan na isang maliit na jewelry box, ito ang regalo niya sakin.

Nang binuksan ko ay naglalaman ito ng bracelet na may disenyo itong Crescent Moon at sa magkabilang dulo nito ay may dalawang bituin.
Isinuot niya ito sa kamay ko, katabi ng pulseras na binigay ni Roman.

"Ito.. Hindi man kasing mahal ng perlas na suot mo ngayon ay mahalaga naman, ako mismo ang nag-ukit nyan para sayo. Katulad ng sa drawing ni Lolo Pedro, mukha kasing nagustuhan mo kaya ginaya ko. Sana magustuhan mo" sabi sakin ni Nathan at hindi ko naman maitago ang mga ngiti ko. Lalo na ngayon na hindi lang basta-basta ang regalo niya, pinaghirapan niya ito at ginawa na may kasamang pagmamahal.

Sa tapat ng Garden of Eden ay nasilayan naming dalawa ang pagsikat ng panibagong araw.
Bawat araw na ginugugol ko sa mundong ito ay ang mga nalalabing oras ko.

Malapit na ang pag-alis ko at pagbabalik ko sa Heratalya.. Maaari ba na pahabain ba ang panahon ko dito?

Lumakas ang simoy ng hangin at tinanong pa ako ni Nathan kung bakit di ko dala ang jacket ko. Kaya hinubad niya yung hoodie niya at pinasuot sakin.. grabe matutunaw na talaga ako sa kilig.

"Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin ng Crescent moon and two stars?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik ng hotel.
"Hindi ko talaga alam.. Pero sa sarili kong ibig sabihin ay isang babae ang Buwan na yan, yung dalawang bituin naman ay yung mga lalaking nagmamahal sa kanya. Yung malaking bituin ay yung lalaking mahal niya" paliwanag pa ni Nathan.

"Eh bakit ganito yung niregalo mo sakin? Sa tingin mo ba may dalawang lalaki sa buhay ko? Ikaw lang kaya.." sagot ko naman at malakas ang loob ko na sabihin yun, dahil yun ang totoo.

"Hindi naman sa ganun.. Ang saya lang kasi isipin na sa dami ng bituin sa kalawakan, yung dalawang bituin na nagmamahal sa buwan ay isa sa kanilang dalawa ay yung minahal din niya" nahihiyang sagot pa ni Nathan habang hawak ang mga kamay ko.
"Ahh... Gets ko na, so ikaw yung malaking bituin kasi ikaw yung pinili ko? At ako yung buwan ganun?" pang-aasar ko naman sa kanya at kinurot ko yung pisngi niya.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon